[ESBINAYNTIN]
Josh: legit ba 'to? Mag dedebut na talaga tayo?
Justin: ahhhhhhhhhhhh! Hindi pa din ako makapaniwala 😭
Sejun: nakaka overwhelm. Lahat ng pagod natin paid off na.
Ken: worth it lahat, salamat kasi kayo yung kasama ko.
Justin: drama mo Ken! Parang aalis ka na agad ha.
Ken: alam mo ikaw...
Justin: cute? Alam ko matagal na.
Josh: hoy Stell, nasan ka?
Sejun: tahimik mo ah!
Ken: imposible namang nauna ka pang matulog kay Josh at Jah.
Josh: bilib ka na naman sakin Ken 😎
Ken: ha?
Stell: iniisip ko lang...
Justin: meron ka non?
Stell: paano ko sasabuhin 'to kay Marize?
Stell: alam mo ikaw Jah...
Josh: dre, kailangan mong gawin. Alam mo at alam ni Marize na bawal ka makipag relasyon.
Stell: hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya, lalo na ngayon na kailangan niyang mag-undergo ng therapy.
Sejun: pero kailangan mong sabihin Stell.
Stell: bahala na, pag nagka usap na lang ulit kami.
Ken: kailan pa? Makakapag-usap ba kayo before next week?
Stell: tignan ko, sana hindi siya busy.
Josh: gawan mo ng paraan Stell. Alam ko na maiintindihan ni Marize yan.
Stell: sige mga dre. Salamat.
(Tweet)
@skyajero: ang hirap.
Ilang araw na lang ay malapit na ang debut nila. Hindi pa rin makahanap ng tiyempo si Stell kung paano niya sasabihin ito kay Marize.
Kakatapos lang ulit ng rehearsal nila at ngayon ay nasa condo na silang lima. Busy si Josh sa harap ng computer dahil nag lalaro na ito, habang si Ken naman ay busy na manood ng anime. Si Jah at Sejun naman ay nasa kusina kumakain ulit.
Nasa sala lang si Stell kasama si Ken na busy na nga sa anime niya, nang maisipan niyang i-message si Marize. Buong araw silang hindi nagka-usap dahil sobrang abala sila sa pag pa-practice kanina.
(Text)
Stell: hi mine, alam kong sobrang busy mo ngayon, and next month na yung therapy mo. Please always remember na mahal na mahal kita ❤ ikaw lang hanggang sa huli.
Stell: please, wag ka na mag over think masyado. Everything will be alright. Please always smile, alam mo naman na ayaw ko ng malungkot ka. Smile lagi ha, kahit wala ako. I love you 😘
Stell: papahinga na ako mine ha :)) iloveyou ulit 😘 see you soonest mwa 😘
Matapos ma-text ang kasintahan ay nag paalam na si Stell sa mga kaibigan na mauuna na siyang matulog. Sobrang na drain siya sa rehearsal nila kanina. Pagod siya physically at mentally dahil nga sa kakaisip kung paano niya sasabihin kay Marize ang tungkol sa debut nila ng grupo niya.
Kinabukasan ay maagang nagising si Marize. Nag asikaso siya agad ng breakfast niya at habang nakain ay tinignan niya kung may message ba sa kaniya si Stell.
Agad niyang binasa ang text message ng kasintahan. Maaga siyang natulog kagabi pagkatapos niyang mag review kaya hindi na niya nabasa ito. Agad naman siyang nag reply dito.
(Text)
Marize: hi mine, good morning po 🤗 kakagising ko lang po. Sorry I wasn't able to reply on your messages last night, nakatulog na ako after ko mag review. Midterms namin ngayon eh. Kinakabahan ako huhu :(( pero confident naman ako na maipapasa ko 'to haha. I love you 💕 take care mwa 😘
Matapos mag reply ay agad nang nag-asikaso ng sarili niya si Marize at bumiyahe papasok. Buong araw naging tutok sa klase si Marize at nang matapos na ang kanilang exam at mag dismiss ang prof nila ay chineck niya agad kung may text ba siyang natanggap mula sa boyfriend. Nang makitang wala ay siya na ang nag text dito.
(Text)
Marize: update: tapos na po midterms namin mahal and tapos na din klase ko today pauwi na ako :)
Pagkasend ay inayos na niya ang mga gamit niya at lumabas na ng classroom para makauwi na. Dumaan muna siya saglit sa mall para kumain at bumili ng bagong libro, pagkatapos ay nagpasundo na siya sa driver nila. Habang nasa biyahe ay nag text ulit siya kay Stell.
(Text)
Marize: busy ka mine? Usap tayo :)
Marize: nasa rehearsals ka pa po? Reply ka po pag tapos niyo ha :)
Marize: sleep lang ako ha, medyo stuck ako sa traffic e. Mahal kita ❤
(Tweet)
Marize: I miss you :( @skyajero
~
"Water break muna 5 minutes" sabi ni Sejun pagkatapos ng isang run nila.
Agad namang pumunta sa may bag niya si Stell at kinuha ang tumblr niya doon. Pagkatapos uminom ay kinuha niya ang cellphone niya ng makitang nailaw ito. Agad naman niyang binasa ang mga text ni Marize sa kaniya.
Nang makita ni Josh na nakatitig lang sa cellphone nito ang kaibigang si Stell ay nilapitan niya ito at binasa ang mga text ni Marize sa kaibigan.
"Hindi mo pa rin ba sinasabi kay Marize?" Tanong ni Josh sa kaibigan. Napalingon naman sa kaniya si Stell at agad tinago ang cellphone.
"Hindi ko kayang makipag hiwalay dre, mahal na mahal ko 'to e." Sagot ni Stell sa kaibigan.
"Pero kailangan mo, nasa contract natin 'to" pagpapa-alala ni Josh sa kaibigan.
"Ang hirap dre." Nahihirapang sagot ni Stell. Gulong gulo na siya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawing desisyon.
"So anong balak mo? Sinabi ko na ba sa kanya kahit yung about sa debut man lang?"
"Hindi din, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanya." Nakatitig lang sa cellphone niya si Stell habang sinasagot lahat ng tanong ni Josh sa kanya.
Napailing na lang si Josh. Kahit siya ay nahihirapan din para sa kaibigan niya lalo na ngayon na alam din niya ang mental state ng kasintahan nito na kaibigan na rin naman nila.
"Stell mag-isip-isip ka na. Si Marize ang magiging kawawa at mas lalong mahihirapan. Isipin mo yan." Payo na lang ni Josh sa kaibigan at tinapik ang balikat nito. Tumayo na rin ito at pumunta na sa pwesto nila Sejun.
(Tweet)
Stell: ayokong saktan ka, pero kahit anong piliin at gawin ko masasaktan at masasaktan pa rin kita.
Reply: @kayeflores: ano 'to?
Stell: ang hirap. Ang gulo.
~~~ :)
YOU ARE READING
Baka Pwede Pa | SB19 - STELL AJERO
FanficStell Ajero is a rising star together with his group which is known as SB19. But what people don't know is that Stell left someone in behalf of his career. Isang tanong lang ang nasa isip niya, baka pwede pa?