08.
Dahan-dahan akong umupo sa tapat ng kaniyang lapida. Inilagay ko roon ang bulaklak na binili ko at nagsindi ng kandila. Umayos ako ng aking upo at ngumiti. Ngunit kasabay ng pagngiti kong 'yon, ay lumandas ang aking luhang kanina ko pa pinipigilan.
" Miss na miss na kita. Sabi mo, ipapasyal mo pa ako sa America. Pero bakit nang-iwan ka? Ang daya mo. " Sambit ko at pinahid ang aking mga luha.
" Ikaw ang nagsilbing kaibigan ko eh. Tuwing malungkot ako, dinadamayan mo ako. Ikaw na nga lang ang isa sa pinakukunan ko ng lakas, nang-iwan ka pa. Ang sakit...bakit sa dinami-rami ng taong pwedeng mawala, bakit ikaw pa? Bakit 'yong lakas ko pa?" Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Patuloy ito sa pagtulo kasabay ng pag-ihip nang malamig na hangin na dumampi sa aking balat.
" Malapit na pong magpasko. Ang dami ng nagde-date tapos ako, wala. Nakakamiss 'yong dati nating ginagawa. 'Yung bonding natin sa isa't-isa. " Namatay ang apoy ng isang kandila kaya dali-dali ko 'yong sinindihan.
" Papa, miss na po kita. Noong mawala ka, parang nawalan na rin ako ng kaibigan. Parang nawalan na po ako ng masasandalan. K-kasi, kahit 'yong isa kong pinanghuhugutan ng lakas, wala na rin sa tabi ko. Miss na miss ko na rin po siya, papa. Mahal ko na siya eh. Mahal ko na siya, papa." Napatingin ako sa kalangitan at muling pinahid ang aking mga luha.
" Sana masaya na kayo riyan. At papa, please po, tulungan niyo po ako. Pwede bang ibalik niyo na po sa akin si Kairus? Can you please help me to get him again? To embrace him again, and to back him again in my arms? " Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at pinagpagan ang aking damit.
" Paalam na po, papa. Dumaan lang talaga ako ngayon dito para mabisita ka. At about kay mama, she's doing well na po. I love you, papa." Naglakad na ako palayo sa lapida ng aking ama.
Isang buwan, isang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang mang-iwan si papa. Kaya mahirap pa rin kalimutan ang lahat. Kaya masakit pa rin ang lahat dahil sariwa pa ang sugat sa aking puso.
***
Bumangon ako sa aking kinauupuan nang may kumatok sa aking kwarto.
" Anak, may naghahanap sa'yo sa sala." Bahagyang kumalabog ang aking dibdib nang marinig kung ano ang sinabi ng aking ina.
" O-okay po! Pakisabi sandali lang." Dali-dali kong kinuha ang toothbrush ko at pumasok sa loob ng CR.
" Boyfriend mo ba 'yon 'nak? Ang gwapo niya!"
" Hindi po mama!" Mabilis kong isinarado ang CR at nagsimula nang mag-ayos.
Naghilamos na rin ako pagkatapos mag toothbrush. Pagkalabas ng CR, kaagad akong nagsuklay at nagpulbo. Hindi na rin ako nagpalit ng damit dahil kuntento na ako sa pajama at t-shirt na suot ko.
Habang nakaharap sa salamin, napatigil ako nang may maisip. 'Yong nangyayari ngayon, parang nangyari na noon. Ganitong-ganito rin ang pangyayaring 'yon, tatlong buwan na ang nakalilipas.
Nakaramdam ako nang matinding excitement kaya mabilis na pumunta ako sa aming sala. Naabutan ko ang isang lalaking nakatalikod habang sumisimsim ng kape. Nang humarap sa akin ang lalaki, bahagyang nawala ang ngiti sa aking labi nang makilala ito.
" A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa lalaking dumating.
" Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Ani ni Sylan. Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi at nagtungo ng muli sa aking kwarto upang makaligo na at makapagbihis.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo at lungkot. Umasa ako. Umasa ako na siya ang lalaking dumating. Miss na miss ko na siya.
Miss na miss na kita, Kairus.

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomanceRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...