Kabanata 3
Dylieza's
"THAT'S, totally the most absurd I've heard 'san!" Napangiwi nalang ako sa malakas na boses ni Ysabella, pinsan ko, habang kinukwento ko sa kaniya ang nanyari kaninang umaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko.
Kasalukuyang nanonood ng drama si Ysa pero dahil mabait ako kinulit ko muna siyang makinig dahil parang sasabog ang ulo ko sa mga nangyari kanina.
Kanina lang rin habang nagluluto ako ng burger ay napansin kong bigla nalang umilaw ang anklet ko, napansin din yun ni insan kaya tinanong niya ako pero nginitian ko lang siya at sinawalang bahala 'yun.
"How do you expect me to believe all of these Dylieza Mithase Velez?" Oh shit... here we go again.
"God! Ysabella Macy Perpetua! Do you think I, myself can believe all of this? Of course not!" Mahinahon pero iritado kong sabi kay Ysa, naririndi na ako sa boses ng isang 'to! Lalo na't tinawag niya na ako sa buong pangalan ko.
Nakabusangot ang mukha ng insan ko nang inangat ko ang mukha para tingnan siya, tumayo na lang ako at nag martiya papunta sa silid kong nasa ikalawang pinto sa kaliwang pasilyo.
Padabog kong hinila ang upuan sa study table ko at kinuha nalang ang steno notebook ko para mag sketch ng mga design. Naalala ko tuloy yung mga jewelry na natanggap ko kaya agad kong kinuha yun at nilatag isa-isa sa harapan ko para esketch yun.
Earrings naman ang ssketch ko nang mapatitig ako sa necklace na nauna kong natapos. That design! I knew that design! Hindi ko na tinapos ang pagguguhit ko sa hikaw at mabilis na lumabas sa silid ko papuntang kuwarto nila Mommy sa unang pinto sa kanang pasilyo dala-dala ang steno notebook ko.Tatlong katok ang kinatok ko bago ako pumasok, wala akong nakitang anino ng magulang ko kaya agad akong bumalik sa kaliwang pasilyo at kinatok ang unang pinto na nagsisilbing office room ni Daddy.
Dad was siting in front of his table while talking at mom na naka-upo sa pang-isahang sofa sa mini sala ng kuwarto'ng ito.
"Dymi. What brought you here anak?" Salubong na tanong ni Daddy. Nginitian ko lang siya at nagtungo sa long sofa para dun umupo at tanongin si Mommy. Napansin ko ring naglalakad papunta dito si Daddy at tumabi ng upo sa akin. Tiningnan ko muna si Daddy na ang atensiyon ay nasa steno notebook na dala ko, while Mom on the other side is smiling sweetly at me.
"Are you here to give us your new design Dymi?" Maawtoridad na tanong ni Dad na agad kong inilingan. Binuklas ko ang dala-dalang steno at nilagay sa parisukat na lamesa para maayos nilang makita.
"Loue gave me some accessories. Kahapon po ng hapon. Sabi niya pinapabigay daw sa akin. Hindi ko lang alam kong sino dahil wala naman siyang sinabi. Kanina lang naisipan kong mag sketch ng mga design at naisip ko yung binigay ni Loue sa akin. Pagkatapos ko sa necklace parang pamilyar sa akin yung design na 'yan. The way the necklace is design looks just like yours Mom."
Hindi ko syempre sinabi na biglang umilaw yung mga gamit ko masabihan pa akong baliw ng wala sa oras. Nang tiningnan ko si Mommy ay may takot sa mukha niya, hindi ko lang alam kung para saan 'yun. While dad, seryoso siyang nakatingin sa drawing ko pero may bahid pa rin na takot ang mukha nito.
"Mommy?" Tawag ko sa ina kong halata pa rin sa mukha ang takot. Bakit siya natatakot?
"Dymi, saan mo inilagay ang mga natanggap mo?" Sa wakas at nagsalita na rin si Mommy, bakas sa tono niya ang awtoridad nito.
BINABASA MO ANG
Land Of Birthstones
FantasíaJust when they thought they are just some normal girls who lives a comfortable life with a family who's so perfect for them. An event happened that made them decide on their own and they happen to discover a very unimaginable and surreal things they...