08

281 13 0
                                    

Tw: self harm & depression

Marize's Condo

Nakarating na sa condo ni Marize sila Kaye, Sophia, at Nica. Agad nilang pinindot ang doorbell ni Marize para ipaalam na nasa labas sila. Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin binubuksan ni Marize ang pinto kaya napag desisyunan nila na buksan na lang ito. Hindi na sila nahirapan na buksan ang pinto nito dahil may spare key naman sila nito.

(Tweet)

Nica: TANGINA! IBA YUNG KABOG NG DIBDIB KO NGAYON.

Sophia: sana mali. Sana hindi.

Kaye: pls, no.

Nang makapasok sa loob ng condo ni Marize ang tatlo ay hindi nila ito nakita sa sala, kaya naman agad silang dumiretso sa kwarto nito.  Nakita nilang bukas ang pingo at ilaw sa cr kaya doon sila dumiretso. Pagpasok nila ay nakita nila si Marize na walang malay at duguan ang pulso at ang hita nito.

Agad silang humingi ng tulong sa lobby ng condo ni Marize para mabuhat ito at madala sa sasakya ni Nica. Nang maisakay nila ito, agad na pinaandar ni Nica ang sasakyan nito hanggang sa makarating sila sa hospital.

Hindi mapigil ang pag-iyak ni Kaye na nasa likod din at inaaalalayan ang kaibigan na duguan at walang malay, habang si Sophia naman ay pilit na pinipigilan ang pag iyak para makabawas sa taranta na nararamdaman ni Nica na nakatutok lang ang mata sa pagmamaneho.

"Tangina, sabi ko na e. Iba talaga yung kutob ko kanina pa. Paano pala kung hindi ko kayo pinilit na puntahan siya ngayon?" Umiiyak na sabi ni Kaye habang yakap yakap si Marize nang mahigpit.

"Bilisan mo pa Nica, please." Pagmamaka-awa ni Kaye sa kaibigan na nagmamaneho.

"I know. Ito na binibilisan ko pa lalo" sagot ni Nica na nasa daan lang tingin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din sila sa hospital. Agad naman silang dinaluhan ng mga nurse ng bumaba sila sa tapat ng emergency room. Dinala agad sa ER si Marize para maagapan ang mga hiwa nito at ang  pagkaubos ng dugo nito.

(Tweet)

Kaye: Lord, please let her be safe.

Nica: tangina Marize!  Gago kang tunay!

Sophia: binigyan mo ako ng dahilan para mas i-pursue ang nursing. Kumapit ka pls!

Sophia: TANGINA HINDI DITO SA HOSPITAL YUNG SLEEP OVER NA SINASABI KO KANINA! PUTANGINA TALAGA!

SB19 Office

Umabot ng tatlong oras ang meeting nila Stell kasama ang buong board ng SBT company kasama na rin ang kanilang CEO na si Sir Robin. Dahil sa sobrang pagod dahil sa sunod sunid na rehearsal nila at late na masyado natapos ang meeting nila ay hindi na sila tumuloy pa sa pag punta sa condo ni Marize. Napagkasunduan na lang nilang apat na bukas na lang pumunta doon.

Dahil sa sobrang saya at pagod, agad na nakatulog sila Stell. Nakalimutan na niyang sabihan si Kaye na hindi sila matutuloy sa pag punta sa condo ni Marize.

(Tweet)

Sejun: GETTIN' THE ZAAAAAWN BREAAAK!

Josh: we go up!

Ken: nangarap ng bukas mga mata, yeah!

Justin: sa pag-abot ng pangarap hindi hihinto.

Stell: handa akong harapin ang lahat, yeah.  Kahit pa imposible.

(Text)

Stell: mahal, goodmorning. Kumusta ka na po? Kumain ka na dyan ha. Kita tayo mamaya.

Stell: mineeee, busy ka po?

Stell: mine wait lang po ha, mag rerehearse na kami e. Text kita mamaya pag magkikita na tayo ha.

Stell: mahal kita ♡

~

Hospital

Hindi umalis ng hospital sila Kaye, Nica at Sophia. Inantay nila na magising si Marize ng malaman nila na okay na ang lagay nito.

(Tweet)

Kaye: how are we going to tell this to others?

Nica: naiistress akoooo! Pero di ako gagaya sa isa dito. Smh! Gising na Marize!

Sophia: gusto kong manaket. Bakit kasi kaibigan ko pa?

Lumipas pa ang ilang oras ay nagising na rin si Marize. Unang bumungad sa kanya ay ang liwanag at amoy ng mga gamot. Alam niyang nasa hospital siya. Nang makita ng tatlo na gising na siya ay agad siyang nilapitan ng mga ito.

"Kumusta ka? Anong nararamdaman mo ngayon?" Agad na tanong ni Sophia kay Marize.

"Masakit" nanghihinang sagot ni Marize.

"Bakit kasi Marize? Nandito naman kami oh!" Naiiyak na tanong ni Kaye.

"Napapagod na ako, ayoko na" hindi makatingin na sagot ni Marize. Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.

Sawang sawa na siya na ganito lagi ang nangyayari sa kaniya. Na dito lagi ang end point niya.

"Tatawagan ko muna si Stell, sasabihin ko 'tong nangyari sayo." Paalam ni Nica sa kanila saka lumabas ng kwarto ni Marize.

Pagkalabas ni Nica ay pumasok naman ang mga nurse at doctor kasama ang parents ni Marize na tinawagan nila kanina ng gumising na ang kaibigan.

Habang nasa labas ay tinatawagan ni Nica ang kaibigan na si Stell. Pero naka ilang ulit na siya ng tawag dito ay hindi pa rin ito sumasagot.

Dahil hindi macontact ni Nica si Stell ay bumalik na lang siya sa loob ng kwarto ni Marize para makinig sa sasabihin ng Doctor nito.

"Hindi naman lingid sa kaalaman natin that Marize is under severe depression. Meaning she is very at risk on suicidal state. Mabilis matrigger ang anxiety niya pag sobrang stress na siya." Paliwanag ng Doctor sa kanila.

Nakayuko lang si Marize habang pinapakinggan ang sinasabi ng Doctor niya sa mga magulang at kaibigan niya na naroon.

"Plus, the medicines that she's taking is not helping to calm her anymore" dagdag pa nito.

"Doc, ano po yung other way para ma overcome ng anak ko itong sakit niya na ito?" Naiiyak na tanong ng ina ni Marize.

"I suggest Mrs. Ramirez that Marize should undergo psychotherapy.  In this way, Marize will be able to release and free all of her emotions" sagot muli ng Doctor.

"Gaano katagal naman 'yon doc?" Tanong ni Sophia na taimtim na nakikinig sa mga sinasabi ng Doctor ni Marize.

"It depends. It can be short term with a few sessions wherein it deals with immediate issues. Or it can be long term wherein it may take months or even years since it will deal with longstanding and complex issues" paliwanag nito.

"So Mrs. Ramirez, Marize, think of it. I assure you that it will help you. If you already have decided I'll be on my office. For now, Marize needs to stay here for 2-3 more days para ma-monitor yung mga sugat niya and madisinfect na din. Maiwan ko muna po kayo." Paalam ng doctor sa kanila.

~ :)

Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJEROWhere stories live. Discover now