Kabanata 4
Alexa's
PINAGHALONG, kaba, takot at lito ang nararamdaman ko ngayong araw na 'to. Sa mga nalaman kong kababalaghan ay nagiging dahilan ng pagka frustrate ko kaya para mawala ang frustration ay dapat ikain ng....
CAKE!Pagkatapos naming mag-usap kanina, 'yun yung unang pag-uusap namin ulit na kompleto kami at alam kong hindi na 'yun masusundan pa kaya nagutom ako sa katotohanan. Buti nalang at dahil walang pasok o trabaho dahil sa lockdown, kinahiligan ni ate Aubrey ngayon ang pagbibibake at dahil nga frustrated ako, ako ang kakain ng mga binake niya.
"Alexa," tawag sa akin ni Kuya'ng ngayon ko lang napansin na pumasok sa kitchen.
"Bakit?" Tanong ko at kumain na ulit.
"Why do you think we're well off?"
"Huh?" Si ate na katatapos lang ilagay sa oven ang bagong gawa niya. Kunot-noo ko lang tiningnan si Kuya Addy na nagsisimula na ding kumain ng cake.
"Anong klaseng tanong 'yan Addy?"
Sa aming tatlo ako ang bunso, one year ang gap ni ate kay Kuya kaya nasanay na din si Kuya'ng tinatawag lang siya sa pangalan ni ate, ako naman gap namin ni Ate Aubrey ay 2 years tapos kay Kuya Addy ay 3 years.
"May hinahanap kasi akong libro kanina sa library tapos imbis na mahanap yung librong kailangan ko nakita ko yung libro ng mga ancestor natin,"
"At?" Tanong ko nang bigla nalang siyang tumigil kaka-explain.
"Nakita ko dati pa talagang may business ang mga Mier pero simpleng barbeque lang 'yun tapos lumago. Sa kina Lola't Lolo naman daw nagsimula ang mga main course tapos mag lumago daw nung nag take over si Daddy."
"Anong namang kinalaman 'nun sa tanong mo?" Tanong ko
"Wala lang. Gusto ko lang e-share." Ang lalaking 'to parang batang humihingi ng pagkain sa magulang kung maka ngising aso.
"Alam mo Addy Rusene para kang tanga." Asar ko habang nakakunot parin ang noo dahil sa mga sinabi ni Kuya. Sinong mag-aakalang dahil sa barbecue yayaman ang mga Mier?
"So ano ka na lang Alexa Pauline? Bobo?" Si Ate naman,
"Kung makatanong si Aubrey Felene ah, akala mo naman hindi bobo." Si Kuya,
"Ewan ko sa'yo! Wag kang kumain ng cake ko."
"Ate, Kuya. Ang ingay niyo. Kumakain ako." Saway ko sabay irap sa dalawa.
"Ay sorry, manang Alexa, hindi po namin alam." Ang gagong Addy tinawag ba naman akong Manang?!
UMAKYAT, na ako papuntang kuwarto pagkatapos kong kinain ang halos lahat ng binake ni Ate na cake. Grabi nabusog ako 'dun pero bakit feeling ko kahit busog na ako ay may space pa rin sa tiyan ko para sa dinner mamaya? HAHA.
KAKALABAS ko lang ng banyo pagkatapos maligo nang tumunog ang cellphone ko. Hindi na muna ako nagbihis at sinagot muna ang tawag galing kay Amaliya bago nagbihis.
Dahil gabi na nagsuot nalang ako ng black dolphin shorts at isang oversize white t-shirt na ninakaw ko pa kay Kuya.
"GCQ na daw bukas, magkita tayo sa hapon." Rinig kong sabi ni Jiyah habang pabalik ako sa CR para ibalik ang tuwalya.
BINABASA MO ANG
Land Of Birthstones
FantasyJust when they thought they are just some normal girls who lives a comfortable life with a family who's so perfect for them. An event happened that made them decide on their own and they happen to discover a very unimaginable and surreal things they...