3rd Person's POV
Nica's Condo
Matapos maayos nila Nica, Yan, Kaye at Sophia ang buong condo at nag asikaso na rin sila ng sarili nila. Saktong 5 pm ng matapos sila at marinig na tumunog muli ang doorbell ng condo ni Nica.
Bumungad kay Nica ang limang sikat at nagugwapuhan na lalaki, pero kenkoy ang nasa harap nilang apat na babae ngayon.
"AHHHHHHHHHHHHKKKKKK!!!!! NANDITO NA TALAGA KAYO!!!!" Malakas na sigaw ni Nica ng mag sink in sa utak niya na ang SB19 na talaga ang nasa harap nila.
"Napaka ingay mo pa rin Nica!" Inis na suway ni Justin kay Nica matapos mabingi sa tili nito.
"Pumasok na nga kayo! Ready na yung mga pagkain sa loob." Aya ni Kaye sa lima at sabay sabay na silang nag lakad papunta sa sala ng condo ni Nica.
"Wow ang daming pagkain ha!" Natutuwang sabi ni Josh ng makita ang mga pagkain na nakahain sa harap nila.
"Siyempre, magpapakabusog tayong lahat ngayon!" Excited na sabi ni Nica.
Ilang oras na silang nagkakasiyahan, madami-dami na rin silang napag kwentuhan tungkol sa buhay nila sa nakalipas na anim na buwan. Pero sa kabilang banda, mapapansin na parang balisa si Stell at may hinahanap.
(Tweet)
Stell: nasan ka mahal ko?
Napansin ni Nica ang pagiging tahimik ni Stell sa isang gilid at alam nya ang dahilan ng pananahimik nito, at iyon ay dahil sa kaibigan niya na wala ngayon sa kasiyahan nila. Kaya naman kahit nag-aalangan siya ay tinawagan niya si Marize para tanungin kung makakapunta pa ba ito.
*call*
Nica: sis nasan ka?
Marize: nasa condo ko why?
Nica: hindi ka talaga pupunta dito?
Marize: hindi ko pa kayang makita sya Nics. Alam mo naman yung pinagdaanan ko diba?
Nica: oo sis, alam ko yun, pero hinahanap ka din nila Sej sakin.
Marize: nics...
Nica: please Marize, ngayon lang tapos promise magbebehave na ulit ako. Alam kong badtrip ka sakin nung nakaraan pa. Sorry kung ang insensitive ko ha, pero namiss ko lang talaga makita na kumpleto tayo.
Marize: *sigh* okay, sige pupunta na ako.
Nica: thank you sis, and baka ito na rin yung closure na kailangan mo.
Marize: okay Nics. Baka nga...
Nica: okay see you, ingat ka ha!
Marize: yes sure, bye!
Nica: bye!
Matapos ang pag-uusap nila Nica at Marize ay binalita ni Nica sa mga kasama na papunta na si Marize. Maririnig sa buong condo ang ingay at tuwa ng mga naroon at makikita rin ang ngiti na gumuhit sa labi ni Stell ng marinig ang sinabi ni Nica.
(Tweet)
Stell: see you, namiss kita.
Marize: sana kaya ko.
~ :)
YOU ARE READING
Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJERO
FanfictionStell Ajero is a rising star together with his group which is known as SB19. But what people don't know is that Stell left someone in behalf of his career. Isang tanong lang ang nasa isip niya, baka pwede pa?