Isang kamay ang lumahad kay Rhiona mula sa madilim na sulok. Dahil sa kanina pa kinain ng alak ang sistema niya, wala siyang choice kundi ang abutin ito. Ayaw naman niyang maiwan doon at pagpiyestahan ng mga lasing. She reached for it and was pulled out from that place.
Hindi niya kilala ang nagmamay-ari ng kamay, pero alam niyang wala na siya sa peligro. Ito ang sinasabi ng kanina pa tibok nang tibok na puso niya.
"Are you all right?" His breath touched her face. Naamoy niya ang magkahalong samyo ng alak at ng mint.
Naisipan niyang hindi sagutin iyon at sinubukang maglakad pero mahina siyang napaungol nang maramdaman ang kirot mula sa kanan niyang paa. Natapilok pala siya kanina habang iniiwasan ang buang na 'yon.
"May sprain ka!" They stopped in the middle of the pathway. He quickly bowed and reached her foot.
Gumapang ang kakaibang init mula sa kamay nito nang haplusin ang kumikislot niyang paa. He twisted it, massage a little, at hinay-hinay na pinipisil ito. Nakagat tuloy niya ang labi sa sensayong bumabalot sa ginagawa ng binata.
"Does it hurts?" May konting pag-aalala sa boses nito. Hindi man niya makita nang maayos ang binata pero alam niyang nakatingin ito sa kanya.
"Oo. Masakit pa rin ilakad." Her voice became weak and agonizing with pain.
Tumayo ito. Sa di inaasahan, ipinatong nito ang suot na blazer sa balikat niya. "A-ano 'to?"
"Wear this to cover your ruined clothes," he commanded. Tumalikod ito sandali para magsindi ng yosi.
Nag-init ang magkabilang pisngi niya nang maisip na kanina pa pala nito napapansin ang suot niya. Mabilis niyang kinapa ito. Muntik na siyang mapahiyaw nang madaanan ng kamay niya ang tube bra na kanina pa pala nakasilip sa sirang kasuotan.
Mabilis na sinuot ng dalaga ang blazer at inilock sa may bandang gitna since doon nasira nang husto ang suot niya.
Amidst the pain on her sprained ankle, Rhiona managed to smile. Hindi niya inakala na may mabait palang dugo na dumadaloy sa lalaking 'to. She was pissed off on how they met before pero mukha yatang iba na ang nakikita niya sa binata.
Lumapit ito sa tainga ng dalaga at bumulong. "Ready?" He even bit it a little. Pagkatapos itapon ang yosi ay muli itong humarap sa kanya. Narinig pa niya ang malakas nitong pagbuga ng hininga.
"Saan?" She was clueless of his plan.
Napahiyaw siya nang biglang may humawak sa kabilang binti niya at malakas siyang binuhat. He was carrying her. Kaagad niyang isinabit ang kaliwang kamay sa malapad nitong likod, at nakatingin sa hindi klarong mukha nito. It was still dark afterall.
"Be still, Carmela," awat nito nang gumalaw siya kaunti.
"Hindi ako si Carmela."
He smirked. "I know. But I love to call you by that name," he answered in a manly tone.
One things for sure, that Carmela used to be his woman. Naisip tuloy niyang itanong iyon.
"Girlfriend mo si Carmela?"
Tumahimik ito. Bigla niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi nang hindi ito tumugon. Nagsisi tuloy siya sa pagtatanong ng ganoon sa lalaki.
Dumaan ang malamig na hangin at hinaplos ang mukha niya. Kahit papaano ay kinalma nito ang dalaga. Hindi siya sanay na mapahiya lalo na sa pinagdaanan niya sa lasing na lalaki na 'yon.
Mayamaya ay nagsalita ito. "Nope. Stop talking, or else I'll kiss you." His grip became tighter, malamang dahil sa tanong niyang wala sa lugar.
Kunot-noo niyang umiwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
Kita Kita Sa Bintana [R-18]
General FictionPilit na tinatakasan ni Rhiona ang nakaraan na gumugulo sa buhay niya. Pangyayaring ni sa panaginip ay ayaw na niyang balikan. Nakita naman niya ang hinahanap na kapayapaan sa bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng dagat. Sa kanyang bintana, nata...