02

1 0 0
                                    

02.





Inayos ko ang aking bag pagkatapos ng aming pangalawang subject. Vacant time na namin ngayon. Isinukbit ko na ang aking bag upang magtungo sa locker. Ilalagay ko kasi ang mga librong dala ko dahil hindi ko na ito gagamitin pa para mamaya.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng room, medyo nagulat ako nang bumungad sa akin si Sylan. Nakasandal ito sa pader habang nakapasok sa kaniyang magkabilaang bulsa ang kaniyang mga kamay.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Maglalakad na sana ako palayo nang harangan ako nito. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking noo dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Seryoso itong nakatingin sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko. Seryoso ko siyang tiningnan pabalik.

" Padadaanin mo ako o padadaanin mo ako?" Malamig kong sambit. Nakatitig pa rin ito sa akin.

" I-ikaw ba talaga 'yan, Riyah?" Natawa ako nang mahina nang marinig ang kaniyang sinabi.

" Hindi ko alam kung tanga ka talaga or what. Ah, oo, tanga ka nga pala." Mukhang nagulat ito sa aking sinabi. Hindi niya siguro inaasahan na kaya ko ng bumigkas ng mga ganoong salita.

" Tititigan mo na lang ba ako? Because you know, we're making a scene here." Taas-kilay na sabi ko. Napatingin naman siya sa paligid namin. Dumarami na nga ang estudyanteng nakatingin sa amin.

" Sumama ka sa akin." Saad ni Sylan at hinila ako. Mukhang mas lalo siyang nagulat nang hindi man lang ako nanlaban sa kaniya.

Well, I did it for some purposes. Nakita ko lang naman ang higad sa 'di kalayuan. I smirked at her direction and mouthed, "Sarreh". At mas lalo akong nagpigil ng tawa nang makita ang kaniyang pagkairita.

'Buti nga sa'yo, loser.'

Huminto kami ni Sylan sa likod ng hagdanan. Wala halos tao roon o kahit estudyante. Muli ko itong tiningnan sa mga mata. Hindi ko pa rin maiwasang magulat nang yakapin ako nito. Tila may naramdaman akong kiliti dahil sa kaniyang ginawa. Para bang, may elektrisidad na dumaloy sa aking katawan nang yakapin niya ako.

" I miss you, Riyah...I'm sorry." Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya pabalik. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko. I should not let my emotions anymore to drag me down.

" Balik ka na sa akin, please?" Bahagya kong itinulak si Sylan nang marinig ang kaniyang sinabi.

" Nagpapatawa ka ba? Ako, gusto mo akong bumalik sa'yo? Hahahaha! Shit! You're so funny, Mister Bustamante!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa.

" Please? Bumalik na tayo sa dati. Bumalik ka na sa dati." Naging seryoso ang mukha ko nang marinig ang sunod niyang sinabi.

" Gusto mong bumalik na tayo sa dati? Gusto mong bumalik na ako sa dati? Ewan ko lang kung magagawa ko pa. Sylan, ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Ikaw ang bumago sa akin. Kayo, kayo ang nagpabago sa akin." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Nagkaroon nang sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa nang muli siyang magsalita.

" Handa akong hiwalayan si Keisha, bumalik ka lang sa akin." Ngumisi ako sa sinabi niya at ipinagkrus ang mga braso.

" Alam mo kung anong hitsura mo ngayon?" Lumapit ako nang kaunti sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

" Mukha kang desperado. Nakakaawa ang hitsura mo. So pathetic." Napayuko si Sylan.

" I'm sorry..." Seryoso niyang saad habang nakatungo." M-minahal naman kita—"

" MINAHAL?!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw.

" T-totoo... "

" Kung minahal mo ako, bakit mo ako ikinahiya sa mga kaibigan mo? Bakit mo ako itinanggi bilang girlfriend mo?! Kung mahal mo ako, ipagmamalaki mo ako! Kung mahal mo ako, handa kang ipagsigawan sa buong mundo na mahal mo ako!" Habang sinasabi ang mga salitang 'yan, hindi ko man lang naramdaman ang luha sa sulok ng aking mga mata. 'Di gaya dati na ang bilis kong umiyak sa simpleng bagay.

" R-Riyah..."

" At kung mahal mo ako, hindi ka makikipaghalikan sa ibang babae! " Napakabilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ako dahil sa galit at inis na nararamdaman dahil bumabalik sa aking isipan ang hitsura ni Keisha habang kahalikan si Sylan.

" B-bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon, please? Sorry na." Tinabig ko ang kamay nito nang subukan ako nitong hawakan.

" Makikipagbalikan ka sa akin hindi dahil mahal mo ako, kundi dahil gumanda na ako. Sa ginawa mo Sylan, parang ipina-realize mo sa akin na mahal mo lang ang isang tao kapag maganda. At ano? Pangalawang pagkakataon? Pasensya na, ha? Hindi kita mabibigyan ng pangalawang pagkakataon kasi nga, hindi na kita mahal." Natigilan ito nang marinig ang aking sinabi. Nagulat ako nang dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin.

" Hindi mo na ako mahal? Sigurado ka? Eh bakit ang lungkot pa rin ng mga mata mo? Bakit parang nangungulila ka sa akin?" Patuloy lamang ito sa paghakbang papalapit. Dahan-dahan na rin akong humakbang papalayo.

" Tumingin ka ng diretso sa mga mata ko at sabihin mong hindi mo na nga ako mahal." Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Titig na titig ako sa kaniya. Matapang kong sinalubong ang kaniyang mga tingin at sumagot.

" Hindi na kita mahal." Kasabay nun, naramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa aking likuran. Mukhang wala na akong kawala sa lalaking kaharap ko.

" Hindi pa rin ako naniniwala."

" T-teka? Bitawan mo nga ako!" Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang sapilitan nitong itinaas ang aking mga kamay at inilapit ang sarili sa akin.

" Maniniwala lang ako 'pag nalaman kong may iba ka na." Seryoso nitong sabi at mas lalong inilapit ang sarili sa akin. Natigilan naman kaming pareho nang marinig ang boses ng isang lalaki.

" One wrong move, I'll kill you." Mabilis na binitawan ako ni Sylan at lumayo sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking dumating.

" Who the hell gave you the permission to touch my girl?" Ramdam ko ang pag-init ng dalawang pisngi ko nang marinig ang sinabi ni Kairus.

My g-girl? Ako ba ang tinutukoy niya?

" G-Girlfriend mo si Riyah?"  Nauutal na tanong ni Sylan. Napatingin naman sa akin si Kairus. Nanatiling nakaawang ang aking bibig sa gulat.

" What do you think?" Tanging saad ng lalaking dumating at tsaka lumapit sa akin. Naramdaman ko na lamang ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. Inakbayan ako nito at inilapit sa kaniya.

" S-sorry, bro." Nagtaka ako sa sinabi ni Sylan. Ang alam ko, hindi nagpapatalo ang isang Bustamante. So bakit tila natatakot siya sa lalaking katabi ko?

" Leave," mariing sabi ni Kairus at walang reaksyon na tinitigan si Sylan.

Sa huling sandali, tinapunan ako ng tingin ni Sylan bago tuluyang umalis. Naiwan kaming dalawa ni Kairus. Nagulat ako nang itulak ako nito palayo.

" Aba't ang sama ng ugali mo!" Sigaw ko rito. Walang reaksyong tinitigan naman ako nito.

" Is that how you express your gratitude?" Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.

" At bakit naman ako magpapasalamat sa'yo? Ikaw ang kusang lumapit, hindi ko hiningi ang tulong mo." Mataray kong saad. Inayos naman nito ang nagusot na uniporme at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

" You're so ugly in your new style." Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya.

" Walang hi—" Hahampasin ko na sana ito nang maglakad na ito palayo.
Sinubukan ko itong habulin pero mas binilisan niya ang paglalakad.

Bago pa ito mawala nang tuluyan sa aking paningin, muli itong lumingon sa akin. Naiwang nakaawang ang aking bibig nang marinig ang sinabi niya. 'Ni hindi ko man lang ito magawang sagutin.

" May utang ka sa akin dahil tinulungan kita. Handa ka bang magbayad?"





***

Ito Lang Ako (Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon