8

2 2 0
                                    

Kabanata 8

Alexa's

"ARAY!"




Agad akong kumaripas ng takbo galing sa labas papuntang kusina nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Jiyah.




"Anong nangyari!?" hinihingal kong tanong.




"Napaso ako. Ang sakit," sagot ni Jiyah,




"Ano ba kasing ginawa mo?" mahinahon ko nang tanong ngayon.




"Naghihiwa lang naman ako ng mga putahe tapos nasamid ng kamay ko ang stove,"




"Bakit mo naman kasing hinayaang masamid ng kamay mo ang stove?!"




"Eh alam ko naman kasing hindi 'yun mainit! Hindi pa nga ako nagsisimula tapos bigla nalang iinit?"




"Anong mainit? Nasipa ko 'yan kanina dahil may kailangan akong kunin sa drawer sa taas niyan, hindi naman ah?" napabaling ako sa pasukan ng kusina kung saan nakatayo si Chandy na nakakunot ang noo.





"Aba malay ko! Taga rito ba ako?" pabalang na sabi ni Jiyah, "'Tsaa kadiri ka, ba't mo sinipa? Ew."


"Tama na nga 'yan. Iwan mo yang ginagawa mo Jiyah maghanap tayo ng first aid kit dito," sabi ko.




"Ano 'yan? Sinong nagluluto?" tanong ni Zang galing sa likod na pintuan. May pintuan nga pala sa likod ng kusina kung saan makakadating ka sa balcony, galing ako kanina 'dun kaso nga lang nasa harap ako at hindi dito sa likod, nagsilbing pabilog kasi ang balcony dito, alam mo yung planet na may circle na nakapalibot? Nakalimutan ko pangalan nun basta ganun ang style ng balcony dito na siyang mas lalong nakapagpaganda sa bahay.




"Ikaw na munang magluto, Zang. Gagamutin ko na muna 'tong paso sa kamay ni Jiyah,"




Tumango naman si Zang at nanghugas na ng kamay para mapatuloy ang naiwan ni Jiyah.






"ANONG nangyari diyan?"




"Nasamid niya ang stove habang naghihiwa siya ng mga ingredients," sabi ko




"Ako na diyan,"




Lumipat naman ako ng upuan para dito na umupo si Liya. Nursing kasi ang course ni Liya kaya pinabayaan ko nalang siyang gamutin si Chandy. Kahit kasi airlines ang business ng pamilya nila, pinili pa rin niyang mag take up ng nursing.




HINDI naman daw masiyadong malala ang nangyari kay Chandy, kunting paso lang daw 'yun at kailangan lang niyang ipahinga ang kamay niya. Hindi ko naman masiyadong naintindihan ang sinasabi niya dahil hindi naman ako maalam 'dun kaya pinuntahan ko nalang si Zang sa kusina para tumulong.




Land Of BirthstonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon