06

330 12 0
                                    

3rd Person POV

Dumating na si Marize sa condo ni Nica at bumungad sa kanya ang mahigpit na yakap mula kila Sejun, Josh, Ken at Justin at sumunod naman ang mga kaibigan niyang loka-loka. Hindi mapakali sa kinauupuan niya si Marize dahil ramdam niya ang titig na binibigay ni Stell sa kanya.

Dahil hindi na komportable sa paligid niya si Marize ay nagpaalam siya sa mga ito na pupunta muna sa rooftop para magpahangin.

"Guys, rooftop lang ako, papahangin lang."

"Okay, balik ka din agad." Sagot ni Kaye at bumalik na ulit ito sa pakikipag kwentuhan pa sa iba.

Umalis agad si Marize, pero hindi niya namalayan na sinundan pala siya ni Stell upang makausap siya.

(Tweet)

Sejun: sana makapag-usap kayo ng maayos.

Josh: sana maayos na 'to.

Kaye: be brave pls, kaya mo yan miluvs!

Nica: it's either it'll work or nah, but whatever it is we're here for the both of you.

Ken: it'll be fine.

Jah: kayo na lang ulit pls huhu.

Sophia: ano kaya resulta nito? Hayzx

Yan: everything will fall into pieces, slowly and perfectly ♡

Pagkarating sa rooftop at agad na pumunta sa may dulo si Marize upang pag masdan ang buong syudad. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya, at nang lingunin niya ito ay hindi niya na naman alam ang gagawin ng makita niyang si Stell ito.

"S-stell" nauutal na banggit ni Marize sa pangalan ng binata. Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Kaba, lungkot, pangungulila, saya, sakit at galit. Pero sa lahat ng emosyon na ito, galit, sakit at pangungulila ang nangingibabaw sa kanya.

"Marize, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Stell sa mababang boses. Sa mga oras na ito ay gustong yakapin ng binata ang dalaga dahil sa labis na pangungulilang nararamdaman niya. Pero alam niya rin na sobra ang galit na nararamdaman ng dalaga para sa kaniya.

"Anong pag-uusapan natin?" Kalmadong tanong ni Marize pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang umiyak dahil bumalik lahat ng sakit na nararamdaman niya noon.

"Yung tayo. Yung dating tayo." Sagot ni Stell. Hindi maiiwas ni Stell ang mata niya sa mukha ng dalagang nasa harapan niya.

Ilang minutong natulala si Marize ng marinig ang sagot nito.

"TAYO? Stell, totoo ka ba? Matagal nang walang tayo. Umalis ka remember?" Sigaw ni Marize dahil hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"Marize, I'm sorry. Please. Forgive me." Hindi mapigil ni Stell ang luhang bumagsak sa mata niya habang nagmamaka-awa na patawarin siya ng dalagang sobrang mahal niya.

Sobra niyang mahal si Marize pero dahil sa pangyayari at desisyon niya noon ay nasaktan niya ito ng sobra.

"Stell, ang sakit pa rin hanggang ngayon. Ang sakit pa rin dito" umiiyak na sabi rin ni Marize habang tinuturo ang dibdib niya kung nasaan naroon ang puso niya.

Lahat ng sakit, lahat ng hirap na pinagdaanan niya noon ay bumalik din kasabay ng pag balik ng taong nawala kung kailan kailangan niya ito.

"Bakit bumalik ka pa? Bakit nagpakita ka pa? Okay na ako e. Okay na akong wala ka." Dagdag pa ni Marize.

"Mine, I'm sorry. Please hayaan mo akong bumawi. Mahal na mahal pa rin kita." Nakaluhod na sambit ni Stell.

(Tweet)

Marize: ang sakit pa rin.

Marize: akala ko okay na ako. Akala ko wala na.

Stell: patawad mahal ko, hindi ko sinasadya.

Stell: pwede bang kunin ko na lang lahat ng sakit na nararamdaman mo? Ako na lang yung masasaktan para satin, huwag ka na. Hindi ko kaya e.

~ :)

Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJEROWhere stories live. Discover now