KKSB: 2

473 64 397
                                        

Mabilis na lumakad si Rhiona palapit sa dalampasigan.

Tumatambol ang puso niya nang maamoy ang alat ng dagat na natatangay ng malakas na hangin. Mas bumilis pa ang pagtibok nito nang marinig niya ang pagsabog ng alon sa baybayin kasabay ng malulutong na pagbulong ng hangin sa kanyang tainga. Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa nasaksihan.

This is very perfect!

She held her surfing board while the lock was on her right leg. Her swimsuit embraced her two mountains like it was meant for it. Her skin became pinkish as the sun kissed it, giving a good tan on her. Slowly her hips swayed as she trudged her way to the beach.

Isa sa pampalipas-oras ng dalaga ang pag-surf boarding kapag masyadong magalaw ang alon. Last time she tried it, pumunta pa siya ng Siargao just to enriched her experience. Ayaw lang niyang isipin ang kasama noon dahil paniguradong masisira lang ang araw niya.

Muli na namang siyang lumusong sa nagmumurang alon at pinatungan ang surf board na lumulutang na sa tubig.

Her curve was in a perfect view. Kung may binata lang na maligaw sa lugar, hindi na niya nanaising umalis pa. Baka pumalagi na siya pag nagkataon.

Nang umangat na ang tubig dahil sa paparating na alon, tumayo na siya sa surfboard. Naiangat niya ang dalawang kamay para bumalanse. Tumingin muna siya sa tubig, at nang may alon nang malapit nang bumagsak, iginalaw niya ang isang paa patiuna. Her hands were like sails, giving her the balance not to fall.

Gumuhit ang ngiti sa bibig niya nang magawa niyang sakyan ang alon at dalhin siya kasama nito.

Naisip niyang mabuti pa ang dagat, dinadala pa siya. Pero ang damdamin niya para kay Noah, 'di basta natatangay kasama ng hangin at ng alon. Para bang naka-tattoo na ito sa puso niya.

She fell and dipped in the clear-bubbly water. She then heard the crisp whisper of it, creating a wonderful sound to her eardrums. Kaagad naman niyang inayos ang buhok na natatabunan ang mukha niya at sumakay sa nakalutang na board.

Isa sa naging dahilan niya upang magtagal sa lugar ay ang dagat. She felt the calmness of it. Pakiramdam niya hindi niya kailangang mag-pretend kapag nasa tubig siya. She could be real to herself. No wearing of mask, no worrying heart. Tinatangay kasi ng dagat ang mga iyon at pinapalitan ng kasiyahan. Naisip niyang baka dati isa siyang nymph sa tubig, iba kasi ang epekto nito sa kanyang sistema.

May panibagong alon na naman ang paparating at pinaghandaan niya ito. At katulad kanina, dinadala na naman siya ng hangin at ng alon.

Sumagi sa isip niya ang taong nagturo sa kanya na mag-surfing, at kaagad na nawalan siya ng focus. Na-outbalance siya at bumagsak sa tubig.

Shit!

Ninanamnam ng dalaga ang malamig na tubig sa mukha niya. She even closed her eyes for more invigorating effect. Ayaw niyang ma-stress kaya hindi muna niya iisipin si Noah. Nahinto ang pagpapahinga niya nang biglang may nagsalita.

"The water here in Peñafrancia is really refreshing," sabi ng boses na nanggagaling sa likod niya.

She quickly moved a little, at dinala ang board palayo sa boses na pakiramdam niya ay malapit lang sa likod niya.

Hindi siya nagsalita. Umupo lang siya sa kanyang board at palinga-linga. At nang makita na maalon sa bandang kanan, mabilis niyang lumukso at lumanggoy papalayo sa lalaking nagsalita.

Pero parang pinaglihi yata ito sa kidlat at ang bilis na nahawakan ang board ni Rhiona. Hindi siya makausad. Isang kaswal na ngiti lang ang ibinato nito sa kanya.

Kita Kita Sa Bintana [R-18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon