Wakas

1 0 0
                                    

Wakas



" Riyah! Sayaw tayo!" Pag-aaya sa akin ni Drexler pero tinanggihan ko ito.

" Mamaya! Sakit na ng paa ko eh."

" Okay. Wooooh! Party! Party!" Saad ni Drexler at pumunta na sa gitna ng mga taong nagsasayawan.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga ka-schoolmates kong sumasabay sa tugtugin.

Ngayon na ginaganap ang aming Aquaintance Party. Isang kulay asul na dress ang aking isinuot. Simple lamang ito ngunit 'pag natapat sa liwanag ay kikintab. Maya-maya ay natigil na ang sayawan dahil sa sinabi ng Emcee. Ipapakilala niya na kasi ang mga mahahalagang bisita sa gabing ito. Bumalik na si Liam, Aica, at Drexler sa table naming apat.

" Gusto niyo bang makilala ang dalawang importante nating bisita?" Naghiyawan ang mga estudyante sa sinabi ng Emcee.

" Kung ganoon, akin na silang ipapakilala! Silang dalawa ay alumni ng paaralang ito. Napakabagsik ng dalawang 'to sa larangan ng Basketball at marami na ring naiuwing karangalan dala ang pangalan ng ating unibersidad!" Pagpapatuloy ng Emcee.

" Hindi ko muna sila papangalanan sa mga oras na ito. VIP number one and VIP number two, pasok!" Muling naghiyawan ang mga estudyante nang may lumabas sa backstage na dalawang lalaki.

Naka-tuxedo ang mga ito at nakamaskara. Nakipalakpak na rin ako nang tuluyan nang maka-akyat ng stage ang dalawang bisita.

" Omg! Ang gwapo siguro ng mga 'yaaaaan!" Tili ni Aica.

" Asus, mas gwapo pa ako riyan. Psh." Dinig ko namang saad ni Liam.

" T-teka? Si Sylan ba 'yung isang lalaki?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Drexler.

Tinitigan ko naman ang itinuro niyang lalaki na sinasabi niyang si Sylan. At nakumpirma ko na si Sylan nga ito dahil sa tindig at pangangatawan nito. Pati na rin sa kaniyang buhok.

" Si Sylan nga 'yan." Saad ko sa kanilang tatlo.

" 'Nak ng puta! Kaya naman pala hindi nag-rereply sa mga message ko kasi sosorpresahin pala tayo." Ani ni Drexler.

" Kayo ha, nagchachat pala kayo."

" Ulol mo! Huwag mo ng ituloy sasabihin mo kasi nakakadiri!" Nagtawanan kami nila Aica nang mapikon si Drexler sa sinabi ni Liam.

" VIP number one, can you describe yourself?" Nabalik muli ang atensyon naming apat sa harapan.

" Varsity player, black belter, singer, and yeah, sobrang gwapo." Napailing kami nang marinig ang sinabi ni Sylan.

" Omg! Boses ni Sylan 'yon mga bes!"

" Kyaaaah!!!! Nandito 'yong asawa koooo!"

" Sheeeet! Ang hot niya potaaaa!"

" Parang gago ang puta. Panget mo!" Sigaw ni Drexler kay Sylan pero hindi naman siya narinig nito.

" Oh, nice. Mukhang nakilala ka na kaagad ng halos lahat ng estudyante rito." Saad ng emcee. Proud na kumaway naman si Sylan dahilan upang magtiliang muli ang mga babae.

" How about you VIP number two, how can you describe yourself?" Natawa kami nang hindi tanggapin ng lalaking kasama ni Sylan ang mikropono.

" Uhm, excuse me, how can you describe yourself?" Muling tanong ng emcee pero hindi man lang siya pinansin nito.

" Okay mga mahal na manonood, mukhang tamad si VIP number two. Sige na, umupo na kayo and join us to our Acquaintance Party 2020!" Nagsigawan ang mga estudyante sa sinabi ng Emcee. Umupo na rin ang dalawang bisita ng aming unibersidad.

Ito Lang Ako (Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon