Bryan

4 0 0
                                    

     Nag-iisa kong anak si Bryan. Limang taong gulang at masayahing bata. Pangarap niyang maging katulad ko na isang imbestigador pag laki niya, na hindi ko gusto.

Bumuntong hininga ako at nginitian si Bryan na nag lalaro ng mga laruang may kinalaman sa trabaho ko. Umaasa pa din naman akong mag babago ang isip niya tungkol doon pag laki niya.

"Tara, anak, bilisan mo na sa pag bibihis at papunta na daw ang Auntie Delia mo sa restaurant."

"Tapos na po!" masigla niyang tugon pagkatapos ay tumakbo papunta sa akin at hinawakan ang aking kamay.

     Sa totoo lang ay tutol ako sa pag kikitang ito dahil napaka delikado para sa akin at sa anak ko ang kumain sa labas gawa ng maraming tao. Hindi mo alam kung sino ang babalik sa akin at kakalabit ng gatilyo. Bukod doon ay kukumbinsihin na naman ako ng tiyahin ni Bryan na iwan sa kanya ang bata dahil nag-aalala sila para dito.

     Alam kong tama sila. Pero kung mangyayari yun ay madalang ko nang makikita si Bryan. Hindi ko kaya. Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw ay ngiti lang niya ang nakakapag balik sa akin ng lakas.

"Papa, ayun si Auntie Delia!" nauna nang tumakbo patungo sa direksyong iyon si Bryan at sumunod naman ako. Pag kita sa akin ni Dehlia ay nginitian niya ako at itinuro ang upuan, senyales na umupo ako.

"Buti hindi kayo natagalan ganitong umuulan" ani Delia habang pinupunasan ang bahagyang nabasang jacket ni Bryan.

"Hindi naman. Maluwag ang traffic." sagot ko.

"Buti kung ganun. Order muna tayo. Waiter!" lumapit ang waiter at nag umpisa silang mag sabi ng mga gusto nilang kainin. Sinabi ko ang akin at napatingin sa labas.

    Malakas pa din ang ulan pero may mga tao pa din sa labas ng restaurant. Yung iba ay walang payong at nakiki silong lang. Yung iba naninigarilyo. Yung iba ay mga nag hihintay ng sasakyan.

"Ah, siya nga pala Greg, tumawag sa akin ang teacher ni Bryan at pina alala na sa makalawa na ang kuhaan ng card nila. Makaka punta ka ba?

Napatingin ako kay Delia. "Anong oras?"

"Alas otso daw ng umaga." sabay iwas ng tingin sa akin. "Eto din yung text niya" sabi niya at itinapat ang cellphone niya sa akin para ipakita ang mensahe.

Bumuntong hininga ako.

"Masyadong maaga. Baka hindi ako makapunta. Pwede naman sigurong paki-"

"A-ako na lang kung ganoon! Ako na lang ang pupunta tutal ay half-day lang ako sa office sa araw na yan" putol niya sa sasabihin ko.

"Oo nga, Papa! Para isama na din ako ulit ni Auntie sa trabaho niya. Masaya dun. May palaruan sa labas."

"Baka naman maka-istorbo ka sa Auntie Delia mo nun, anak"

"Hindi! Okay lang. Tsaka wag ka mag-alala maraming tauhan si Mayor na nakapaligid sa labas ng City Hall."

"Sige. Pero dun ko na sya susunduin. Baka mas maaga ako sa alas singko pumunta."

"Yehey!" si Bryan na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

Nginitian ko ang anak at ginulo ang buhok nito. Dumating na din ang order at nag umpisa na kaming kumain. Pag katapos kumain at ng mga animated na kwento ni Bryan sa tiyahin niya ay nag pasya na kaming umuwi.

"Hintayin nyo na lang ako sa pintuan nitong restaurant para maka silong kayo. Kukunin ko ang sasakyan at idadaan dito mismo sa tapat para hindi na kayo mabasa."

"Okay. Salamat" tumango si Delia at hinawakan ang kamay ni Bryan para akaying tumayo. Pag labas ng restaurant ay hinawakan ko ang pisngi ni Bryan at ngumiti naman sa akin ito.

"Hintayin nyo na lang ako dito. Mabilis lang ako."

"Opo, papa!" ngumiti sa akin ang anak ko at tumalikod na ko sa kanila.

Hindi pa ako nakaka layo ay may kumosyon na akong narinig sa likod ko. Kinabahan ako. Pag lingon ko ay maraming tao na nag lalakad din patungo sa direksyon na pupuntahan ko ang sumalubong sa mga mata ko. Sinubukan kong tingnan kung ano ang nangyayari.

"Bryan!" sigaw iyon ni Delia.

Mabilis akong pumunta sa direksyon nila. Pinilit kong sumiksik sa maraming tao kahit may natatamaan na ako. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Bryan, dala-dala ng isang matangkad na lalaki. Umiiyak ang anak ko at pilit na inaabot ang kamay sa tiyahin niya.

"Bryan!" sigaw ko. Tumatakbo na ang lalaking may hawak sa anak ko. Pumasok sa isang kulay pulang kotse at humarurot palayo.

"Bryan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BahagyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon