CHAPTER THREE

111 2 2
                                    


Ang tamad na Author: Dedicated this to her kasi lagi n'yang pinapalakas ang loob ko at hindi siya nagsasawang sumuporta sa akin. Salamat sis! God bless!

P.S. Stay safe, stay home everyone! I love you all :*




"OKAY ka lang, Patch?" Nag-aalalang tanong ni Lana sa kaniya.


Nginitian niya ang kaibigan saka muling binalingan ang pagkain. "Oo. 'Wag ka na masyadong mag-alala. Baka gawa lang ulit ito ng Jet lag. O kaya naman ay dahil doon sa before dinner wine na pinainom ni mommy. Para ngang sumasakit ang tiyan ko eh." Derederetsong sabi niya.


Tumango nalamang ito saka muling bumalik sa pakikipag-usap sa katabi.


The night drag on, she smiled and answer the questions thrown to her by her father's associates. Mostly it was about her studies and experiences about the business community or if she was willing to really work for their own company.


"This sounds like an interview," nakangiting turan niya kay Mr. Wien na isa sa mga shareholder sa company nila. He was a middle-aged man, maybe around 35 to 38 years old and pleasant enough to talk to. "Well, I would very much want to be part of this team. I believe that I can be an asset in the company because I will be like my dad who never believes in overtime." Nagtawanan ang lahat ng nasa hapag pwera nalang kay Jeremy. "But most likely, I'm up for experiences myself. I will give everything I have—my skill, my loyalty and specialty—to help improve the company itself. I was really eager to start but first, I think I should pass my resume and hopefully passed my interview with the boss. I heard he's really strict." Itinaas niya ang baso na kapit patungo sa kaniyang ama habang naririnig ang tawanan ng lahat ng mga kasama nila.


Nginitian siya ng ama saka ginaya ang ginawa niya. Sumimsim siya ng alak at kahit ayaw niya ay natagpuan nalang niya ang sarili na tinatapunan ng tingin si Jeremy sa katapat niyang upuan.


He was staring at her again at medyo nanginig ang kamay niya ng makita na nakataas ang isang bahagi ng labi nito na wari'y nangingiti. Hindi na niya i-analyse ang reaksyon nito at muling binalingan si Mr. Wein para kausapin.


Mas nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay matapos na ang dinner at magsimulang magpaalam ang mga tao. Tumayo na rin siya at tumungo sa komedor para do'n na manatili hanggang sa makalabas na ang lahat ng mga bisita ng daddy niya.


Ang totoo ay ayaw na niyang makita pa si Jeremy. Buong gabi siyang hindi mapakali dahil hindi siya nito nilubayan ng tingin. Kaya nga ba tuwing titignan niya ito ay nahuhuli siya nitong nakatingin dahil nakatingin ito sa kaniya. Ano bang problema ng lalaking iyon!?


"Hiding?"


Napabalikwas siya ng tingin at napasinghap ng makita si Jeremy sa likod niya. "Anong ginagawa mo d'yan?" Naiinis na tanong niya imbis na sagutin ang tanong nito.


"Definitely not hiding" nakataas ang isang kilay na sabi nito.


Begin Again (ANAC book 2-on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon