Chapter 08

268 14 1
                                    


Avery's POV

"May bumatok sa akin kanina."

"Oh? At sino namang bumatok?" sabi ni Madison habang nagpapatunog ng kamay niya like there's someone she will punch in the face. "Tara resbakan natin!"

Hinampas ko siya nang bahagya. "Gaga! Mean girl nga 'yun e. Ultimate mean girl sa school natin."

Napa-isip siya. "Hm, ultimate mean girl ba kamo ng SSU? Hmm….. Aha! Kilala ko na. Yung Elizabeth Miashi Lee ba?"

Napanganga ako. Kilala niya pala yun? Ay wait. Si Abigail lang pala yung walang pakialam sa mundo, sa aming tatlo.

"Siya nga." sabi ko.

"Ano ba kasing problema niya huh? Ang ganda niya naman para mambatok ng isang magandang dyosa ha!" sarkastikong sabi ni Abigail and I saw her rolling her eyes.

"At tsaka bakit naman ako matatakot 'don? Ghad, I can handle her. Kwento mo Ave."

"Okay." I said as I let out a sigh. "Kanina nung iniwan niyo ko, nagwattpad ako dito nang mag-isa. Tapos naramdaman kong may bumatok sakin."

"Then?" - Madison

"May kasama siya dalawang babae na sa tingin ko ay mga alipores niya. Tapos tinanong ko kung sino siya."

"E bakit mo naman tinanong pangalan niya? E alam mo naman diba?!" hysterical na sabi ni Abigail.

"Teka, teka. Pwede ba?! Wag kayong hysterical! Tch. Patapusin niyo muna ako, aber? So yun na nga. Nagkaroon kami ng onting sagutan."

"Ayun lang ba?"

"Meron pa. She asked me kung kami ba ng kulugo slash alien na Ethan Liam Miller na 'yun. Psh! Sinagot ko ng hindi 'no, hindi naman talaga kami e!"

"Weeeeeeee?" nang-aasar na sabi ni Madison. "E kayo naman talaga e! Duh!"

"Isaksak ko kaya yung takong ng sapatos ko sa'yo?" sabi ko sa kanya habang nakatingin nang masama.

"Easy! Duh! Masyadong mainitin ang ulo!"

"Tapos yung huli na, sabi niya kapag nakita niya raw kaming magkasama ni Ethan, I'm surely a dead meat daw. Psh." I rolled my eyes as I remember that scenario earlier.

"Psh! Matatakot ka ba sa banta niya? Kilala kita girl 'no! Matapang ka e." proud na sabi ni Abigail.

"Papatalo ka ba 'dun?"

"Syempre hindi 'no!" ismid ko saka ko na ininom yung coke ko.

"Oh. Avery 'yan e." sabi ni Madison kaya natawa na lang kaming tatlo.

--

Night's out. Pagpark ko ng kotse ay lumabas na ako at pumunta kaagad sa kwarto ko.

"Hay. Pagod! Nakakapagod nang maging maganda." bored kong sabi saka humiga sa malambot kong kama.

Ang umangal na hindi ako maganda ay makakatikim ng sampal mula kay Avah Chen. Oh? Aarte pa?

Joke lang. -_-

Lumapit ako sa computer ko at mabilis na binuksan iyon. Umupo ako sa harapan nito at nag-Facebook.

Tiningnan ko ang mga online sa friends ko. Abigail, Madison, Ethan--- wait, did I just say, ETHAN?! Friend ko siya? What the hell.

Pipindutin ko sana iyon nang may nareceived akong message. Clinick ko agad iyon.

[Hoy! Mag popost ka ba ng status mo? Wag mo kong idamay diyan! Tsk!]

Nag-type ako.

[FEELER. Pwe! Hindi kita isasama sa itatag ko sa mga status ko 'no. Wag ka!]

Psh. Kairita. Yabang.

'Ethan Liam Miller is typing..'

Di ko alam pero bigla akong napatingin nang matagal sa sentence na 'yun. Ano ba 'yan? Bakit ako ganito?

Di kaya, naghihintay na ako sa message niya? No way! Aish!

'Psh! Sanhi lang 'to ng kakapal ng mukha niya.' sabi ko sa isip ko.

[Pasukan na diba?]

[Tanga ka ba? Malamang alam ko. Duh?]

[Tch. Ang sungit mo naman. Meron ka ba? *laughing emoticon*]

[Bastos! Pwe! FYI, wala ako! Duh!]

[Wala ka? E sino 'tong nagchachat sakin?]

[Pilosopo! Ewan ko sa'yo!]

My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon