Kinagabihan, habang nasa kwarto niya ay napag desisyunan na ni Stell na sabihin kay Marize ang tungkol sa debut nila. Umupo muna siya sa kama at pinag-isipan ng maigi ang mga sasabihin niya sa kasintahan. Hindi niya pwedeng biglain ng pag sabi dito dahil baka mag overthink na naman ito.
Matapos ang ilang minuto ay tinawagan na niya ito. Naka dalawang miss call na siya rito. Baka busy sya. Naiiling na sabi ni Stell matapos i-end ang tawag. Pero kailangan ko nang sabihin 'to sa kaniya. Dalawang araw na lang debut na namin. Pag kumbinse ni Stell sa sarili.
Kaya kahit hindi sigurado kung sasagutin na ba ni Marize ang tawag niya ay tinawagan niya pa rin ito. Nakahinga nang maluwag si Stell ng sagutin na ng kasintahan ang tawag niya after ng ilang ring.
(Hello, mine sorry di ko nasagot agad yung tawag mo. Naligo kasi ako e.)
"Okay lang mine, akala ko nga tulog ka na e." Sagot ni Stell at sinabayan ng tawa. Natawa naman ang kausap sa kabilang linya.
(Actually patulog na nga. Akala ko di ka na tatawag e. Sobrang busy niyo ata today.)
"Aww, sorry love hindi ako agad nakapag reply. Dire-diretso talaga rehearsal namin kanina e. Mag de-debut na kasi kami mahal" paliwanag ni Stell sa kasintahan. Nilayo naman niya agad sa tenga niya ang cellphone ng marinig ang sobrang lakas na tili ng kasintahan.
(Hala! Totoo ba mahal? OMG!!!! At laaast!)
Napangiti si Stell nang marinig ang excitement sa boses ng kasintahan. Masaya siya dahil ramdam niya na sobrang proud sa kaniya si Marize.
"Oo mahal, totoo na 'to. Haha di nga kami makapaniwalang lima e. Kinakabahan ako na na-eexcite at the same time" pagku-kwento niya pa kay Marize. Ngayon niya lang nailabas lahat ng naramdaman niya simula nung malaman nila na mag de-debut na sila.
(Hala, wag kang kabahan mahal. You can do it! Pangarap mo yan e, pangarap niyong lima yan. Ayan na oh! Abot kamay mo na, abot kamay niyo na.) Pag papagaan ng loob ni Marize sa kasintahan.
Alam niya kung gaano ka-gusto ni Stell at nila Sejun, Josh, Ken at Justin ang pag pe-perform. Kaya sobrang saya niya ngayon na magkakatotoo na lahat ng pangarap ng taong mahal niya at ng mga kaibigan niya.
"Salamat mahal" nakangiting pasasalamat ni Stell sa kasintahan. Sobrang saya ng puso niya sa mga oras na iyon.
"Basta lagi mong tatandaan mahal kita ha, hanggang sa huli" pag papa-alala niya rito. Masaya siya na masaya si Marize para sa kaniya - sa kanila. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip. Hindi niya kayang sabihin kay Marize na kailangan nilang mag hiwalay, hindi niya din kaya.
(Ang drama mo bigla mahal, parang aalis ka ha. Iiwan mo na ba ako?) Pabirong tanong ni Marize kay Stell. Alam niya any time soon ay kailangan siyang iwan ni Stell dahil isa yon sa protocol once na maging artist na sila. Pero ang tanong na nasa isip niya, handa ba siya? O magiging handa ba siya? Kakayanin ba niya?
"Hahaha, hindi ah. Ano ka ba! Sa'yo lang ako diba? Tsaka nangako akong hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ako mawawala sa piling mo." Sagot ni Stell sa tanong ng dalaga. Hindi niya kaya. Ito yung sigurado siya, hindi niya kayang iwan si Marize.
(I'm glad to know that. Thank you, and I love you)
"I love you too, mine. Sige na mahal, sleep ka na. Anong oras na oh. Papahinga na rin po ako. Mahal na mahal na mahal kita sobra ha. Lagi mong tatandaan yan."
(Okay love, I'm sleepy na rin haha. Good night, mahal na mahal na mahal rin kita. See you soonest! Galingan niyo sa rehearsals niyo ha. Mwa)
"Opo, gagalingan po namin haha. Good night, sweet dream of me. Bye." Paalam ni Stell sa kasintahan.
Matapos ang pag-uusap nila ay nag pahinga na rin siya. Ito lang ulit yung gabi na matutulog siyang magaan ang loob - hindi pa ganoon kagaan pero at least nabawasan na yung bigat sa dibdib niya.
YOU ARE READING
Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJERO
FanficStell Ajero is a rising star together with his group which is known as SB19. But what people don't know is that Stell left someone in behalf of his career. Isang tanong lang ang nasa isip niya, baka pwede pa?