07.
Nagising ako nang maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa aking katawan. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang napakaraming lalaki na nakangisi sa akin ngayon.
" Oh, gising na pala ang pinakamamahal na basura ni Kairus." Nagulat ako nang marinig ang boses ng isang babae mula sa aking likuran.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit ng lubid na nakatali sa aking mga kamay at paa.
" Anong gusto mong gawin sa kaniya, babe?" Nakangising tanong ni Jace sa babaeng ngayon ay nasa harapan ko na. Walang iba kundi si Keisha.
" Wala muna siguro. Pakitawagan nga muna ang boyfriend ng babaeng 'to." Saad ni Keisha at inilapit ang mukha sa akin.
" I-ikaw? K-kasabwat ka sa pagdukot sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong.
" Halata ba? Sa katunayan, hindi lang basta kasabwat. Dahil," inilayo nito ang mukha at naglakad sa aking likuran. "Ako ang mastermind sa pagdukot sa'yo. Hindi ko alam kung alam mo na 'to pero 'yong boyfriend mo, isang leader ng gang." Hinawakan ni Keisha ang aking balikat patungo sa aking buhok.
" At 'yong leader ng kalaban ng boyfriend mo, walang iba kundi ako. Ang galing kong umarte 'di ba?" Humalakhak ito at tsaka hinila ang aking buhok. Napasigaw ako dahil sa sakit ng kaniyang ginawa.
" Babe, ito na si Kairus." Binitiwan na ni Keisha ang buhok ko at kinuha ang cellphone mula kay Jace.
" Oh, hello Kai!" Bungad ni Keisha at ni-loud speaker ang tawag.
" Nasaan si Riyah?" Lumandas ang aking luha sa aking pisngi nang marinig ang boses ni Kairus.
" Ano ba naman 'yan. Si Riyah kaagad ang inaalala mo? Hindi mo ba ako gustong tanungin kung bakit ko ipinadukot ang babae mo?"
" Ikaw ang pinuno ng kabilang gang. " Napahalakhak si Keisha sa sinabi ni Kairus.
" Ang husay mo naman pala. So mister, kailan mo nalaman ang katotohanan?"
" Ngayon lang din. You're so lucky. Dahil kung nagkataon na maaga kong nalaman ang tungkol sa'yo, baka napatay na kita ng maaga." Muling napahalakhak si Keisha sa sinabi ni Kairus.
" Omg, Kairus! I'm so scared!" Natatawang dagdag nito. "Anyway, where's my baby Sylan?"
" Kung gusto mong malaman kung nasaan siya, tawagan mo. Wala akong pakealam sa inyong dalawa."
" Fine. Napakasungit mo pala talagang tarantado ka 'no? O siya, mukhang naiinip na ang basura rito. You want to talk to her?"
" Halata ba? Of course yes, bitch."
" Oh, easy! Ito na! Ibibigay ko na sa babae mo. " Mabilis na inilapit sa akin ni Keisha ang telepono. "Say something, bitch! Malolowbat ako!"
" Huwag mo siyang sisigawan Keisha. Hindi mo gugustuhing magalit ako." Pagbabanta ni Kairus sa kaniya.
" Hindi mo rin gugustuhing magalit ako, Kairus. Tandaan mo, hawak ko ang babaeng mahal mo." Pinutol ko na ang usapan nilang dalawa.
" Kairus! Tulungan mo ako!" Pagsusumamo ko at pilit na kumakawala sa pagkakatali sa akin.
" S-shit...don't cry, Riyah. No, huwag kang umiyak. " Tanging saad ni Kairus. Naririnig ko ang pagmumura nito sa kabilang linya. "Are you okay? S-sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong nito.
" H-hindi pa nam—"
" Of course, hindi pa! Pero ngayon, pwede na!" Putol ni Keisha sa sasabihin ko.

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomanceRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...