"A bottle of Jack Daniels, please," tawag ni Rhiona sa dumaang server.
Nakapatong ang dalawang siko niya sa center table habang inisa-isa ang pag-delete ng mga messages ni Noah para sa kanya. It flooded her inbox like hell.
Haliparot...Malandi...A shit whore...sucker for di**
Lahat na tinawag sa kanya, pero hindi pa rin niya ito pinagtuonan ng pansin. Humalakhak lang siya nang maisip ang mukha ni Noah habang pinagtitipa ang mga text na iyon. Paniguradong halos iluwa na nito ang mga mata sa inis dahil sa ginawa ni Nev. Perfect talaga ang pagtatagpo nila ng lalaking ito at kailangan nilang i-celebrate ang kasiyahan.
"Noah is a tough guy. Isn't he?" Binuksan niya ang bote at naglagay sa baso at binagsakan ng dalawang malalaking yelo.
"Yes, pero hindi ko inasahan na maghahanap talaga siya ng tiempo para kausapin ako. I mean, knowing that douche, hindi na 'yon makikipag-usap. But unfortunately he did."
Malakas na tumawa si Nev habang nisamsam ang usok na lumalabas sa bibig. It was a mentol cigar.
"His eyes were almost killing me, if I were to comment." He quaffed his drink, bottoms up.
"Oo nga," tuwang-tuwa na sagot niya habang mabilis na ininom ang nasa baso niya.
Hindi na sila nagtagal sa party at mabilis nang umalis. Their goal was to enjoy, but how could they do that if there were too many distractions everywhere. Kaya naisipan nilang mag-bar na lang sa may malapit.
"He's still into you."
Nakatitig siya sa binata. "Bakit mo nasabi 'yon? Halos patayin na ako sa mga text niya."
He smirked before taking another shot. "He reacted, meaning he still have a shit for you. A bloody serious shit!"
She just shrugged. Hindi kasi makatotohanan na meron pa. Sila na ni Elena, and she cut the communication kaya imposible na meron pa. Ang tagal na rin nila na hindi nagkita kaya ayaw maniwala ni Rhiona sa pinagsasabi ni Nev.
"Pero kahit anong pagpupumilit niya, hihindi na ako. Ayoko na."
Inabot nito ang ashtray at inilapag ang yosing hawak. "Don't let that dude ruined our piss up. Fair dinkum? Let's drink, mate." Iniangat niya ang baso at mahinang nilangok nito ang laman.
"Hindi ko hahayaan 'yan. Simula ngayon, bibitiw na ako sa bullshit na 'yon!" Ininom na rin niya ang nasa baso niya.
Hours came, dumating si Frenchie kasama ang nobyo nito. Umupo ito kaagad sa tabi niya habang inilapat ang dalawang kamay sa mukha niya.
"Nagkita raw kayo ni Noah, beshie?" May bahid ng pag-aalala sa matinis nitong boses.
"W-who told you?" she asked in a slurred voice.
"Siya mismo. Galit siya kasi kasama mo raw si... si..."
"It's Nevin, mate," sagot ng binata na kanina pa naglalaro ng usok sa bibig nito.
Kitang-kita niya ang pagkatulala ni Frenchie nang mapansin ang nagsalita. Isa lang ang nasa isip niya na tumatakbo sa utak ni Frenchie, pogi. At kahit siya ay parehas sila ng iniisip.
"Hello, Nevin. French Love, by the way. Do you speak Tagalog?"
Hindi niya mapigilan na matawa sa pinaggagawa ng kaibigan. She knew that French easily get attracted to handsome men, pero it was not her call. Kinurot niya ito sa singit. Mabilis naman nitong hinaplos ang parte na kinurot niya.
"Tayo ang nag-uusap, mamaya na si Aussie boy! Bakit daw siya galit?" Nakaharap siya sa kaibigan at naghihintay ng sagot.
"Actually, andoon ako sa pantry at kumakain kami ni bebeloves..." Tumingin pa siya sa nobyong abala na nakikipag-usap kay Nev. "Dumating si Noah, galit na galit. Kaya nagtaka ako. Kinausap naman ako ng baliw na 'yon, sabi niya na ang landi mo raw. Mahilig ka raw sa ano."

BINABASA MO ANG
Kita Kita Sa Bintana [R-18]
Ficción GeneralPilit na tinatakasan ni Rhiona ang nakaraan na gumugulo sa buhay niya. Pangyayaring ni sa panaginip ay ayaw na niyang balikan. Nakita naman niya ang hinahanap na kapayapaan sa bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng dagat. Sa kanyang bintana, nata...