Chapter 14: shinigami reaper

8.7K 252 35
                                    

Chapter 14: Shinigami Reaper

Bee's buzz : as promise. =)
-

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Darwin ay mabilis akong tumakbo papunta sa Dorm namin. No. I shouldn't cry. I should be strong.

Pumasok ako sa room kaso hindi ko nakita si Riye. Wala din si Akane. Sinubukan ko silang kontakin gamit ang earpiece at nahagip ko ang signal galing kay Akane kaya tinawagan ko siya.

"Andyan ba si Riye?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Andyan ata sa dorm. Bakit?" Sinabi ko lahat kay Akane at gulat na gukat siya. Kasama niya pala si Ken kaya si Ken na ang nagsabi sa mga boys. Napasyahan kong pumunta sa library, baka andoon siya.

Walang tao sa library dahil gabi na at nakapwesto ito sa huli ng hallway sa second floor. Madalas magtambay si Riye sa library dahil iyun ang observatory niya. Unti-unti akong pumasok at lumakad-lakad... Wala akong nahagip na Riye sa paligid. Aalis na sana ako ng mahagip ko sa mata ko ang isang papel na may kalayuan saakin. Instinct na ata ang nagtulak saakin palapit doon. Ang papel na iyun ay isang kulay yellow na sticky note. Binasa ko ito at kinabahan ako kaagad... Hindi maaari.

We caught her.

Nakakahinala ang paglalagay ng papel sa table na nagsisilbing clue... But why are they giving out clues? Are they expecting this from us? Or worst... They have found our identity a long time ago?

"Cass!" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko silang nakatayo dun, may pag-aalala sa mukha nila. "Si Ria...."

Hindi natuloy ang sasabihin ni Akemi ng nakita niya ang expression ko. Lumapit ako sa kanila at binigay ang papel. Ngunit, si Hiro ay nanatiling nakatingin saakin. Hindi ko na sana siya papansinin ng naramdaman ko ang pagtanggal niya ng salamin ko and wipe something off at the side of my eyes.

"Everything will be alright."

I hope.

***
Hindi namin nahanap si Riye.

Tinanong din namin sa klase niya kung nakita nila siya. Kaso, ang sabi lang daw ay hindi na bumalik si Riye pagkatapos ng afternoon break.

"We will ask Ms. Reina about this matter. She might know about the shinigami tracker movement." Ani ni Hiro ng makarating kami sa dorm ng girls. Oo, sa girls dahil nga na gawain nila 'to sa Tantei high, nagawa na din nila ito ngayon. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaso ang kinapag-alala ko sa kanilang tatlo ay si Reiji na hanggang ngayon ay walang imik.

"Reiji..." Tawag ko sa kanya. Tinignan niya ako sandali at bumaba ng tingin.

"It's all my fault." Ani nito at nanghihinang umupo sa kama ni Riye. "Sigurado akong ako ang huli niyang kasama."

"H-hindi ikaw ang may kasalan, Reiji..."

"It's mine!" Sigaw pa neto. "Kasama ko siya sa panahong iyon. Masaya siya dahil andito ang mga shinigami trackers. Ani nito na may letter daw siyang natanggap. It was from a shinigami tracker. She was so sure because of the stamp."

"Why didn't you tell us earlier?" Matigas na sabi ni Hiro.

"I... I'm scared." Bulong ni Reiji.

"Uy, gago! Takot kang tulungan si Riye?!" Sigaw ni Ken kay Reiji. Seryosong-seryoso. "Ano ba?!"

"Hindi niyo maiintindihan and I refuse to say anything!" Hindi na umimik si Reiji. Sinubukan ni Hiro kausapin si Reiji kaso ay ang sagot lang nito ay, "Si Riye dapat ang pag-usapan natin."

"Gonggong ka?! Paano narin matutulungan si Riye kung hindi mo sasabihin ang alam mo?!" Sigaw naman ni Akane at lumapit kay Reiji. "Reiji, atama family, right? Hindi dapat tayo magtago ng sikreto."

"Right. Atama family tayo kaya ayoko kayong... Argh!" Naiinis na sabat ni Reiji. "Babalik na 'ko!"

Mabilis na tumayo si Reiji at tumalon sa bintana gamit na din ang 6th senses niya.

"Aba't-"

"Let him be. We need to trust him," ani ni Hiro na kinakalkal pa ngayon ang laptop para mahagip ang signal ni Ms. Reina. "I know Reiji. He won't not talk for no reason."

"Gago, Hiro, alam ko naman yun eh!" Ani ni Ken. "Ang problema, paano tayo makaalis nitong barbieng building ito kung wala ang ultra flexible body ni Reiji?"

"Nagawa mo pang magbiro, gonggong!"

"Totoo kasi!" Halatang pinapagaan lang ni Ken ang atmosphere kaso ay maging siya, malungkot. Lumapit si Ken kay Hiro at lumapit naman ako kay Akane.

"Akemi. Sa tingin mo, nasaan si Riye?" Mahinang tanong ni Akane. "Miss ko na siya."

Yinakap ko siya at yinakap din niya ako. Wala akong masabi dahil hindi ko din alam. But all I can do now is pray for her and the rest to be safe.

***

Andito ako ngayon sa classroom at hinihintay matapos ang discussion para makausap ko si Darwin sa nalalaman ko. Hindi makontak ni Hiro si Ms. Reina kahapon kaya nagbitaw nalang siya ng mensaheng sinasabi na kontakin agad kami pagkarecieve ng message. Ang dahilan kung bakit hindi namin sinabi ang lagay ni Riye sa mensahe ay dahil delekado. Posibleng nalaman na nga ng mga shinigami ang plano namin at inihack ang computer.

Kumuha ako ng isang papel at tinapon papunta kay Darwin. Nagukat naman siya at sinamaan niya ako ng tingin. Nakakatawa siya tignan dahil ang wig niya ay medyo na dishabille. Itinuro ko ang papel at tinignan niya lang ito bago tinapon pabalik saakin.

Salamat nalang.

Pinandilatan ko siya kaso ay nakatingin na ito sa harapan. Walangya. Tinapon ko ulit ang papel kaso ay may nakasulat naito sa labas ng, "read it, idiot."

Inis ulit siya tumingin saakin and the cycle happen again. Ang kaso, nagets na niya ang ibig sabihin ko at tinignan ang letra ko para sa kanya.

Tumango lang siya saakin then end of discussion. We will be meeting each other under the stairs in the end of the hallway kung saan walang tao.

Pagkabreak na ay nauna akong lumabas at pumunta sa tagpuan. The gang knows about this and we need the informations of Darwin kaya sinasabi namin ito. Ayaw sana ni Hiro at gusto pang sumama saakin pagtanong ko kay Hiro but then, our force is si small and we need to spread out.

Dumaring si Darwin pagkatapos ng ilang minuto.

"Inip ka na ba kakahintay saakin? Masyado ka kaseng excited masolo ako," nakangising saad nito. This time, ako naman ang sumama ang tingin. Tumahimik nalang siya at umupo na sa tabi ko.

Sinabi ko kay Darwin na parang nagkatotoo na ang hinala niya. Ang pagdadakip nila ng shinigami trackers, kasali na din ang pagkawala ni Riye. Walang imik si Darwin natila malalim ang iniisip.

"It's happening." Ani niya ng mahina at tumingin saakin. Kinabahan ako. "Their motives is to capture all shinigami trackers... But that was only a part of the plan. May gusto silang makuha and I'm trying to figure out what it is." Darwin sounds frustrated. Kahit na nasa tagong lugar kami ay maingat pa din siyang hindi sumigaw. Bigla akong tinignan ni Darwin at pinitik ang noo ko. "I have to go investigate. Take care, alright? And I'll help fond informations about Riye's whereabout.'s."

Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit na hindi siya mukhang si Darwin dahil sa disguise niya, at medyo awkward, yinakap ko siya.

"You too and thanks."

Naunang umalis si Darwin at sumunod ako. Lumabas ako sa ilalim ng stairs, ang lugar na pinagtaguan namin dahil hindi matao ang hallway. Ngunit, nakailang hakbang palang ako ay may nakita akong aninong pababa ng stairs kaya nagtago ulit ako.

"We caught her." Ani ng isang monotone na boses. "Shall we put her with the others?"

"No," ani naman ng isa. "We will wait what will those brats do. With this, our plan will be accomplished smoothly."

Humina at humina ang boses ng mga ito at napatanto kong paalis na sila. Ng hindi ko na sila marinig, sumilip ako at dahil sa sixth sense ko, ay nakita ko and sideview nila nagsasalita.

Ang isang mas maliit at mas matanda ay nakilala ko bilang si Sir Harumo, ang lalaking nanbiktima kay Akane. Ngunit nagulat ako sa pangalawa. Kilalang-kilala ko ang matangkad at ang mas batang kasama ni Harumo... Shinigami Reaper, Kyuuya.

Tantei Undiscovered (tantei High Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon