01

2 0 0
                                    

01.






Inayos ko ang nagusot kong uniporme bago umupo sa tapat ng salamin. Pinagmasdan ko ang aking hitsura. Napakarami na pa lang nagbago sa ayos ko.

Ang dating buhaghag kong buhok, ngayon ay rebonded na. Kung dati-rati ay eye glasses ang ginagamit ko, ngayon ay contact lens na. Ang dating dry at maitim kong balat, medyo nag-glow at maputi na ngayon. At kung dati-rati, pulbo lamang ang ginagamit ko sa mukha, ngayon ay gumagamit na ako ng blush on, eye liner, at liptint, at cheek tint. At hindi na rin ako mukhang manang at nerd kung manamit.

Napangiti ako sa tapat ng salamin. Nang dahil sa lalaking nanakit sa akin, naging mas better ako. At gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko ma-rerealize na dapat ay mahalin at unahin ko muna ang sarili ko. Naalala ko naman ang mga huling araw bago magbakasyon.

Bitbit ko ang aking mga makakapal na libro habang naglalakad papasok sa eskwelahan. Medyo nagtataka ako sa mga taong nadaraanan ko. Ang bawat tao kasi ay nakatingin ngayon at tutok na tutok sa kani-kanilang mga cellphone. O kung hindi man sa cellphone, pag makikita nila akong dumaan ay kaagad silang titingin sa akin ng matagal sabay magbubulungan at magtatawanan.

" 'Di ba ayan 'yung babae sa may locker?"

" Ah, 'yong may picture? Oo!"

" Ang panget nga pala talaga niya 'no?"

" Yes. Nerd kasi eh. Pero huwag ka, matalino raw 'yan."

Kahit naguguluhan, hindi ko na lamang pinansin ang mga taong nadaraanan ko.  Sinubukan kong magbukas ng facebook habang naglalakad papunta sa locker upang mailagay ang mga hawak kong libro nang tuluyang bumigat ang aking paghinga. Hindi ko aakalain ang bubungad sa news feed ko. Nangangatog ang tuhod ko at dama ko ang pagbabadya ng luha kong tumulo.

" Sylan Bustamante and Keisha Amarillo are in a relastionship."

Napangiti ako nang mapait. Parang dalawang linggo pa lang kaming naghiwalay, sila na kaagad ng babae niya. Ganoon na ba ako kabilis palitan?

Pinahid ko kaagad ang mga luhang lumandas sa aking pisnge at bumuntong-hininga.

" Kaya mo 'yan, Riyah. Masanay ka nang wala siya at iba na ang girlfriend niya. Mali,  matagal ka na pa lang sanay na wala siya." Mahinang bulong ko sa sarili at naglakad na papunta sa locker room.

Pagkarating na pagkarating ko roon, ang magka-akbay na si Sylan at Keisha ang bumungad sa akin kasama ang mga tropa ni Sylan. Habang ang ibang estudyanteng naroon ay napatingin sa direksyon ko at nagtatawanan.

Napatingin ako sa bawat locker na kung saan, may litratong nakadikit. Dahan-dahan akong lumapit sa isang locker at kinuha ang litratong nakadikit doon.

Muli na namang lumandas ang aking luha. Unti-unti na rin akong humihikbi dahil sa bigat na nararamdaman. Litrato ko 'yon kung saan basang-basa ako matapos mahulog sa pool. Tila isa akong kambing sa litrato na lamig na lamig o mas mabuting sabihing, basahan.

" Oh, hi Riyah!" Napalingon ako kay Jace, ang bestfriend ni Sylan.

" Sorry, ha? Wala kasi kaming magawang magtotropa kaya napag-tripan ka namin." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sa sobrang galit ay nilukot ko ang papel na hawak ko kung saan naroon ang litrato ko.

" Oh, galit ka na niyan? Ikaw talaga." Nagulat ako nang akbayan ako nito.

Napadako naman ang tingin ko kay Sylan. Pero agad lamang itong nag-iwas ng tingin. Nakuha naman ang atensyon ko ng babaeng katabi niya. Nakangisi ito sa akin na tila nang-aasar at sinasabing,

Ito Lang Ako (Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon