7

2 2 0
                                    

Kabanata 7

Amaliya's

WE didn't have choice. That's the reality in this fantasy world.


Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Ang ganda dito teh, malakas na sigaw ang gigising sa'yo.


Alas singko pa lang ng umaga gising nako dahil pagkauwi namin galing sa nasabing dinner kagabi, nalaman naming kumpleto sila sa lahat ng kagamitan dito. As in lahat! Dahilan kung bakit nakatulog ako kaagad. Komportable akong nakasuot ngayon sa isang terno pajama na color maroon. Bababa na sana akong malaki ang ngiti kung hindi ko lang naalala ang nangyari kagabi.






DINALA kami ng pareho pa ring babae sa isang, ang taray teh! May pa restaurant sila dito, private room pa nga kami eh.




"I already ordered our food, do you have any certain food you want to have? You can add it," sabi ni Ms. Helen pagdating namin sa isang long rectangular table na may walong upuan bawat panig, umupo naman kami sa kanang bahagi ng lamesa habang si Ms. Helen ay nasa kabisera,




"Gusto ko ng adobo," sagot ni Alexa sa kay Ms. Helen, "Kung meron po kayo? Kung wala, okay lang." patuloy niya




Nginitian lang siya ni Ms. Helen at tinawag ang waiter na nasa malapit para ipadagdag ang gusto ng bruha




"Bruha ka, hindi ka ba marunong mahiya?" Bulong ko sa kaniya, magkatabi lang kasi kaming dalawa, siya nasa right side tapos katabi naman niya si Jiyah, katabi naman ni Jiyah si Chandria. Kami lang apat dahil ayaw ni Zang.




"Responsibilidad nila kung bakit nandito pa rin tayo kaya bakit ako mahihiya?"




Tumahimik na lang ako lalo pa't dumating na yung mga lalaki kasama na ang kapatid ko, himala lima na lang sila ngayon. Kakausapin ko talaga 'tong mokong na 'to mamaya, pektus to sa 'kin.




Umupo sa harap ko 'yung 'Luke' guy, katabi naman niya yung lalaking mahaba ang buhok katabi ng mahabang buhok ay lalaking naka hoody, hindi ko 'to halos napansin kanina dahil sobrang tahimik tapos naka hoody pa, giniginaw ka boi? Katabi niya ay ang lalaking naka salamin at walang iba kundi ang unggoy kong kakambal ang katabi niya.




Nilingon ko sila Jiyah at napansin kong parang nahihiya si Chandy kaya siniko ko naman ang katabi ko,




"Anong nangyari sa isang 'yan?" pabulong na tanong ko sabay nguso sa banda ni Chandy




Kunot-noo niyang nilingon si Chandy pero halatang natatawa na nang binigay niya sa 'kin ang atensiyon niya,




"Chismosa kasi 'yang kaibigan natin, 'yan tuloy," she said and smirked. Kumunot na lang ang noo ko at binaling sa mga platong nakahanda ang tingin ko,

Land Of BirthstonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon