Chapter 17

214 12 1
                                    

Ethan's POV

Hagalpak ako ng tawa ngayon sa sala nang magwalk-out si Avery. Ha. Akala niya ba papatalo ako? Kahit lalaki ako, mapang-asar pa rin ako. Kahit sa babaeng 'yun.

But damn it... I can't understand myself earlier. Nacucute-an ako kay Avery kanina nang makita kong naasar siya sa akin. I don't know but I find it cute.

Biglang tumunog ang phone ko kaya binuksan ko iyon. One text received. From unregistered number. Tch. At sino namang magtetext sa akin? Don't tell me it's from Elizabeth? That warfreak girl.

From: 090909090909

I miss you, Ethan. I hope I can see you someday.

-SMT

Tch. Baka fangirl ko lang 'to ano. At naglagay pa talaga ng initials niya sa dulo ng text? I don't know him, or her. At wala akong pake kung sino man siya. I don't have time to know her or him.

Dinelete ko nalang ang text na iyon mula sa inbox at huminga ng malalim. I'm getting bored without Avery. Siguro nasanay lang ako na lagi ko siyang inaasar. And if ever my family is getting out of this house, I can't do it. Nasanay na ako dito sa bahay na 'to dahil hindi ako boring dito.

Dahil lagi akong may pagbubuntungan ng inis. And that person is no other than-- Avery Mia Smith. A girl I want to tease everyday.

Napangisi ako sa kaloob-looban ko. Avery, be ready for tomorrow. I'll make sure you will be pissed off by me again. Aasar-asarin na naman kita para buo ulit ang araw ko. At ngayon, hindi ka na makalabas-labas ng kwarto mo dahil sa kahihiyan.

Naabutan kong may katulong na paakyat sa hallway ng mga kwarto ng Smith na may hawak na baso ng tubig. Tinawag ko siya kaagad dahil parang may idea na ako kung saan siyang kwarto pupunta.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Sumagot naman agad siya, "Sa kwarto po ni Miss Avery. Bakit po?"

Napangisi ako. Ha! Good chance. Buti nalang at sumasang-ayon ang kapalaran sa akin. "Anong pinapautos sa'yo ng babaeng 'yun?"

"Pinapakuha niya po ako ng tubig na maiinom."

"Ako nalang ang magbibigay sa kaniya nito. Just go back to the maids' room," utos ko. "Okay po, sir Ethan." Binigay naman niya sa akin ang baso ng tubig na para kay Avery.

Ngumiti ako sa katulong at umalis na siya. Now what? Umaakyat na ako sa hallway nila Avery at napahinto ako nang makarating na ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Avery.

Ano kayang gawin ko sa kaniya gamit ang tubig na 'to? Ah, right. Magkukunwari nalang ako na nadulas sa kamay ko ang tubig para matapon sa kaniya. Haha!

Magiging masaya na naman ako dahil maaasar ko ang Smith heiress.

--

Avery's POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kwarto ko. Gusto ko sanang bumaba papuntang kitchen at kumuha ng maiinom pero nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina. Aish! Nakakabwisit naman, o. Pero hindi naman ako nawalan ng pag-asa dahil nag-utos na ako sa katulong para kumuha ng tubig para sa akin via intercom.

Ang lakas talaga ng apog ni Ethan para asarin ako. Iblackmail ko kaya siya para hindi na niya ako asarin? Kainis, e. Sarap sampalin. Hmp!

Biglang may kumatok sa pinto ko. Siguro ito na yung maid na kumuha ng tubig para sa akin. Ngiting-ngiti habang papalapit sa pinto. Binuksan ko na ang pinto at nagsalita.

"Give me my water no-" Hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang dumulas sa kamay ng mokong ang baso na may tubig kaya natapon sa damit kong mamahalin. Kainis! Yeah yeah, si Ethan ang nagdala ng water na pinakuha ko sa maid. 

"OH MY GOD! Anong ginawa mo, Ethan Liam Miller?!" sigaw ko sa mokong na nasa harapan ko at nakangisi. Damn it! Akala ko ba maid ang pinapunta ko dito? Hindi itong panget na 'to!

"Umm, nadulas yung baso sa kamay ko eh? Sorry?" inosenteng sabi niya pero halata namang nakaevil face at evil smile siya. Jusko, konting-konti nalang talaga at mapupuruhan na talaga 'tong bwisit na 'to sa akin!

"Nadulas? O baka sinadya mo lang?" tanong ko at pinandilatan ko siya ng mata. Kainis! He's really a pain in my ass since he got here!

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mama na nanggagaling sa kwarto nila. Medyo malayo-layo rin ang agwat ng room nila Mama kesa sa akin. Sila Ethan kasi, sa kabilang hallway pa yung mga kwarto nila.

"Avery! Anong nangyayari diyan?" narinig kong tanong ni Mama at nakita ko na siya na papalapit sa amin ni Ethan. Nagulat ako nang biglang pinunasan ni Ethan ang parte ng dress ko na natapunan ng tubig kanina. Anong ginagawa ng ugok na 'to? Bakit bigla niya nalang ginawa 'yun?

And why I am reacting so bad to what he just did?

Mali na ito. 

"Sorry, Avery, next time learn to be extra careful, okay?" Muntik na akong masuka dahil sa kasweetan ng boses ni Ethan. What the hell, right? Boses niya talaga iyon at hindi ako makapaniwala! 

"Oh, Ethan. Thank you for doing that to my daughter, for being sweet. You're such an ideal boyfriend for me," sabi ni Mom kay Ethan habang nakangiti siya. What the hell? Sweet daw? Jusko! 

"Thanks, Tita. I'm just doing it for her. Besides, I really love her that much so I wanna protect her and be on her side always," nakangiting sabi rin ni Ethan kay Mom at sumulyap sa akin. He smirked at me and I don't know why kung bakit ako nag-iwas agad ng tingin. Hindi ko nga rin alam kung bakit parang may sumasayaw sa tiyan ko nung sinabi ni Ethan iyon. 

Nagustuhan ko ba ang sinabi niya kaya ganun? Oh god, no!

"Salamat, Ethan. Hindi ko alam na may ganito ka palang side. You really have a good side. Dahil diyan, boto na ako sa'yo sa pagiging boyfriend mo kay Avery, sa anak ko. I really hope you can protect her just like what you have said."

"Hindi po mawawala ang trust na binigay niyo sakin. Of course, I could face my death just to protect her."

"I really appreciate you for that, Ethan. Okay, you have my trust. May tiwala ako sa'yo at alam kong hindi mo wawalain 'yun. So, goodnight anak, and Ethan." My Mom's last words were stucked in my head. I mean, paano ba makukuha ang loob ni Mama nang ganoon kadali diba?

Pagkatapos umalis ni Mama ay nakatulala lang ako. Ethan snapped at me so I came back in reality. Napatingin ako sa kaniya na seryoso ang mukha na nakatingin sa akin.

"Alam mo Ethan, kung hindi naman totoo ang lahat ng mga sinasabi mo kay Mama, stop it right now. Wag mong paasahin ang nanay ko, at alam naman nating dalawa na fake relationship lang ang meron tayo. Don't fool many people just by killing them mentally with your sweet words," seryosong sabi ko sa kaniya while looking at him.. Seriously, too. 

Pero ang ikinagulat ko sa ginawa ko ay natulala ako. He just moved his face next to mine so near. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"What if it's true? Paano kung totoo lahat ng sinasabi ko? You don't need to know, anyway. And by the way.."

"What?"

"I don't know but I'm starting to like you, Avery Mia. Goodnight, sleep well." His last words and then he just kissed me on my forehead with matching he cupped my face. He just left and I bet my cheeks were really red. 

Bakit niya ginawa iyon? Damn.

Pagkatapos ng nangyari ay sinarado ko na ang pinto at humiga sa kama ko. I stared at the ceiling for about five seconds. Saka pumikit. 

Why are you doing this to me, Ethan? I think I am really starting to like you, too.

My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon