10

7 2 1
                                        

Kabanata 10

Chandria's


IT'S been a week since we got here. They told us not to worry about our parents dahil nakadating na daw sa kanila ang balitang nandito kami. Kaya nagtataka ako, kung alam nilang nandito kami bakit hindi man lang sila nagtaka? May alam kaya sila tungkol dito? Lahat kami dito ay 'yan ang tanong at kahit anong sagot ay wala kaming nakuha.



Dalawang araw lang kami sa dating tinuluyan namin at nasasayangan ako dahil ang ganda 'dun, pero agad ding nawala noong lumipat na kami dito sa South Stone. Mas maganda dito kaysa sa unang bahay at dahil castle nga, mas malaki din. Mansion ang bahay namin sa mundo talaga namin kaya sanay na ako sa malalaking bahay kaso parang nasobrahan yata ako dito sa castle na 'to!



Sa sumunod na araw naman ay binigyan na kami ng mga gamit para sa skwelahan na kakailanganin namin. Isang school uniform, school shoes, training uniform at rubber shoes.



It was just all about introducing ourselves to those students who don't know us. Learning the basics, orientation, knowing the generation by generations. And such things like how the usual first day of school do for the newcomers and such.



Sa buong linggo namin dito ay 'yun lang ang ginagawa namin kung walang training. Their training is like the mix of everything. Kung ano ang dapat matutunan ay 'yun ang pag-aaralan namin. As in lahat talaga! Ang hectic nga masiyado ng isang araw namin. Gigising ka ng maaga, papasok sa klase para malaman ang history ng eskwelahan at mundong 'to, matatapos ng hapon at diretso na naman sa training.



Buti nalang hindi namin nakakasabay ng training ang mga kaibigan ni Ace dahil bagohan pa kami. Sa school naman ay separate rin kami sa ibanh estudyante dahil masiyadong marami pa kaming dapat malaman.



"Anong plano niyo ngayon?" tanong ni Liya sa amin ni Zang.




Nandito kami ngayon nakaupo sa labas na malapit sa garden pagkatapos galing pa eskuwelahan. Half day lang daw ang klase namin ngayon dahil may activity mamayang hapon.



"I'll join the designers club," sabi ni Zang.



Oo nga pala, may clubbings din daw mamaya kaya walang pasok. Hindi ko pa nga lang alam kung may sasalihan ba ako o wala. Si Jiyah at Alexa ay nasa loob, magpapahinga daw muna sila bago kami umalis papuntang School ulit.



"Designers? Drawing na naman Dylieza?" kumento ni Liya,



"Maganda daw 'dun eh. Narinig ko nga kanina sa mga dumaan malapit sa room natin na kung may kaibigan ka daw na kasali sa Designers Club ay puwede daw kayong mag request ng sarili niyong design na panglaban."



"Paano naman 'yun?" tanong ko,



"Kapag daw labanan na ay iba sa training uniform natin ang susuotin. May taga gawa naman daw ng mga panglaban na damit sa mga nasa average position puwede din silang mamili sa mga choices na binibigay sa kanila pero sa mga may kaibigan na nasa Designers Club, highest man o average puwede kang magpadesign ng gusto mong damit,"

Land Of BirthstonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon