Chapter 70- Relationship Ended

153 1 0
                                    


Avery POV

Nakarating ako sa park at nakita ko agad si Ethan na nakaupo sa isang bench, di kalayuan mula sa kanyang kotse.

Bumaba ako at napansin agad ako ni Ethan. Tumayo siya at kumaway, "Avery," sabi niya at sumunod naman ako sa direksyon niya.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" sabi niya at naiyak na ako. Hindi ko pa nga sinasabi eh!

"Oh? Bakit naiyak ka?" sabi niya at pinunasan ang mga luha ko. "Ethan, mahal kita." sabi ko at napangiti siya. "Mahal din kita, Avery. Wag ka nang umiyak." sabi niya at niyakap ako.

"Ethan, magbreak na tayo." sabi ko at nabigla naman si Ethan, kaya napapiglas siya ng yakap.

"Ha? Bakit?"

"Ethan, wala ng patutunguhan 'tong relasyon natin. Ikakasal ka na iba--" naputol ang pagsasalita ko. "Paano mo nalaman?"

"Ethan, hindi ako tanga! At wag mo na akong gawing tanga dahil alam ko nang ikakasal ka na kay Scarlett."

"Hindi ako papayag na ikakasal sa kanya! Hindi tayo magbebreak!" sabi niya saka naiyak na rin. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.

"Ethan, sana naman isipin mo ako. Ako ang nasasaktan sa pinanggagawa mo. Ayoko na." sabi ko at napaiyak ulit.

"Avery, wag. Mahal kita." sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat at hinalikan ako.

Kumalas ako sa paghalik niya at sa paghawak siya sa balikat ko. Tumayo na ako.

"Pero hindi tayo pwede para sa isa't isa." Sabi ko at tumalikod na. Pero nung bago pa ako tumalikod, nakita ko si Ethan na tumayo at ang mukha niya ay tila bang pinagsakluban ng langit at lupa. Nasasaktan ako sa kanya.

"Best wishes." sabi ko at tuluyan nang naglakad at bumalik sa kotse ko.

Pagka-alis ko, nagmistulang waterfalls ang mata ko dahil ang daming luha ang umagos sa mata ko.

Ang sakit palang iwanan mo ang taong mahal mo.

It's just hurts, that's all.

Dahil pag punta ko ng Japan, sisimulan ko ng ayusin ang sarili ko.

At pagbalik ko, iba na ang Avery Mia Smith ang makikita nila. Matapang pa rin, pero hindi na ako iiyak ulit with the same reason.

Ethan Miller, see you.


-END-





My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon