Chapter 13: Shinigami Tracker

9K 258 36
                                    

Chapter 13: Shinigami Detector

Bee's Buzz : Dahil may atat na ata ng malaman ang susunod na mangyayare, nandito na. Kilala mo kung sino ka. Haha! :) salamat!

-

Isang linggo na kami nandito kaso ay wala padin nangyayareng kakaiba. Kilala nadin namin kung sinu-sino ang mga humdrum at ang mga shinigami kaso walang trace ng danger. Naka-usap ko na din si Darwin at madalas pa din ang paglabas niya ng classroom gamit ang old tactics niya. Ngayon nga lang, hindi ako kasama kasi baka mapaghalataan kami. Mahirap na.

Napabuntong-hininga ako.

"Pang-ilan buntong-hinga mo na yan, Rayne?" Ani ni Akane. Nag-iingat nadin kami sa pag-tawag sa isa't isa. Kung sa utak namin ay mga AN namin sa tantei high ang gamit, sa real life naman ay FN ang gamit namin. Inilingan ko lang si Akane at bumalik sa pagbabasa. Mabuti nalang at sa isang room na ito ay kami lang tatlo ang nakatira.

Natahimik ang buong room ng akala kong tulog na sina Riye kaso ay narinig ko ang boses ni Akane.

"Hoy smelly boy! Umayos ka nga!" Sigaw ni Akane kung saan. Napatanto kong ginamit nila ang earpiece para mag-usap. "Anong malakas ang boses ko?!! Hoy! Ito ang average voice ko! Aba't lokong 'to... Sabihin mo na nga ang kailangan mo! Tangene mo!"

Napatingin ako kay Riye na mukhang may kausap din sa earpiece niya. Mukha ngang masaya siya sa balita ng kausap niya na sa tingin ko ay si Reiji o baka masaya siya dahil kausap niya si Reiji.

Inoobserba ko silang dalawa ng may narinig akong kinetic sound galing sa earpiece ko.

"Hello? Moshi moshi?" Sa una ay nagtaka akong sinong alien ang kausap ko dahil sa moshi moshi niya ng nagpahalakpak ako ng tawa.

"Hello?"

"H-hiro... Hahaha!" Tumawa ako ng tumawa hanggang sa narinig ko ang tsk niya. Mukhang naiinis na siya.

"Don't laugh. It was a dare!" Sigaw niya sa akin. Naiimagine ko ang pamumula ng pisnge niya dahil sa kahihiyan. Napangisi tuloy ako.

"Oo na. Oo na. Anong balita? Naguusap kasi sina Akane at Riye pareho sa earpiece nila kaya sa tingin ko ay may balita."

"Well, Sir Hayate send a mail from the laptop we got in Miyu." Ani niya at napanguso ako.

"Ang unfair talaga. Ba't ba nasa inyo ang laptop?"

"Because you girls lost in the game. Tsk. Boys are strong." Maangas na sagot niya kaya hindi ko napigilang sumbatin siya.

"Ang sexist mo naman! At jack 'en poy lang ang larong iyun, no. Akala mo malakas ka na niyan."

"Hey! I used my hand muscles! It was excercise!" Protesta niya kaya umirap ako sa kawalan. Magsasalita pa sana ako ng bumalik ang kinetic sound at lumabas ang boses ni Ken.

"Nasabi mo na, Hiro?" Hindi sumagot si Hiro kaya tumawa si Ken ng napakalakas. "Hahaha! Sabi na nga eh! Lost in both of your own little world, eh?"

"Ken!" Lumabas ang boses ni Akane. "Huwag mo nga silang isturbuhin!

"Wow! Nagsalita ang hindi nangingistorbo!"

"Kayong dalawa! Keep quiet!"

"Nii-san. Apat po kami. Hehe."

"Yo, bro!"

Napatawa nalang ako sa kakulitan nila. Kaya palang maggroup call pero hindi ginawa. Hindi ba nila naisip na mas nakaka save ng time pagsinabi nalang nila sa aming tatlo ng sabay?

"Tak." Ani ni Hiro. "Akemi, we found out that some shinigami detectors are here in the school. We need them for help."

Ah! Kaya pala masaya si Riye!

Tantei Undiscovered (tantei High Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon