Kabanata 5
Jiyah's
HINDI ako kailanman nag-isip na meron ngang ganitong bagay. Kung iniisip ko kasi, may maalala akong bagay na nakakapagsakit sa akin.
Sleepless nights will hunt me so better to not think about it.
Naisip ko tuloy kung kami lang ba ng mga kasama ko ang may ganitong mindset? O may iba pang ganito rin? Kung meron nga, mas lamang ba ang mga naniniwala o ang mga hindi?
Ewan ko kung bakit ganito kami, ako, mag isip. Pero siguro may mga bagay talagang hindi magawang paniwalaan ano mang pilit natin dito.
Pero paano nga kung totoo? Paano kung ang pinaniniwalaan ko ay hindi totoo at ang hindi ko pinaniniwalaan ay totoong totoo nga?
Luminga linga ako sa paligid para makita kung asan kami. Binigyan ko isa isa ng tingin ang mga kasama ko ngayon ay halata din sa mukha nila ang pagtataka, ganun din si Chandy na naniniwala sa mga ganitong bagay. Nang magtama ang tingin namin ni Zang ay puno ito ng pagtataka at halatang maraming tanong, agad ko namang iniwas at itinuon ang tingin ko sa harap kung saan may isang hindi ko maipaliwanag kung ano.
Sa paligid namin ay mga nagtataasang kahoy at halatang nasa dulo kami ng kagubatan dahil basi sa nakita ko kanina sobrang dilim ng kabilang dulo kung saan siguro ang labasan, hindi nga lang ako sigurado paano kami makakalabas dito ng buhay, mukha pa namang may ligaw na damo o mga ahas dito.
"A-ano... Asan... asan tayo?" Nahihirapang tanong ni Alexa
"Kung hindi ka naman sana tanga, Alex, malalaman mong wala sa isa natin ang alam kung nasan tayo." Pabalang na sabi ni Amaliya na ngayong lang nabalik sa wisyo
"Kung hindi ka rin sana tanga, ano ang inaasahang mong itanong ko? Ganito din naman ang tanong sa ibang palabas ah?"
Nasobrahan na siguro 'to sa panonood ng mga palabas ang isang 'to
"Tama na 'yan," awat ni Zang sa dalawa. "Anong gagawin natin ngayon...Jiyah?" Napilingon ako sa banda niya, kahit ngayong araw lang, isasantabi ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa para matapos 'tong kabaliwan na nangyayari ngayon.
"We take risk." Mataman na sabi ko,
"Paano? Anong ite-take risk natin? Hindi nga natin alam saan tayo o anong gagawin natin eh, kaya paano?" Tanong ni Amaliya
Lumakad papuntang harap si Chandy kung saan may mga dahon na pabilog, sa bawat gilid ay may tig-isang kahoy na walang bunga---mali, may mga bunga, mga bato nga lang. Iba't ibang klaseng bato, mga batong hindi mo parating nakikita ang mga bunga nito.
Kung sino man ang nagmamay-ari ng mga batong ito, wala siya sa tamang pag-iisip. Isipin mo nga ang mga batong 'to pwedeng masangla, paano kung may mga naglalakbay sa gubat na ito? Edi nanakawan pa siya? Hay nako.
Sinubukan ni Chandy'ng ilahad ang kanang braso niya at takte pumasok nga!
"You've got to be kidding me," ani Chandy sabay tili "Hey! It's true! Jagi! Oh my Gosh!"
"Tumahimik ka nga at tanggalin mo na 'yang kamay mo, baka mapano ka pa," saway ni Zang sa kaniya
"Now what?" Napabaling naman ako kay Alexa na seryosong nakatitig din sa mga puno.

BINABASA MO ANG
Land Of Birthstones
FantasiJust when they thought they are just some normal girls who lives a comfortable life with a family who's so perfect for them. An event happened that made them decide on their own and they happen to discover a very unimaginable and surreal things they...