04.
Sabado ngayon kaya naman wala kaming pasok. Tahimik na nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame. Inaalala ang nangyari noong isang araw sa canteen ng school.
" Mariz!" Kaagad akong napabangon nang marinig ang sigaw ni Manang Veni sa labas ng aking kwarto.
" Bakit po?"
" May bisita ka, hija. Naghihintay siya sa sala." Bahagyang kumunot ang aking noo nang marinig ang kaniyang sinabi.
" P-po? Bisita? Sino raw po?"
" Kairus daw pangalan." Mabilis pa sa alas kwatro na nag-ayos ako.
" O-okay po manang! Pakisabi sandali lang!" Nagmamadali kong kinuha ang tooth brush ko at pumasok sa CR.
" Boyfriend mo ba 'yon? Ang gwapo jusko!"
" Hindi ko ho boyfriend 'yon!" Isinara ko na kaagad ang pinto ng CR at nagtooth brush. Naghilamos na rin ako kaagad.
Matapos mag-CR, nagsuklay ako at nagpulbo. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil komportable na ako sa pajama at t-shirt ko. Nang okay na ang lahat, lumabas na ako sa aking kwarto at nagtungo sa sala.
" A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Kairus na ngayon ay sumisimsim ng kape. Napatingin naman ito sa akin. Medyo nailang ako nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
" Sisingilin na kita sa utang mo." Seryosong sabi nito at muling sumimsim ng kape. Kaagad na pumunta ako sa harapan niya nang nakapamewang.
" Ano ba kasing gusto mong ipambayad ko sa'yo?" Binitawan nito ang tasa ng kape at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
" Oras mo." Bahagya akong kinabahan sa sinabi niya. Mabilis na ipinagkrus ko ang aking mga kamay sa aking dibdib. Dahan-dahan akong umatras palayo sa kaniya. Bahagya namang kumunot ang kaniyang noo.
" What are you doing?" Taka niyang tanong. Hindi ko man lang magawang magsalita dahil sa kaba. Maya-maya, mahina itong napabuntong-hininga at napailing na parang hindi makapaniwala.
" Huwag mo akong ikumpara sa ex mo na puro kalibugan ang alam. Easy, hindi kita gagahasain dahil hindi naman kita type." Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge dahil sa kahihiyan. Dahan-dahan ko na ring tinanggal ang aking mga nakakrus na kamay na nakaharang sa aking dibdib.
" Magbihis ka na, may pupuntahan tayo." Pagsabing-pagkasabi niya nun, mabilis na tumakbo ako papunta sa aking kwarto at naligo.
Alam kong medyo nagulat siya dahil hindi ako nagprotesta. Na-gets ko na kasi kung anong sinasabi niya. Sadyang naging madumi lang talaga ang utak ko kanina.
Nagbihis din ako kaagad. Mustard colored long sleeve ang aking isinuot at gray plaid skirt. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok. Naglagay ako ng contact lens sa mata, powder, lip gloss, cheek tint, at eyeliner. Nang matapos ay bumalik ako sa sala bitbit ang maliit kong bag.
Nagulat ako nang maibuga ni Kairus ang iniinom na kape.
" H-hoy! Anong nangyayari sa'yo?!" Kaagad ko siyang nilapitan at tinap ang kaniyang likuran. Huminto rin naman ako nang sumenyas ito sa akin na ayos na siya. Muli nitong tiningnan ang aking kabuuan.
" Change your cloth. Ayoko ng suot mo." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
" May mali ba sa suot ko? Psh. Arte nito." Nagtiim bagang naman ito at muli akong pinangaralan.
" Masyadong maikli ang suot mo pang-ibaba. Palitan mo 'yan. " Napabuntong-hininga ako.
" Ayoko. Nakakapagod kaya magpalit." Mariin kong sabi. Seryoso naman itong tumitig sa akin.

BINABASA MO ANG
Ito Lang Ako (Novella)
RomanceRiyah is a highschool student and bullied by her schoolmates. One day, she caught her boyfriend kissing other girl. At the end, they decided to cut their relationship because it's not healthy anymore. Feeling belittled, she thought about her reve...