03

0 0 0
                                    

03.





" Riyah!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Mabilis naman akong ngumiti nang makilala ito.

" Uy, hello." Bati ko kay Aica, ang isa sa mga naging kaibigan ko last year pa.

" Long time no see, ah. Grabe, laki na ng pinagbago mo!" Manghang sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

" Saan ka pala pupunta? May sasabihin ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

" Ah, wala naman. Baka kasi gusto mong samahan kita sa canteen kagaya ng ginagawa natin dati?"

" Ow, sure, tara. Dalawang oras naman vacant ko." Ngumiti si Aica sa akin at lumingkis sa braso ko.

Naglakad na kami patungo sa canteen ng school. Habang naglalakad, hindi pa rin talaga nawawala ang bulungan ng mga estudyante patungkol sa akin kahit dalawang linggo na rin ang lumilipas magmula nang pasukan.

" Dude, ang ganda na ni Riyah."

" Sobra."

" 'Yan ba dati 'yung babaeng pinahiya ng grupo nila Jace?"

" Ah, oo. "

" A-ah, hi." Napahinto kami sa paglalakad nang may humarang sa harapan ko. Isa 'yung lalaking nakasalamin at sa ayos pa lang niya, may pagka-nerd ito.

" May kailangan ka?" Tanong ko rito. Napakamot naman ito sa kaniyang batok at iniabot sa akin ang cellphone.

" P-pwede bang mahingi ang number mo?" Saad ng lalaki. Mukhang narinig naman ng iba ang sinabi niya kaya muli na naman kaming nakarinig ng bulungan.

" Ang kapal ng mukha nung lalaki!"

" Gago popormahan pa ata crush ko."

" Akala niya naman siguro bibigay si Riyah."

Napailing na lamang ako sa narinig. Mabilis kong kinuha ang cellphone ng lalaki at tinipa ang aking numero. Nang matapos, binalik ko ito sa kaniya kaagad.

" TM 'yan. " Sambit ko at hinila na si Aica palayo. Muli na namang nagbulungan ang mga tsismosa at tsimosong mga estudyante marahil sa ginawa ko.

" Grabe ka, Riyah! Kaloka! Ang haba ng hair." Pang-aasar sa akin ni Aica.

Muli na lamang akong napailing dahil sa narinig. Noong malapit na kami sa pintuan nang canteen, may humarang na naman sa harapan namin.

" Babe," medyo nagulat ako nang malaman na si Liam ito. Ang bestfriend din ni Sylan kasama si Jace.

" Oh, vacant niyo rin?" Tanong ni Aica sa kaniya.

Halatang komportable sila sa isa't-isa ni Liam. Ibig-sabihin ba nito, may namamagitan na sa kanilang dalawa? Lalo pa't tinawag na 'babe' ni Liam si Aica.

" Oo. Magkasama pala kayo ni Riyah." Dumako ang tingin sa akin ni Liam. Mukhang inoobserbahan ako base sa kaniyang mga tingin.

" Oo, babe. Na-miss ko kasi bonding namin. " Sagot ni Aica.

" Kita mo nga naman talaga, oh. 'Yong dating panget, mukhang campus crush na ngayon sa unibersidad." Napatingin ako kay Jace nang marinig ang sinabi nito. Sinalubong ko ang kaniyang mga titig.

" Jace, una na kami ni Aica sa canteen. Let's go, babe."

" H-huh? Pero—"

" May pag-uusapan pa sila kaya tara na." Hindi ko man lang nagawang tapunan ng tingin ang dalawang magkasintahan na mabilis na umalis. Kaming dalawa na lamang ngayon ni Jace ang natira.

Ito Lang Ako (Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon