Prologue

93 11 13
                                    

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"


Pinulot ko yung mga nahulog kong gamit, nagkalat na tuloy! Nakita sa gilid ng  mga mata 'kong tinulungan ako, ng lalaking nakabungguan ko,he picked some of my stuffs, may art class ako ngayon, at sobrang late na ako! Ngunit kapag minamalas ka nga naman talaga, at may nakabungguan pa ako.

Akmang tatalikuran ko na lang sana siya, ng nagtama ang paningin namin, kilala ko to! Nakita kung nag-igting panga nya, habang ako'y tulala pa rin. It was him!


The man that was once special to me.


"Are you okay?" he asked giving those cold stares at me.


"Tsk. Bobo" 


Umirap ako sabay alis, kita kong nagulat siya sa sinabi ko, but I don't care.


Kabadtrip! Ikaw kaya mabunggo tas sasabihing okay ka lang? Seryoso? Suntukin kaya kita tas sabihin ko kung okay ka lang, tsk.

Umirap nalang ako at naglakad ng mabilis kasi late na talaga ako sa arts class ko. Ghaaad!

Pagkadating ko sa building ng art school namin ay tumakbo na kaagad ako papuntang elevator at pinindot ang 8th floor.


"You're late Miss Alcantazara" bungad na sambit ng prof namin.



"And you're so early Sir" I talked back.



Nakita kong napairap yung prof namin dahil sa sinabi ko. Well, ako yung top sa art class kaya di niya ako kayang palagan.

Padabog akong umupo sa resignated seat ko at sinimulan na gawin ang naisip kong artwork.

Natapos ang art class ko. And it ended good and well. And now i'm on my way sa study cafe nang may nag-message sakin. It was Brianna childhood bestfriend ko.


brianam:  wanna hangout? chillnuman?


riellezara: chillnuman? scam.


 brianam: no, it's not.


riellezara:  Pass na muna ako. I wanna study.


brianam:  Oh come on rielle! Puro ka nalang study!


riellezara: Sabing pass muna! Suntukin kita e!


brianam: typing...


brianam: Di na ako magtataka kung one day may eyeglasses kana at gulo gulo ang buhok.


Itinaas ko ang kamao ko na parang may susuntukin talaga ako, sabay kuha ng pic at sinend kay brianna.

brianam: Woah! Kalma! Joke lang e galit kana kaagad lola.


Binasa ko yun at sineen na lang, naisipan kong magscroll sa news feed ko ng may makakuha ng atensyon ko.

Tdraven posted a photo!


Agad kong itong tiningnan at nakita ko ang pic niya kasama ang isang babae infairness maganda, maputi, model ata? pero mas maganda padin ako sakanya. Duh.

Umirap nalang ako at ibinaba na ang phone ko sabay pasok sa study cafe, umupo ako sa isang table malapit sa glass wall at nagsimula na sa pag-aaral.

Napasapo ako sa noo ko dahil isang oras na ang nakalipas at hindi talaga ako makafocus sa binabasa ko. Inaalala yung nakita kanina sa IG.

Bakit ganon? Why is it so hard to forget you, Thanatos Draven?


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 AN: Hey guys!

This is my very first story, and I really hope, you'll like it, and there are words na nagkakabaliktad such as 'nang' 'ng' 'ito'y' 'ito' 'sa'kin' 'kaya't' at nagkakabaliktad na yung tagalog ko, so please bear with me.

 I hope you understand.                  

                                                                                                                                    -♥

Buenos AiresWhere stories live. Discover now