"I missed you so much."
Tila isang plato na biglang nahulog mula mesa ang puso ni Rhiona. Naramdaman niya ang kirot sa bawat pagtibok nito. Unti-unting gumapang ang sakit sa buong katawan niya hanggang sa naging mabigat na ang paghinga niya.
Mabilis niyang nasapo ang dibdib at napansandal sa back rest ng upuan. She didn't see it coming. Ang buong akala niya ay tapos na ang pagkikita nila.
Bukod sa nanumbalik ang lahat ng mga alaala nila, hindi maitago ang pagiging affected sa mga salitang narinig niya.
Muli na namang tumagas ang mga luhang akala niya ay hindi na lalabas. Naalala niya ang paghihirap niya kung paano itawid ang buhay na mag-isa, ang sakit na idinulot nito sa kanya noong sabihin nito ang mga dahilan bakit ayaw nito, tapos ngayon sa isang simpleng pagsalita, nanghihina na siya.
Nakaupo ito sa tabi lang niya sa front seat. Magulo ang buhok, maga ang mga mata na para bang umiyak ito nang matagal, amoy alak din ito. Nakabukas na ang butones ng suot na polo at kitang-kita niya kung gaano ito kaseryoso.
Umiwas siya ng tingin.
"Why are you here?" Ayaw niyang tingnan ito ng diretso. Baka magiging dahilan iyon para maiyak pa siya lalo.
"I came to see you, to talk to you in private."
Tumawa siya. "Makausap ako in that state? You're drunk, Noah!"
"Answer me!" He held her shoulders and shook it. "Bakit mo ako biglang-biglang iniwan? You treat me like a dirty rag, damn!" His voice became firm, as his jaw clenched while he face her.
Hindi niya alam ang isasagot. Matagal na niyang pinakawalan ang dahilan nang pag-alis niya. Mabigat iyon na dalahin sa puso niya. Gusto na niyang ibaon na iyon sa limot. She took a deep breath and closed her eyes. A tear slowly streamed from her eyes.
"Just tell me!" he yelled, and slammed the stirring wheel with his fist.
She was startled. Hindi niya alam na nagiging bayolente na pala ito kapag nalalasing. She could see his fist still balling on the stirring wheel.
"Because..." She covered her mouth, trying not to say it, but she felt weak after he saw Noah's troubled face.
"Because you cheated on me!"
Sarkastikong tumawa ito. "Iyon lang? Hindi mo ba alam na wala lang iyon. She was just an interlude, Rhi! You are just making things complicated."
Malakas siyang binitiwan nito at sumandal sa upuan. Itinuko nito ang kaliwang siko sa nakabukas na bintana at nasapo nito ang ulo.
"Alam mo naman na part iyon ng trabaho ko, Rhi. I need to get close with my clients for more..."
She hissed, "kasali ba sa job description mo na ikama sila? That's fuckin' dirty, Noah!"
Natahimik ito bigla.
"M-matagal na k-kitang pinagbigyan, Noah. It's time for me to redeem myself."
Nakagat nito ang pang-ibabang labi sabay himas sa baba nito. "What? Redeem yourself by flirting with that Nevine?"
Nanlaki ang mga mata niya. "What's wrong with Nevine? Wala naman siyang ginagawa sa iyo, ah! Leave him out of this. You just being paranoid."
Binuksan niya ang kotse at lumabas. Imbes na okay na siya, parang mas lalo la siyang iniistress ni Noah. Mabilis siyang nagtungo sa labas ng parking area at palinga-linga sa labas. Inisa-isa niya ang mga tao doon baka nandoon pa si Frenchie. Nabigo siya dahil wala siyang nakita ni anino ng kaibigan.

BINABASA MO ANG
Kita Kita Sa Bintana [R-18]
General FictionPilit na tinatakasan ni Rhiona ang nakaraan na gumugulo sa buhay niya. Pangyayaring ni sa panaginip ay ayaw na niyang balikan. Nakita naman niya ang hinahanap na kapayapaan sa bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng dagat. Sa kanyang bintana, nata...