06.
Naglalakad ako ngayon patungo sa classroom nila Kairus. At nakakatuwa dahil humupa na rin ang bulungan ng mga estudyanteng nadaraanan ko patungkol sa akin.
Apat na buwan na rin pala ang lumilipas simula nang magsimula ang pasukan. At sa loob ng apat na buwan na 'yon, napakarami ng nagbago.
Hindi na ako gaano kinukulit pa ni Sylan pati na ng kaniyang mga kaibigan. Si Keisha? Ayun, patuloy pa rin sa panggugulo. Alam kong pagod na siya, ayaw lang talaga magpatalo. Pero bibig lang naman ang ginagamit niya bilang armas. Hanggang salita lang siya dahil hindi niya naman madampian ang aking balat. Siguro'y natakot nga talaga siya kay Kairus.
Speaking of Kairus, nanliligaw na siya sa akin ngayon. Isang buwan na rin siyang nanliligaw pero wala pa akong balak na sagutin siya. Hindi pa kasi ako handa. Masyado pa rin akong nabibigla sa mga nangyayari. Hindi ko naman alam na, magugustuhan niya ang isang tulad ko. Nililigawan pa lang ako ni Kai pero ang alam pa rin ng halos lahat ng estudyante ay may 'kami' na.
" Nand'yan ba si Kairus?" Tanong ko kay Yael na kaklase niya pagkarating ko sa tapat ng classroom nila.
" Wala, eh." Tanging sagot lamang nito.
" E-eh, alam mo ba kung nasaan siya?" Mabilis naman itong umiling. Tumango na lamang ako at nagpasalamat.
Hays. Hindi talaga nakukompleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita at nakakasama ang lalaking 'yon. Ewan. Siguro, nasanay na rin ako sa kaniya.
Imbes na pumunta sa library upang magbasa ng libro 'gaya ng palagi kong ginagawa noon, mas pinili kong magtungo sa terrace ng school upang makalanghap ng hangin. Gusto ko munang mag-isip-isip. Kahit ngayong araw lang, huwag ko munang isubsob ang sarili ko sa pagbabasa ng libro at pag-aaral.
Nasa hagdanan na ako ngayon patungo sa terrace. At noong makarating na ako roon, nagulat ako nang makita ang isang lalaking nakatalikod. Hindi ko alam na nandito siya. Akala ko, walang tao ngayon dito.
" Wanna talk?" Pigil ang hininga ko ng dahan-dahan itong humarap sa akin. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng lalaking 'to. 'Ni hindi pa nga ako nagsasalita eh.
Hindi ko siya sinagot. Lumapit na lamang ako sa kaniyang direksyon at tumabi sa kaniyang kinatatayuan. Sumandal ako sa bakal na naroon.
" Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.
" Wala. Gusto ko lang magpahangin." Tumango-tango ako sa isinagot niya. Pareho pala kami ng sadya. Nakaramdam ako ng awkwardness nang mamayani ang katahimikan sa aming dalawa.
" Alam mo, natatakot ako." Pagbabasag niya sa katahimikang namayani.
" B-bakit?" Taka kong tanong sa kaniya.
" Natatakot ako na baka hindi mo ako tanggapin 'pag nalaman mo kung sino ako, at ano na ang mga nagawa ko." Seryoso akong napatingin sa kaniya. Nakatingin ito sa kawalan.
" Natatakot ako na layuan mo ako gayong nasanay na ako na kasama kita." Bumilis ang tibok ng aking puso nang ma-realize kung ano ang sinasabi niya.
" May kailangan ka bang sabihin sa akin?" Tanong ko sa kaniya.
Simula nang malaman ko ang tungkol sa gang niya, nanatiling tikom ang aking mga bibig at kinalimutan 'yon. Dahil ayoko na ring malayo sa kaniya. Ayoko na.
" Riyahlie Mariz Amorsolo, isang leader ng gang ang lalaking katabi mo. Marami na siyang nabugbog at nasaktang tao." Napangiti ako sa sinabi niya. Bahagya naman siyang nagulat.
" A-ano? Bakit ganiyan ang reaksyon mo?" Kunot-noong tanong nito.
" Inaasahan mo bang matatakot ako sa'yo? Sorry Mister Villaruel pero matagal ko ng alam ang tungkol diyan. Kung takot nga talaga ako sa'yo, dapat matagal na rin kitang nilayuan." Natawa ako nang makita ang nakaawang niyang bibig.

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomansaRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...