Nakatayo si Rhiona sa isang puno na malapit lang sa dagat.
Ginalugad ng kanyang tingin ang lugar at tulad ng inaasahan, ang dalagang nakaabang sa dagat ay naibigan ang view ng muling paglubog ng araw.
Parang musika sa pandinig ni Rhiona ang paghampas ng alon sa dalampasigan at ang kaluskos ng mga batong natatangay ng tubig. Napapanatag siya kapag iyon ang naririnig niya.
Tinatangay rin ng hangin ang mahaba niyang buhok at mayamaya'y iniipit ito sa likod ng kanyang tainga.
Hanggang sa tuluyan nang humalik ang kulay-kahel na araw sa karagatan. Nagbibigay ito ng isang magandang tanawin mula sa kinaroroonan niya. Sumilay ang ngiti sa labi niya, isang ngiti ng babaeng sa wakas ay nakita na ang ninanais sa buhay: ang nakamamanghang paglubog ng araw.
Bumaba siya sa may bangin, mabilis na hinubad ang suot na tsinelas at tuluyan nang lumusong sa tubig.
Nanuot ang lamig ng tubig sa katawan niya nang unti-unti siyang nababasa. She scooped a little using her hands and slowly poured it on her body. Nababakas tuloy ang nakatago sa ilalim ng puti na t-shirt niyang suot.
Abot-tainga ang ngiti niya sa pangyayaring iyon. Para tuloy siyang bata na binigyan ng kendi sa sobrang tuwa. At lumanggoy na siya sa kulay-kahel na tubig.
Paraiso ito para sa kanya, hindi katulad ng sinapit niya sa Maynila na halos ikabaliw na niya. Ang buong akala ni Rhiona ay sa puntong iyon na lang matatapos ang buhay niya, pero hindi pala. Buti na lamang at 'di iyon nangyari, baka hindi na niya mararanasan pa ang pagligo sa dagat.
Hindi alintana ni Rhiona ang suot habang naliligo siya--isang manipis na t-shirt at shorts lang, ang importante ay walang taong napapadpad sa bahaging ito ng baybayin.
Nandoon kasi siya malapit sa isang private resort, at sa pagkakaalam niya ay walang tao rito. Matagal na raw itong sarado. Kaya kampante siyang sumisid kahit na halos natatanaw na ang kaluluwa niya.
Nagpalutang siya sa tubig at nakatingin sa langit na may mga bituing kumikinang. Gabi na pala pero ayaw pa rin niyang umahon.
Masarap na magbabad sa tubig lalo na't gabi dahil nag-aagaw ang init at lamig habang nakababad. Talo pa ang pinakamagandang jakuzi sa buong mundo.
Maganda sana kung may wine at isang masayang kasama na lumalanggoy. A hot guy perhaps.
Tumawa siya bigla sa naisip. Umiral na naman ang pagiging pilya niya. Sabagay, sa lugar na tulad nito, mas maganda naman talaga na may makakasama ka.
Muli na naman siyang lumanggoy. Sa pagkakataong ito, matagal siyang sumisid sa tubig. At hiniling niyang 'wag na sanang matapos pa ang magandang pagkakataon na ito.
***
Mabilis na pumunta sa shower si Rhiona. Pinihit niya ang switch at itinutok ang dutsa sa kabuuan niya. Napasinghap siya sa sarap nang mabilis na dumaloy ang mainit na tubig sa kanya.
Inabot niya ang body wash na nakalagay sa may gilid, katabi ng bote ng shampoo niya. Napapikit siya nang maamoy ang lavender scent ng body wash niya. A perfect scent to relax the evening.
Her hands wiped it on her two healthy breasts, scrubs it a little, and massaged it on her control Mabilis na bumula ito at nagkalat sa parte na 'yon.
Slowly she carressed her arms, very gentle as if it was the most fragile thing in the world. Her hands made it to her neck and to her belly as well. Dumaan din ito sa pribadong bahagi ng katawan niya.
She closed her eyes, and slightly opened her mouth. Nasiyahan siya sa sensasyong dulot ng paghawak doon. Bigla niyang naalala, matagal na matagal na pala since she last did it with someone. And I think I need it, again!

BINABASA MO ANG
Kita Kita Sa Bintana [R-18]
General FictionPilit na tinatakasan ni Rhiona ang nakaraan na gumugulo sa buhay niya. Pangyayaring ni sa panaginip ay ayaw na niyang balikan. Nakita naman niya ang hinahanap na kapayapaan sa bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng dagat. Sa kanyang bintana, nata...