Nasa isang bench, sa loob ng school ako nakaupo ngayon.
Para hintayin si Ken na nasa library para magreview ulit. Hindi na ako hinayaan ni Ken na umuwing mag-isa baka daw mag-alala na naman siya.
Pero sabi ko naman sa kanya na ayaw kong maghintay sa library pumayag naman siya. Kaya nasa isang bench nalang ako sa school naghintay at ite-text niya nalang ako kapag tapos na siya.
Habang naghihintay ako ay naisipan kong mag-selfie. I took three picture with different poses. Pero napatingin ako sa isang picture na nakuha ko. Napataas ang isang kilay ko nang makita kong may sumingit sa picture. Agad akong tumingin sa likod.
Pero agad ko ding tinanggal ang tingin ko sa likod nang makita ko kung sino ang photo bammer sa picture.
Seriously? Wala talagang araw na hindi siya magpapakita sa'kin.
Napairap ako at idi-nelete nalang ang picture at kinuha ko na ang bag ko para sana umalis na.
"Sandali." hindi ko siya pinakinggan. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Sandali lang." rinig ko pang sabi niya.
Pero desidido na talaga akong hindi nalang siya pansinin.
"Ingrid, can we talk?" napaigtad ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko agad ko naman itong tinanggal.
Humarap ako sa kanya. "Siguraduhin mo lang na may sense 'to." sabi ko.
Mabuti naman at siya na rin ang nagfirst move para magkausap na kami.
Bumalik ulit kami doon sa bench kung saan ako nakaupo kanina.
Umupo ako at siya naman ay doon sa katapat ko. Meron namang pagitan sa'min, yung table.
"Ano? Akala ko ba mag-uusap tayo?" sabi ko dahil kanina pa siya nakayuko.
"Sinasayang mo lang ang ora---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo.
"I'm sorry." aniya at nagmadaling umalis.
Pagkatapos ng lahat yun lang?
Pinagkibit-balikat ko na lamang 'yon. Tama nga si Mama.
Habang hinihintay ko si Ken ay naisipan ko na lang maglaro sa phone ko pero may bigla namang nagtakip sa mata ko.
Amoy palang niya ay alam kuna kung sino.
"Kendrix!" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya para tanggalin 'yon.
"Tara na." tumango lang ako at kinuha ko ang bag ko.
"'Di ka man lamg nagtext." nakanguso kong sabi.
"Tinamad ako e. Tigilan mo nga 'yan ang panget mo." natatawang sabi niya.
"Chee! Nakakainis ka naman e." sabi ko at binilisan ko ang paglakad.
"Biro lang." aniya at binilisan na rin ang paglakad para makasabay sa'kin.
Hindi na ako nakipagtalo pa. "Kumusta pala yung pagre-review mo?"
"Ayus lang naman."
"Siguradong mananalo ka."
"I don't think so." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman?"
"Siguradong instinct mo na naman 'yan no?" aniya.
"Okay naman yung instinct ko ha." nakangiting sabi ko.
"Nah, kabaligtaran naman."
"Hay, bahala ka na nga!"
"Ayus lang naman sa 'kin kung matalo ako o manalo, basta nandoon ka." aniya at tiningnan ako.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na yun dahil sa sinabi niya parang may kakaiba na sa akin.
Bigla nalang niyang pinisil ang magkabila kong pisngi. "Ang layo naman ng iniisip mo."
"Ang sakit ha!" nagpeace sign lang siya sa 'kin.
May nakita akong nagtitinda ng isaw at amoy palang nakakatakam na.
"Tara bili tayo!" sabi ko at hinatak ko siya.
Parang kanina lang ay naiinis ako kay Lerry pero ngayon naiinis na ako sa sarili ko dahil kung ano-ano na ang iniisip ko. Kaonting bagay nilalagyan ko ng meaning.
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Teen FictionIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...