DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses place, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.Read at your own risk.
This story is unedited. It may contain typographical and grammatical errors ( nang,ng, sa'kin, sa'tin,nanaman, din, daw, sa'min). Please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole story.
***
" Ang programang ito ay Rated SPG."Nandito ako ngayon sa sala, kumakain habang nanonood ng TV. Today is Saturday, at wala talaga akong nagawa kundi kain lang ng kain. Ang boring!
Ako lang, mag-isa, sa bahay. Sina Mommy at Daddy naman, ay pumunta ng Cebu for an unknown reason, ewan ko, palagi lang namang wala silang dalawa dito, kami lang ni kuya ang palaging naiiwan sa bahay na to.
Napabuntong hinga na lamang ako sabay kuha ng phone ko sa side table, katabi ng couch, when I opened my phone to check my social media account, napansin kong biglang bumukas yung pinto. It was Kuya Calyx.
"Bat, umuwi ka pa? Marunong ka pa palang umuwi?" bungad, at striktang tanong ko sakanya.
"Luh, inaano kita?" tanong niya sakin pabalik.
"Saan ka galing?" tanong ko.
"Nanay kita?" pilosopong tanong niya.
Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko sa side table, agad agad kong kinuha iyon at tiningnan, nakita kong nag-message pala sakin si Brianna.
brianam: Megan is throwing a party at her condo. Kakabreak lang daw kasi niya sa boyfriend niyang mukhang drug lord. Wanna come?
riellezara: may pogi ba?
brianam: alam mo, puro ka pogi, HAHAHAHAHAHA, pero meron teh! marami! so ano, game ka?
riellezara: on my way.
Pagkareply ko kay bri, ay umakyat na kaagad ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I only wore a short, itim ang kulay na ito, at may design skirt sa gilid, I paired it with spaghetti top, na kulay dilaw, pinaresan ko nalang ito ng sapatos na may tatak Nike at nag medyas.
Pagkatapos kong magbihis ay, ginawa ko na ang make up ko, simple lang iyon, dahil may kagandahan rin naman akong maibubuga. And then I left my room, pagkababa ko, nakita ko si kuya na napatingin sa ayos ko ngayon.
"Where are you going?" he asked while staring at me.
" I'm going, to party, with Bri" I answered plainly.
"Okay, take care, baby girl." sabay flying kiss.
Yuck!
Agad akong nag-make face na parang nandidiri, which made him laugh. Umalis na ako ng bahay, habang nag-aantay kay Bri sa tabing eskinita ng bahay namin, nakita kong may papalapit na Mercedes-Benz sa kinatatayuan ko, may lumabas na lalaki mula sa sasakyan, at pumasok sa bahay namin. Sino yon? Barkada ni kuya?
Habang nag-iisip ako, kung sino yung lalaking pumasok sa bahay namin, ay may biglang bumusina na sasakyan sakin.
" Ay! Tite ng kabayo!" sigaw ko.

YOU ARE READING
Buenos Aires
RomanceA girl named Carielle Alchrys Alcantazara was living her life to the fullest being someone she thinks she is happy with, while chasing her dreams, not until Thanatos Draven Montezzelar came and ruined her entire life.