KKSB: 11

69 5 18
                                    

Hindi marinig ni Rhiona ang sarili.

The darkness was spatted with moving neon lights, which gave her a dizzy feeling. Upbeat music sounded to the place and everyone seemed to be in the mood for dancing, but not her.

Bumisita siya sa isa sa sikat na bar sa lugar. She wasn't in the mood for partying, but she needed to go out to escape from too much thinking about Neev.

Kanina pa niya inaalog ang basong may lamang whiskey pero sa kasamaang palad hindi pa rin siya kinakatok ng kalasingan. Ilang bote na ang naitumba niya pero ang tatag pa rin niya at di man lang iyon nakatulong sa kanya.

Napapitlag na naman siya nang muling maisip ang binata.

His eyes... His built... His possession. Parang hinahanap ko iyon.

Alam niyang hindi biro ang umibig. Nandoon na siya sa puntong tanggap na niya ang pagkawala ni Noah sa buhay niya, pero parang hindi niya gustong muling pagbuksan ang puso niya sa iba. Hindi niya balak na maging ganoon ang takbo ng buhay niya rito mismo sa lugar na ito.

Mabilis niyang ininom ang laman ng baso at tila naramdaman niya ang pagguhit ng iniinom sa lalamunan. Napatango na lang siya nang maisip na hindi talaga ito ang solusyon na dapat niyang gawin.

Tumayo siya sa bartender's table at inipit ang bayad sa basong kanina pa gamit.

Kahit na medyo may konting kirot na siyang nararamdaman sa ulo, hindi na lang niya ito pinansin. Sanay na siya sa mga ganito. She just walked with poise, na para bang hindi man lang nakainom.

Mahina siyang tumawa nang sa bawat pagdaan niya ay may napapansin siyang mga mata na napukaw ang atensyon. She was never a sucker for attention, pero iyon ang nangyayari ngayon. Hindi niya naman kasalanan na talagang nakukuha niya ang interes ng mga iyon sa simpleng pagdaan lang.

Finally she was out. Nakahinga siya mula sa mainit na halik ng temperatura sa loob at sa malayang pagsasayaw ng mga ilaw. Sa wakas sariwang hangin na ang yumayakap sa pagkatao niya.

Napatingin siya sa dilaw na buwan na kanina pa nililiwanagan ang kinaroroonan niya. "I think the warm and salty water can help me relax!"

Sa ngiting iyon ni Rhiona, malalaman na talagang maglalaro muli ito sa tubig.

***

Mainit na pakiramdam ang nangingibaw sa paglusong niya sa tubig. Napasinghap siya nang tuluyang lamunin ng tubig ang hubad niyang katawan. Hindi na iyon bago sa kanya kaya mabilis niyang binalewala iyon.

Hindi na niya inisip pang magpalit ng damit, nang makarating sa bahay, agad niyang hinubad ang suot na pantalon at blouse at nagpatangay na sa tumatawag na alon sa harapan niya.

Nang humarap siya sa dalampasigan, abot-tanaw niya ang resort na tinutuluyan ni Neev. Nakabukas ang ilaw at ibig sabihin lang niyon ay nandoon siya.

Ngumiti ang dalaga sa naisip. Tunay na malakas makahatak ng atensyon si Neev sa mga kababaehan dahil sa angkin nitong kakisigan. Kahit nga siya na nangakong hinding-hindi magpapadala, natatangay pa rin gaya na lang ng mga alon na napupunta sa baybayin.

"Hindi pwede, Rhiona. Nandoon ka na sa magandang yugto ng buhay kaya tigilan mo na 'yan," mahina niyang sabi habang nakatingin sa bahay ng binata.

Inilubog niya ang sarili at panandalian pinakiramdaman ang mainit na yumayakap sa kanya. Huli na nang malaman niyang nakayakap na sa kanya ang matipunong si Neev.

Kita Kita Sa Bintana [R-18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon