Chapter 05

358 13 0
                                    


After ng bakasyon, pasukan na naman. Hay nako naman oh. It's boring. Nandito na naman ako sa harapan ng computer at nakatunganga lang. 

Naalala ko 'yung ex kong si Tyler Gonzales. Psh. He left me for his new girlfriend. Tss. Nakakainis siya. 

Pero ano bang worse? Edi 'tong situation ko. Tss. I don't wanna see that dimwit's face again. All I want are my best friends.

Tapos destiny ko raw yung kulugong lalaki na 'yun? Destiny their asses! Psh. Nakakatawa. I don't believe in that.

Biglang nagring ang cellphone ko mula sa study table. Inabot ko iyon saka sinagot nang walang tingin-tingin sa screen.

"Hoy! Panget ka! Nasaan ka?"

Napataas ang kaliwang kilay ko sa narinig. It's the asshole calling again. "Panget? Who are you calling ugly? Yourself? Bakit mo pala tinatanong kung nasaan ako? You really sound like a creepy stalker, gosh!"

"Pupunta ako sa bahay niyo. May pag-uusapan tayo," sabi niya saka pinatay ang tawag.

Tss. Bakit naman pupunta ulit siya? Feel at home lang?! Tss. We're not close!

Bumalik na ako sa pagkakahiga habang hawak pa rin ang phone. Saka ako bumuntong-hininga. I'm really getting bored here. Kinalikot ko ang phone ko at nagpatugtog ng Human by Christina Perri.

Maya maya may biglang kumatok sa pinto. Tumayo ako agad para buksan iyon. Bumungad na naman sa akin si Yaya Ruth. "Ano na naman ba?" 

"Ma'am, may tao po sa labas," aniya. Hindi na ako sumagot at dumiretso pababa sa gate. Binuksan ko iyon tapos andyan na siya. Si Kulugo.

"Ano na naman bang kailangan mo?" pambungad ko sa kanya. Ngumisi kaagad siya sa sinabi ko. Bakit ba hindi siya naiintimidate sa akin? Gosh! 

"Diba may pag-uusapan tayo?" tanong niya. Tss. Pinapasok ko siya dahil mabait ako tapos pumunta ako sa garden.

"Ano na naman ba ang pag-uusapan, huh? 'Wag kang magbalak gumawa ng kahit anong masama ah? I swear, lulunurin kita sa pool namin," pagbabanta ko as I sat on the chair na malapit lang sa swimming pool. 

"Nandito kasi ako para.." aniya at yumuko bigla. Napakunot naman ang noo ko. Ayan na naman siya sa pagbibitin sa akin. Kainis! 

"Ano?" iritado kong tanong. Pabitin na naman kasi eh!

"Wala. Hahaha. Para lang inisin ka," natatawang sabi niya. Napataas ako ng kilay.

"Kung wala kang gagawin dito, umalis ka na. Stupid creatures are not allowed here," aswal na sabi ko at tumayo ako. Nakapameywang akong nakatingin sa kaniya. 

"Talaga? E bakit mo 'ko pinapasok dito?" sabi niya at sumipol. 

"Bakit ka nagtatanong? Stupid ka ba? Ah, oo. Sabagay, stupid ka. Psh," mataray na sabi ko tapos iniwan ko siya doon.

Binilisan ko yung lakad ko. "Hoy Avery! Hintayin mo ko!" Sigaw niya sa 'kin. Binilisan ko pa hanggang sa makarating ako sa pool para hindi niya ako maabutan. I don't have time dealing with him, 'no.

Pero nang makapunta ako sa gilid ng pool at nagmamadaling naglalakad ay bigla nalang akong natumba sa pool. Shit! That dumbass, he dragged me here! Bwisit!

"HAHAHAHAHA!" rinig kong tawa ni Kulugo nang makaahon ako. 

Napapunas ako sa mukha ko at tumingin kay Kulugo saka sinamaan ko siya ng tingin. Freak! "Damn it! Nakakainis ka! Humanda ka sakin!"

Lumapit naman siya habang nangangasar kaya nagkaroon ako ng chance para hilain siya. And bingo! I pulled him through the pool. Kaya nalaglag din siya sa pool. Haha! 

"Fuck!" he cussed. Tumawa ako. 

"Ma'am, yung boyfriend niyo po! Tulungan niyo po!"

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Yaya Ruth. Umahon muna ako mula sa pool bago tumingin sa kanya. "He's not! Duh! Hindi ko siya boyfriend! At hindi ko siya tutulungan, 'no! Siya nga ang tumulak sa 'kin dito eh!"

Umahon na si Kupal sa pool and hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Inakbayan niya ako habang basa pa kami sa pagkabasa sa pool. "Oo, girlfriend ko 'to si Avery."

Tiningnan ko siya ng 'what-the-hell-are-you-talking-about?!' look. Ngumiti lang siya saka tumingin kay Yaya. 

"Yieee, si Ma'am! Haha! Ano pa lang pangalan mo, Sir?" Napaikot ako ng mata sa reaksyon ni Yaya Ruth. Kinilig pa talaga siya, gosh!

"Ethan. Ethan Liam Miller."

My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon