Prologue
"Oh! Andito ka ulit kiara?" Napalingon ako sa nag banggit ng pangalan ko. Hindi ko mataandaan kung ilang beses na n'ya akong nakikita rito na nag aantay.
"Ahh haha, may inaantay lang." Sabi ko at tsaka lumapit sa kanya.
"Sino bang inaantay mo? Parang hindi naman dumarating hahaha!" Nginitian ko nalang s'ya dahil sa sinabi n'ya. Hindi kaya funny!
"Hmm. Do you still have class?" I ask to change the topic.
"Yes, may hinahabol akong grade sa isnag subject. Delikads eh. By the way you're still a DL right?" Tanong n'ya at tumango naman ako bilang sagot.
"Naks! Running for cum laude! Congrats na agad!"
"Sira! Di pa nga sure kung makakapasa hahaha." Sambit ko habang lilinga-linga sa paligid, nag babaka sakali na makita s'ya.
"Ikaw pa ba? Hahaha o sige na, una na 'ko ah? Bye!!" Sabi nito at tsaka tuluyang umalis. Napatingin muli ako sa mga halaman na andito sa harap 'ko. Dito s'ya madalas dahil dito narerelax ang isip n'ya. He also love nature, mahangin rin dito at tahimik.
"Ilang buwan na 'kong nag hihintay love... Kailan ka babalik?" Sabi ko at napabuntong hininga na lamang dahil alam kong wala namang sasagot sa akin.
"Wala nang babalik." Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Sila Francis, Dan, Carl, Rox at Nins. Naluluha ang mata ko na tinignan sila isa-isa. Napaka swerte ko dahil merong akong sila na handa akong saluhin sa oras na gusto ko nang sumuko para tulungan akong makasurvive.
"What do you mean?" Nag tatakha kong tingin habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa'king mata.
"Here's my favorite place in school love! Come here!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses na iyon...
Mousiee.... You're awake...
Patuloy na tumulo ang aking mga luha habang palapit s'ya sa pwesto ko.. I miss him so much! Gusto ko s'yang yakapin pero nanatili ako sa pwesto ko at hinayaang makarating s'ya sa pinaroroonan ko.
"Love!! Come here!!!"
Love? Is he calling me?
Ngumiti ako sa kanya nang mag tama ang paningin namin pero tinignan n'ya lamang ako saglit at tsaka tumalikod para tawagin ang babaeng akala ko ay nakalimutan na n'ya..
"Love..." I said. I'm hurt, please tell me that i'm still the one...
Mas lalong nag blur ang paningin ko nang hindi n'ya ako pansinin, sa halip ay kinuha ang kamay ng isang babae at nilagpasan ako.
"Gaidon..." Tawag kong muli.
"Bakit? Sino ka?"
--------------
The story's settings and characters are all based on my own experience and imagination.
Please do not expect too much.
Thank you! Godbless :)
BINABASA MO ANG
The Last Sweetest Desire
Teen FictionA story full of happiness and contentment. A woman who fall in love unexpectedly... How can she control the emotion she has to fulfill this sweetest desire that most of us wants?