"Nandito na tayo." anunsiyo ni Ken.
Bumaba na ako habang dala ang bulaklak at isang kandila na nabili namin sa nadaanan namin. Ti-next ko na rin si Mama para hindi siya mag-alala.
Naghiwalay kami ni Ken para puntahan ang puntod ng Papa ko at ang Dad niya.
Pagkapunta ko sa puntod ni Papa ay umupo ako sa damuhan at sinindihan ang kandila. Nilapag ko naman sa gilid ng lapida ang bulaklak.
"Kumusta ka na diyan, Pa? Pasensya na po kung ngayon lang po ako nakadalaw, medyo busy rin po kase ako." sabi ko at inalis-alis ang mga tuyong dahon na napadpad sa puntod ni Papa.
"'Wag po kayong mag-alala, maayos po ang lagay namin ni Mama. Sayang nga po at hindi ko kasama si Mama, siguradong miss na miss ka rin niya po. Alam mo, Pa? May sasabihin po ako sa inyo, actually sa inyo ko lang po naunang sinabi ito. Mukha pumapag-ibig na ang nagiisa niyong anak." sabi ko at biglang humihip ang hangin.
"Pa, naman." sabi ko habang niyayakap ang sarili. "Sisiduraduhin ko naman po na magtatapos ako ng pag-aaral atsaka kasama ko naman po si Mama para disiplinahan ako." Mangiyak-iyak na sabi ko.
Hanggang sa hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang pag-iyak ko at napahagulgol ako. Gamit ang mga kamay ko ay tinakpan ko ang mga mata ko. Siguradong ang panget kong umiyak.
"Here." rinig kong sabi ni Ken. Ibinaba ko ang kamay ko at kinuha ang panyo na nakalahad.
"Thanks, kailangan na ba nating umalis?" tanong ko habang suminghot-singhot.
"Ha, Oo."
"Pa, pa'no ba 'yan alis na daw po kami." bahagyang natawa ako sa sinabi. "Mahal na mahal po namin kayo." at tumayo na ako.
"Alis na po kami, Tito." sabi ni Ken.
Pagkatapos kong pinagpag ang palda ko ay humarap sa akin si Ken. "Tara na."
"Okay."
~*~
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may ipa-pasa akong project sa isa naming prof. first period pa naman namin 'yun.
"Ma, nandiyan na ba si Ken?" tanong ko habang palabas ng kwarto.
"Syempre, nandito na."
"Sige po, alis na po ako." sabi ko kay Mama at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Ingat ha."
"Opo!"
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko na nga si Ken at ang sasakyan nila.
"Good morning," bati ni Ken.
Hinampas ko siya sa braso. "Anong nakain mo at nag-go-good morning ka diyan." natatawang sabi ko.
"Dahil maaga ka ngayon." sabi niya at tumawa.
"Tara na at may ipa-pass pa akong project oh." sabay pakita ko sa dala kong envelope.
"May project pala tayo?" tanong niya habang papasok sa loob ng sasakyan.
"Ayus lang kahit hindi ka magpass."
"Yeyyy!" aniya at sumusuntok-suntok pa siya sa hangin.
Atsaka na siya pumasok sa loob ng sasakyan. Nagsimula na rin umandar ito.
"Pero kailangan mo namang magreview." natatawang sabi ko.
"Speaking of review, samahan mo ulit akong magreview sa library."
Bago pa ako makapagsalita ay pinatigil na niya ako.
"Oppss, marami kang vacant ngayon dahil busy ang mga prof."
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Fiksi RemajaIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...