05.
Dinig na dinig ngayon ang ingay sa loob ng court ng aming school. May liga kasi ngayon at karamihan, ang mga kilalang heart throb pa ang naglalaro ngayon. Wala naman kaming klase kaya libreng-libre ako manood.
Sa katunayan, mas gusto ko pang magbasa ng libro sa library. Kaso ang sabi ni Kairus, panoorin ko raw siyang maglaro. Kailangan ko raw palabasin na supportive girlfriend ako sa kaniya. Ang daming alam ng lalaking 'yon 'no?
" KYAAAAAH!!!GO PAPA JACEEEE!"
" OMG! ANG HOT NI DREEEEXLER!"
" LIAM! ANAKAN MO AKO! WAAAAAH!"
" GAGA KA BEH! MAY JOWA NA SI LIAM KAYA MANAHIMIK KA!"
Napailing na lamang ako nang marinig ang sigawan ng mga babae 'di kalayuan sa akin. Katabi ko ngayong nanonood si Aica. Tiningnan ko naman ito nang marinig ang kaniyang sinabi.
" Psh. Asa naman silang papansinin sila ni Liam. Kahit masama ugali ng lalaking 'yon, hindi ko 'yon iiwanan." Natawa na lang ako sa kaniya. Mukhang tinamaan nga talaga siya sa Liam na 'yon.
Fourth quarter na ngayon at napaka-intense na ng labanan. Lamang ngayon ang grupo nila Sylan kaya naman ang yayabang ng mga ngisi nila ngayon. Habang naghahabol sa anim na puntos ang grupo nila Kairus.
Hindi pa ngayon naglalaro si Kairus dahil ipinagpapahinga pa ata siya ng coach nila. Partida, team captain pala ang lalaking 'yon. Hays. Ngayon ko lang talaga nalaman ang mga tungkol sa kaniya. Eh paano ba naman kasi, wala akong pakealam sa kaniya dati dahil halata namang wala rin siyang pakealam sa akin. Remember, ang sungit niya dati?
" WAAAAAAH!!!!"
" OMG!!!!!AYAN NA SI KAIRUS!GO KAIRUUUUS!!!!"
" KAIRUS!KAIRUS!KAIRUS!"
" JUSKO POOOO! ANG DALAWANG TEAM CAPTAIN NG DALAWANG GRUPO, MAGBABANGGAAN NA ULIIIIT!!! EXCITINGGGG!!!!"
" GO SYLAN!!!!WE LOVE YOU!"
Mas lalo akong nabingi nang tumayo si Kairus sa kaniyang kinauupuan at sumama sa laro. Sobrang umingay ang paligid dahil sa mga babaeng nagtitilian at nagsisigawan. Mukhang nababaliw na sila sa dalawang team captain ng bawat kuponan. Nagulat naman ako nang magtama ang mga mata namin ni Kairus. Hinintay ko siyang ngumiti pero hindi niya ginawa. Suplado talaga. Tss.
" 5 minutes!" Sigaw ng commentator kaya naging mas intense na ang laban.
Napaawang na lamang ang bibig ko nang makita kung paano inagaw ni Kairus ang bola kay Jace. Mabilis niya 'yung pinasa sa kaniyang kakampi. At noong mag shut clock na, binalik kay Kairus ang bola.
Muling naghiyawan nang maka-score si Kairus ng three points. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nakipalakpak na rin ako. Pero agad nagtigil 'yon nang magtama na naman ang aming mga mata. This time, nakataas na ang kilay nito. Psh. Yabang.
Napatingin naman ako kay Sylan. Nakatingin din pala ito sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Kairus dahil pareho silang titig na titig sa akin. Bago pa ako tuluyang mailang, pumito ng muli ang referee. Bola ngayon ng kuponan nila Kairus.
Tutok na tutok lamang ako sa panonood. Tatlo na lamang ang lamang ng grupo nila Sylan. Sinusubukang agawin ni Drexler ang bola kay Kairus pero sadyang napakabilis ng lalaking 'yon. Sa isang iglap, naka-shoot na naman siya ng three points.
" Omg, bes! Ang hot ni fafa Kairus!" Tili ni Aica at hinampas-hampas ako.
" Omg!!!!! Kinindatan ka niya!"

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomanceRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...