10

11 3 2
                                    

"Really?" a smirked flashed on his face.


"Stop it! You don't look handsome or some word that pleases you, cause you look like a zebra!"  


"Sakit mo naman magsalita"


"No, I don't"


"Yes, you don't" sabay hagalpak nya ng tawa.


"Whatever" I rolled my eyes on him. Ewan ko na lang talaga kung matutuwa ako sa lalaking 'to or maiinis, minsan kasi childish, minsan seryoso, minsan naman may topak, you'll never know kung anong sasapi sa kaniya, at tsaka isa pa we've never been this close, ngayon lang talaga, kasi naman kapag magkikita kami it's always awkward, nauubusan ako ng salita maging siya rin naman.


"Maupo ka muna sa may sofa maghihilamos lang ako"  wika nito at agad pumunta sa cr ng suite niya. Umupo nalang din ako sa sofa, following his instructions, habang naglilibot naman ng paningin ang mga mata ko, his suite was so clean, well, it's natural naman kasi since today is his second day of staying here, I was appreciating the ambience of his booked suite ng bigla itong lumabas galing sa cr, ngunit hindi na gaano ka dungis ang mukha nito hindi kagaya ng kanina pero may mga bakas pa rin ito ng permanent marker.


I want to burst out laughing dahil hindi matanggal tanggal ang sinulat ko sa mukha niya, he really looked like a zebra though a hot one! Sana all! Kapag ako siguro ang ginanyan i'll beat the ass out of him.


"May gulay ako sa ref, kumakain ka ba no'n?" he asked me.


"Hindi ako vegetarian kasi hindi ako tulad mo!Zebra!" I hissed at him, na agad naman niyang ikinatawa.


"Ikaw na nga papakainin, magrreklamo ka pa" he whispered.


"May sinasabi ka?"  I asked him, sabay taas ng isa kong kilay.


"I said ang gwapo ko talaga" he answered me while raising both sides of his lips forming a smile. Woah, first time ko makita 'to mag smile! Ano to? Lucky day?


"Ang hangin, may paparating atang bagyo" 


"Really? Bakit hindi ko nabalitaan?" wika niya, chuckling.


"Who knows?" 


"Yeah, who knows."


He left me there, sabay lakad patungong kusina, agad akong tumayo sa galing sa pagkaka upo at sumunod sa kaniya. Hmmmm, what would he cook? Hindi naman talaga ako picky gusto ko lang talaga siya pahirapan sa pipiliin nyang lutuin, kase nga mabait ako.


"Anong lulutuin mo?" bungad na tanong ko sa kaniya, while watching him prepare the food. He didn't answer, kaya nagsalita ulit ako.


"Hoy!"  I shouted at him.


"Pinoy ako!" bungad na sigaw ng taong nagsalita sa likod namin, sabay kaming napalingon sa taong sumigaw. Geez.


"What the fuck are you doing here, Carl?" sambit niya sabay tingin ng masama kay Carl na kakalabas lang galing sa kwarto ni Thanatos. Oh yeah, it was the kusina crasher again.


"Pumunta ako rito ng maaga, but I didn't see you kaya nagpasya akong ilibot ang suite mo, and you know what I saw? Branded pala lahat ng bri-" 


Naputol naman kaagad ang sinabi ni Carl at nakita kong may biglang lumipad na hindi kalakihan na kawali sa harap niya, mabuti at nakaiwas si Carl nakita ko namang bigla itong namutla at naestatwa, natawa ako bigla sa reaction niya ang puti niya dinaig pa ang bawang. Pwede ko na siya tawaging White Carl.


De. Joke. Corny naman masyado.


"What was that for?!" he shouted Thanatos,na nakakunot ang noo, nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni Thanatos na sanhi ng paglunok ni Carl, at ngumit na lamang ng pilit. 


"Sabi ko nga kasalanan ko kasi I was about to say something bad. Sorry dad!" 


Agad naman kumunot ang noo ko kay Carl. Dad? Tama ba pagkarinig ko? Dad? Santong kalabaw! Tatay niya si Thanatos? Really? Pero ambata pa nila ah? So may asawa na pala siya?


"Hey! What were you thinking?" agaw pansin sa'kin ni Thanatos.


"Uh, nothing" sambit ko at agad na umiling sa kaniya, insakto ring tumunog ang tiyan ko, "Gutom na talaga ako". I excuse myself para kumuha ng tubig while waiting the dish Thanatos was cooking, kasi mukhang matagal tagal pa ata.


Carl handed me a glass and guided me kung saan ako makakakuha ng tubig. I mouthed him the word 'thank you', at nakita kong ngumiti lang ito ng matamis kaya't kumuha na akong tubig sa may tabing dispenser.


"Hey guys, remember? sa kusina ko rin kayo nakita, nag-uusap pa nga kayo no'n, tapos nakita nyo rin ako sa kusina" 


I saw how Thanatos looked at him then rolled his eyes at bumalik na ito sa pagluluto. Ang attitude talaga! May mga lalaki palang ganito?


"And?" I asked him. Ano namang meron kapag nagkita kami sa kusina? Or nakita niya kami sa kusina? Or nakita ko siya sa kusina? Or nag-usap kami ni Thanatos sa kusina?


"Edi nice! Kusina vibes!" sambit niya while giggling. 


"Okay?" I answered him awkwardly. Kusina vibes? Edi wow.


"We vibin' in the kitchen" dagdag niya sabay tawa ulit, he was happily laughing ng biglang naudlot ang tawa niya dahil may biglang tumunog na malakas, lumingon ito kay Thanatos at nakita na pinupokpok ang sandok sa kawali, not once but more than twice, pero makikita mo paring seryoso ito sa pagluluto.


KJ!


"Onga pala bro! Hinanap ka nila Liam kanina, laro daw tayo sabay, stroll around the beach, tapos pagkatapos raw, music trip na sa gabi." 


"Okay" he answered plainly. Siguro aba lang talaga ito sa pagluluto, I can't blame him though kasi para sa akin ang niluluto. Ay teka, wait, I can blame him! Kasi siya naman ang nagkusa na lutuan ako. Duh!


"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. What's your name miss?" sabay lahad nito ng isang kamay, kaya't napatingin naman ako roon bago ito tinanggap. Ang tagal na namin dito sa suite na ito tapos hindi pala kami magkakakilala? Sabagay, Carl lang din naman alam kong pangalan kasi narinig kong sambit yan kanina ni Thanatos sa kaniya.


"Carielle Alchrys. You can call me Cara, for short" 


"Nice meeting you Miss Cara. My name is Carl Luke, pwede mo akong tawaging Carl for short, first name basis na."


"Nice meeting you too Carl" wika ko at ngumiti ng kay tamis.


"Since busy kaibigan ko sa niluluto niya, usap muna tayo?" 


"Uh..Yeah, sure! Pero teka" sambit ko sabay lingon kay Thanatos at agad na lumipat sa kaniya, nakita kong nagulat naman ito ng lumipat ako, but I didn't mind instead mas lalo akong lumapit sa kaniya, I want to know what he's cooking. 


"What are you cooking?" sambit ko at agad tumingin sa niluluto niya, nangangamoy gulay! Yummy!


"Bulalo" he answered me plainly. Wait, Bulalo?


"Bulalo? Really?" 


"Bulalo. Really" sambit niya na agad ikinalaki ng mga mata ko. Bulalo! Guys bulalo! Omg! Bulalo! Favorite ko! Bulalo guys bulalo! Ang sarap magtalon talon sa saya! 


"But paano ka magbubulalo, eh wala kang karne remember?" 


"Pwede ko namang gawing karne ang isa dyan"


Kaya agad akong napalingon kay Carl, na nakangiti, parang balewala lang sa kaniya ang mga sinasabi ni Thanatos, pero kanina takot na takot, namutla pa nga, agad naman itong kumapa sa bulsa ng makarinig kami ng ringtone galing sa phone, agad naman niyo iyong sinagot and excused himself from us. Tsk! Akala ko pa naman mag-uusap kami.


"Is bulalo your favorite?"


"Uh.. oo, pano mo nalaman?"


"I saw how your eyes glitter when i said the word bulalo."


"Okay"


"Okay?"


"Yeah, okay"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
- ♥

Buenos AiresWhere stories live. Discover now