"Shems!" Napakapit si Rhiona sa baging na nakasabit sa gilid nang muntikan na siyang madapa dahil sa nakausling bato sa buhangin. Nakasuot pa naman siya ng flip flops, buti na lang at hindi ito nasira.
Ilang libong mura na rin ang naisambit niya bago tuluyang bumitiw sa kinapitan.
Kumunot ang noo niya at tinadyakan ng ilang beses ang bato. It almost got her killed. Paano na lang kung natumba siya at nabagok sa isa sa mga nagkalat na bato? Mamamatay siya agad-agad.
Imbis na matuwa siyang gumala sa baybayin, sinira pa tuloy ang mood niya. Humugot siya ng hininga, at pilit na pinapakalma ang sarili. But no one could stop Rhiona from doing the things that she wanted to do, she again trudged her way to the other side.
Mabato ang baybayin sa bahaging iyon ng Peñafrancia. Bukod sa mga maliliit na bato sa baybayin, may mga deformed rocks din sa lupa ng dagat kaya kung hindi maingat, masusugatan talaga sa matutulis na bagay na nasa ilalim. At ayaw niya sa mga ganoon. Sugat-sugat na nga ang puso niya, pati pa ba ang mga paa niya. I cannot!
Kaya hindi siya sa parte na 'yon naliligo. Lalakad pa siya ng ilang hakbang para makarating sa safe na bahagi.
Huminga siya nang malalim, pagkatapos ay pinunas ang namumuong pawis sa kanyang noo. Sa wakas ay narating na niya ang gustong puntahan. Binagsak niya ang bitbit na bag at payong, at umupo sa pinong buhangin.
She never thought that she could always do this. Ang malaya sa anuman ang naisin niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya nang naging pilya na naman ang pinag-iisip niya. Ano kaya ang pakiramdam kung may kasiping sa ganitong lugar, in this rough and cold dust of the sand?
Iyan na ang nakukuha niya sa pagbabasa ng mga adult themed books, pero who cares. Mas better pa nga siguro iyon kaysa magmukmok sa kuwarto dahil sa sitwasyon niya.
A gush of wind took her green straw hat, ginulo ang maayos niyang buhok. Inalis niya ang suot na shades at inabot ang lumipad na sombrero. Lumingon siya, she then saw something on the gate. She
Monday Paradise. Binasa niya ang karatulang nakapaskil sa gate. Halatang hindi na ito naaalagaan. She stood, dust off the sands on her legs at lumapit sa mismong gate ng resort. Hinawakan niya ang kalawangin na siradura ng gate, at itinulak niya iyon papasok. It's open.
Malakas na lumangitngit ang gate, marahil dahil na rin sa kalawang at sa tagal na 'di nabubuksan. At tumambad sa kanya ang isang hardin na matagal nang hindi naalagaan.
Pumasok siya, halata namang walang tao dahil ni hindi man lang nagkaroon ng gap sa mga malalagong damo sa loob ng lawn.
Curious, she went inside. Namangha siya sa mga cute gnomes ng bunnies at deers. Nakapuwesto sila sa bandang gitna, giving a nice view. May maliit na fountain din na wala nang tubig, nagka-crack na rin ang ibang bahagi nito dahil sa kalumaan. Sa kabilang dako, heli-helirang rosas ng iba't ibang kulay ang namumukadkad. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga sa nakita, at ngumiti siyang lumapit doon.
Dati pa naman siya mahilig sa mga bulaklak. Sa bahay niya, every week siyang nagpapalit ng bulaklak lalo na kapag napansin niyang malapit na itong malanta. Alam na alam din iyon ni Noah kaya madalas bulaklak ang pangregalo nito sa kanya o 'di kaya ay may kinalaman sa bulaklak.
She picked one and placed it on her left ear. Napangiti siya nang maisip kung ano ba ang hitsura niya na may bulaklak sa sulok ng tainga niya. She took her phone at nag-selfie pa siya. It fluttered her heart nang makitang bagay na bagay iyon sa kanya.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang loob.
Inukopa na ng mga lantang dahon ang sahig ng terrace. May mga bumigay na mga tiles at nawasak sa sahig. Natutuklap na rin ang pintura ng pader. Napailing-iling siya. How could someone dare to leave this wonderful place? Sayang!
Pumasok siya sa loob, sa bawat pag-apak niya ay tumutunog ang mga malulutong na dahon. She then saw the old rattan rocking chair. Sumilip ang ngiti sa kanyang labi dahil alam niyang ang dating naninirahan dito ay palagi rin na nakamasid sa dagat, just like her.
Naisipan niyang upuan iyon at tama ang hinala niya: ang posisyon ng upuan ay nakatutok sa mismong view ng dagat. Abot-tanaw ang mala-langit na kulay ng dagat. Refreshing. Relaxing. Invigorating.
"Ang ganda ng view ng dagat mula rito," tuwang-tuwa na turan niya.
Napapikit siya nang may dumaan na malamig na hangin sa kanyang mukha. And she felt the freshness of nature.
Dahil sa hangin, lumangitngit ang pinto na nasa likod lang niya. Nang tuluyan itong bumukas, nakita niya ang nasa loob.
Tumambol ang puso niya at tila kinakapos siya ng hininga.
Malinis ang sahig, makinis at halatang araw-araw nililinis. There were no furniture inside, isang upuan lang at isang mesa na na may inumin.
Umangat ang kanyang tingin at tiningnan ang kisame. Kung aayusin ang bahay na 'to, paniguradong konti lang ang maaring gastusin. Kung ibebenta lang sana ito.
Inabot niya ang doorknob at muli itong isinarado. Aalis na siya, baka makasuhan pa siya ng trespassing kapag nahuli siya ng may-ari.
As she slowly walked outside, hindi na niya pinansin ang daanan. Nang marating niya ang gate, someone was standing under the shade of the tree.
Ayjusko po! Nasapo niya ang dibdib nang makita na kompiradong tao pala iyon at hindi lang kung ano-anong repleksyon.
The side of his lips curved as his ash-brown eyes pinned on her. Mas lalong naging pogi ito sa paningin niya nang sumilip kaunti ang mapuputi nitong ngipin. Her crooked smile welcomed her, but Rhiona felt the drumming of her heart the moment she walked near the gate.
Sino ba naman ang hindi kakabahan? Kung isang hermes ba naman ang ngingiti sa kanya?
Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito, palatandaan na bago pa lang itong naligo. Messy, curly hair, pero bagay na bagay ito sa jawline nito.
Isang malaking tattoo ang nakalagay sa kaliwang balikat nito, giving him the masculine effect on her. His broader shoulder exposed with beats of water travelling to his abs, down to his wet shorts. And she tightly closed her mouth nang maisip ang maaring itinatago ng nasa loob ng pang-ibaba na 'yan. Silly! Ngayon mo pa iniisip iyan, Rhiona.
She raised her hands, while she walked near the opening of the gate. "Pasensya na..."
He smirked. "For what?"
"For invading your space. Nadala lang ako sa... teka?" Napakunot-ang noo niya. "You!"
Itinuro nito ang sarili. "Me?"
"You kissed me last time!"
Humakbang ito papalapit sa kanya. Nalilito ang dalaga sa kung ano gagawin. Tatakbo o pabayaan ito. She always knew that the second option is the best answer.
Nang makalapit na ang binata, tila natulos siya sa kinatatayuan at ayaw sumunod ng katawan niya sa kanya. He held her face, their glances battled each other. Pinag-aaralan ng mga mata nito siya at naramdaman tuloy ng dalaga ang mainit na hininga nito.
She stifled a gasp as his soft lips brushed hers. It was fiery, passionate and demanding. Pakiramdam niya her body flushed with heat, at habang tumatagal pinaiinit nito ang kaibuturan niya.
Alam niya na hindi tama ang ganito, sinubukan niyang manlaban, but her senses couldn't cooperate. Hindi na niya kayang mag-isip nang maayos.
He clasped his hands on her. As she could feel her hands travelling on his back, touching every skin that her hands passes.
"Oh!" Sweet moan escaped on her mouth when his tounge licked the seams of her lips.
Muntik pa silang matumba nang inakay siya ng binata sa sementadong pader ng bahay at doon siya pinasandal. His hands held hers, raising it upwards. She became powerless. All she knew right now was to savour the kiss.
"Carmela..." he whispered slowly, prolonging each letter.
"Hindi ako si Carmela," mahina niyang sambit.
"Yes, you are." His lips again captured hers.
Shit! Shit! Shit!

BINABASA MO ANG
Kita Kita Sa Bintana [R-18]
General FictionPilit na tinatakasan ni Rhiona ang nakaraan na gumugulo sa buhay niya. Pangyayaring ni sa panaginip ay ayaw na niyang balikan. Nakita naman niya ang hinahanap na kapayapaan sa bahay na nag-iisang nakatayo sa tabi ng dagat. Sa kanyang bintana, nata...