KKSB: 5

360 36 252
                                    

Nakatingin si Rhiona sa daan. Nagmamaneho siya at patungo siya ng Manila.

Habang hawak ang manibela at nakatuon ang mga mata sa daan, malakas na pumipintig ang puso niya sa gagawin. Sanay na sanay naman siya sa mga ganyang pagtitipon, pero ayaw lang talaga niyang makita si Noah ngayon. It was like tearing her heart out again kapag makita niya ang mukha ng taong iyon.

Mahina niyang nakagat ang pang-ibabang labi sa naisip. Hindi pa niya gusto na makita ang lalaki na 'yon. Nakapag-move on na siya, pero its like torturing herself knowing na andoon siya and they breath the same air. Wala siya! Finger crossed.

Malayo-layo ang Peñafrancia patungong Manila kaya ilang oras din ang igugugol niya sa pagmamaneho.

Naisipan niyang aliwin na lang ang sarili kaya inabot niya ang stereo na malapit lang sa kinaroroonan niya at pinindot iyon.

Kahit na tapos na sila ni Noah, hindi naman madaling maiwaglit sa isipan ang masasayang alaala nila. At kahit ang sasakyan ito ay saksi sa kanilang pagmamahalan.

Gumaan ang pakiramdam niya na kahit papaano ay may may kantang umaaliw sa kanya sa pagmamaneho.

Bukod sa kay Noah, ang ayaw na ayaw niyang mangyari ay ang ideyang baka inaabangan siya ng Daddy niya. Ayaw na ayaw ng dalaga na bumalik sa puder ng ama. Ayaw niyang muling matali sa pagiging alipin sa bawat desisyon niya. Iniisip pa lang niya ay nanginginig na ang kalamnan niya.

Nakakaya pa niya ang maging abala sa trabaho, pero ang itali sa panghabang-buhay na sitwasyon, ibang kwento na iyon. She was liberal, at gustong palaging nakawala imbis na tinatali. Naiisip din naman 'yan, but she was not ready yet.

Simula nang pumanaw ang mommy niya, naging miserable na ang buhay ni Rhiona. Nawala ang babaeng kumakampi sa kanya. Ang naiwan na lang sa buhay niya ay ang amang sakim at ang mga kapatid na walang iniisip kundi pera. Money will really poisoned a man's intelligence.

She stepped on the accelerator, and it moved fast. I need to be there on time.

***

Nang makapasok sa isang subdivision, iginarahe niya ang sasakyan sa labas ng isang kulay flesh na gate. Frenchie was there, waiting for her to come out, and when she did, mabilis itong niyakap ng kaibigan.

"I missed you bratty!" Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

Lumayo ito konti. "Oh! Me too, beshy." And she kissed Frenchie's head.

Muli itong lumayo at pinaradahan siya ng tingin. Pabiro naman niyang ipinuwesto ang kamay sa baywang na para bang modelo. At umingay ang malulutong na tawa mula sa kanila.

She was wearing a knee-length party dress. Nakayakap sa kanyang balakang ang kulay pula na cocktail at may mahabang slit hanggang sa kanyang paa. The color complimented on her complexion lalo na slender body niya. May malaking white diamond necklace rin na nakasabit sa kanyang leeg. Kumikinang pa ito kahit saang angulo tingnan.

"Bestie, ayaw mo talaga na pumunta sa bihis na 'yan? Eh, parang pinalalaway mo naman si Noah niyan." Agad nitong tinakpan ang bibig pagkatapos masambit ang pangalan na ayaw na ayaw niyang marinig.

Kumunot-noo siya. "Hell, no! To be honest, wala akong paki sa kanya. Ikaw at si Elena lang ang purpose ko, after that... mabilis pa sa bala akong aalis."

Mahinang napangisi ang kaibigan. "Asus! Enjoyin na lang natin ang party ha."

"Sure. Lalagukin ko si JD mamaya." And she was referring to the hard drink "Jack Daniels", one of her favorite whiskeys.

Kita Kita Sa Bintana [R-18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon