Chapter 10

12 5 2
                                    

Pasado alas dies na ng umaga nang magising ako. Bumangon ako at naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko dahil hindi naman ako sanay magpuyat.

"Mama!" sigaw ko at lumabas nang kwarto.

Nakita kong lumabas si Mama mula sa kusina.

"Bakit?" tanong ni Mama at tiningnan ako.

"Masakit po ang ulo ko." sabi ko at umupo sa dining area.

"Ayan at nagkatotoo kung magpuyat ka kase wagas." sermon ni Mama.

Tumayo ulit ako at naghanap ng pantimpla ng kape. Wala lahat? Kape, Asukal at Gatas.

"Ma, bakit wala?" tukoy ko sa mga pantimpla.

"Ay, oo nga pala. Sorry, hindi pa kase ako nakakapag-grocery ngayon sana."

"Bibili nalang po ako sa tindahan." sabi ko at lumabas na kahit nakapantulog pa ako.

"Pumunta kanina si Ken," rinig kong sabi ni Mama. "Sabi ko tulog ka pa kaya kahit gusto ka niyang hintayin ay pinauna ko na siya dahil may contest pa siya." dagdag pang sabi ni Mama.

"Alis na po ako." sabi ko habang sinusuot ang tsinelas ko.

Tatalikod na sana ako nang magsalita na naman si Mama.

"Ingrid." humarap ako.

"Bakit po?"

"Heto yung pera." sabay abot sa akin ng pera.

Lumabas ako ng bahay na suot ang terno kong pajama na may printed picture pa ni Patrick the starfish. Hindi man lang ako nag-iisip. 'Di bale na maaga pa naman.

Imbis na mag-isip pa ng kung ano-ano ay tinakbo ko na ang papunta sa tindahan.

"Pabili po!" sigaw ko.

"Ano 'yon?" tanong ng tindera.

"Kape, Asukal at Gatas po."

Pagkatapos kong bumili ay napaigtad nalang ako sa kinatatayuan ko nang biglang may yumakap sa 'kin.

Mga ilang segundo akong naestatwa sa nangyari pero napagtanto ko kung ano ang ginagawa sa akin ng lalaking ito dahil ang aga-aga napakamanyak niya.

"Ang lakas ng loob mo, manyak ka!" at siniko ko siya sabay karipas ng takbo.

"Wait!" malakas na sigaw ng lala- si Ken? Napatigil ako.

"Hay! Ang bilis mo namang tumakbo." aniya habang humihingal pa.

"Teka, bakit nandito ka?" tanong ko at nagsimula na akong maglakad.

"I'm not manyak." napakunot noo lang ako sa sinabi niya dahil ang layo ng sagot niya.

Alam ko naman na hindi siya manyak e. Nabigla lang talaga ako. Naramdaman niya siguro na wala na akong balaka magsalita kaya nagsalita nalang siya.

"Listen first, okay?" aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya napatigil ako sa paglakad.

Tiningnan ko siya habang nakataas ang isang kilay ko. "Nanalo ako!" masaya niyang sabi.

Ngumiti ako. "Sabi ko na sayo e, congrats!"

"Pero hindi ka pumunta." nakanguso niyang sabi.

Nabigla ako sa sarili ko nang bigla nalang akong natawa sa pagka-nguso niya kaya kahit gusto kong pigilan ay natatawa talaga ako.

"'Yan tuloy hindi mo nakilala yung gusto ko." pagkarinig ko sa sinabi niya ay parang gusto ko nalang umuwi at magkape nalang.

Pero dahil magkaibigan pa naman kami ay suportado nalang ako. Ganoon naman talaga 'di ba?

"Sayang naman." kunwaring nanghihinayang na sabi ko.

"Pero pwede ko naman siyang ipakilala sayo, now." aniya at ngumisi.

Bago pa ako makapagsalita ay muli na naman niya akong niyakap at may ibinulong, "Meet yourself." nanlaki ang mga mata ko sa binulong niya kaya naitulak ko siya.

"Sorry,"

"I'm inlove with you!" aniya.

Am i dreaming? Please don't wake me up. Bahagya akong napailing sa naisip ko. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong natawa.

This is unbelievable. Siya inlove? At sa akin pa.

"Hey, it's true." tumigil naman ako sa pagtawa. "Your instinct is true!"

"Talaga lang ha." sabi ko.

"Sometimes." at tumawa siya.

Sinapak ko siya sa braso. "Tara na nga, magkape muna tayo." naglakad ulit ako at ganoon din siya.

"You're jealous right?" sabi niya habang naglalakad kami.

"Ha?"

"To your self." aniya.

Imbis na magdeny pa ako ay tumango nalang ako. Para saan pa kung mag-de-deny pa ako.

Natawa siya kaya napangiti ako. "So, you like me?"

"Bakit naman hindi." at umirap ako.

That's true naman kase atsaka alam ko na rin naman sa sarili ko na hindi lang kaibigan ang turing ko sakanya more than, than it.

"Pero hindi ibig sabihin no'n e, easy to get na ako." mataray na sabi ko narinig ko naman ang pagtawa niya.

"I know, I know. Nakausap ko na rin pala ang Mama mo tungkol dito." aniya at kumindat pa sa 'kin.

"Lakas talaga ng loob mo, no?" sabi ko at pinangigilan ang mga pisngi niya.

"It hurts!" natawa lang ako sa pula ng pisngi niya.

This is really unbelievable! Pero kailangan kong maniwala dahil sa sandaling ito ay napawi ang lahat ng mga wierd feelings ko.

Dahil hindi naman pala minsan masakit ang katotohanan kundi ipinapakita pa nito na kailangan natin itong tanggapin ng buong puso masaya man ito o malungkot.



                        The End


--------------------------------------------------------------------------------------------

Instinct Gone Wrong (Completed)Where stories live. Discover now