Kinaumagahan ay agad akong nagising. Paano ba naman yung relo ko ay tumunog ng parang timer bomb sa ingay at nakita kong pasado alas siete na. Samantala ang klasi namin ngayon ay alas sais.Kaya agad akong nagpaalam kaya Mama kahit hindi pa'ko kumakain.
Bakit kaya wala pa si Ken? Dati naman siya pa 'yung nauuna ha. I don't have any choice kaya naman pinuntahan ko nalang siya sa kanila."Ken! Kendrix!!" malakas na sigaw ko habang nasa labas ng bahay nila.
Tumigil ako sa kakatawag nang lumabas si Ken na nakapantulog pa.
"Why are you so early like a bird?" sabi niya habang kinukusot-kusot pa ang mata niya.
"Early like a bird? Hoy! Oras na kaya." napatingin pa siya sa suot ko.
Humikab pa siya kaya medyo naiinis na'ko at hindi pa siya gumagalaw. Ano na?
"Pumasok ka muna kaya sa loob." inakbayan niya pa ako.
Agad ko naman itong tinanggal. "Duh, oras na kaya! Late na tayo."
"Hindi tayo papasok ngayon." napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Ha? Bakit?"
"Dahil magre-review ako ngayon."
Magre-review pala siya hindi man lang niya sinabi sakin edi sana nauna na 'ko. Paano na ako malamang siya excuse ako naman absent.
Napabuntong-hininga ako sa naisip. "Bakit kasali pa ako?" mga ilang minuto niya pa akong tiningnan bago siya nagsalita.
"Wala naman akong sinabi na kasali ka, sige na nga pasok na tayo." napahawak pa siya sa buhok niya.
I have a feeling na gusto niya kasama niya ako. Pero bakit? I mean mas okay pa nga kung ikaw lang mag-isa. Para sakin lang naman.
"Weird mo ha." natawa ako pero nang maramdaman kong nakatingin lang siya sakin ay nawala ang tawa ko.
Grabe naman. Seryoso na siya.
Para naman hindi siya nagkakaganyan ay hinigit ko ang braso niya papasok sa bahay nila. "Sige na nga sasamahan na kita magreview." bigla siyang napatingin sakin.
"Baka kase hindi mo na ako i-libre." natatawang sabi ko.
Ginulo niya ang buhok ko. "Hintayin mo nalang ba akong magbihis o magpapaalam ka muna kay Tita?"
Oh my..oo nga pala si Mama.
"Paalam muna ako kay Mama." tumango lang siya.
Agad naman akong tumakbo palabas. Ang aga ko pa naman umalis.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong nawawalis si Mama sa bakuran namin.
"Ma." napatingim siya sa kinaroroonan ko.
"Oh bakit ang aga mo ata?" tanong ni Mama kaya sinabi ko sa kanya na sasamahan ko si Ken na magreview para sa contest niya.
"Alam ba ng mga teacher niyo?"
Bigla akong napaisip roon ha.
"Opo naman, siguro kase para sa school naman 'yun." napatango lang si Mama.
"Bihis lang po ako."
"Sige."
Bago ako ulit umalis ay nagpaalam ako kay Mama.
Magtutuloy-tuloy na sana ako sa pagpasok sa bahay nila Ken nang makita ko si Ate Delya ang isa sa mga kasambahay nila.
"Magandang Umaga, Ate Delya!"
Kasalukuyan siyang nagdidilig ng halaman.
"Oh ikaw pala, magandang umaga rin." ngiting sabi niya sa'kin.
Nginitian ko rin siya at pumasok nako sa loob.
"Ken?" may lumapit sa'kin na isang kasambahay nila na naglilinis sa sala nila.
"Nasa study room na po siya."
"Salamat po." sabi ko.
Agad na akong umakyat, tutal kabisado ko naman ito. Ang tagal ko ng nakita ang bahay nila mula sa labas at loob pero namamangha pa rin talaga ako sa ganda ng bahay nila. Architect kase ang Papa niya kaya siya daw mismo ang nagdesign nito pero ang nakakalungkot lang ay nawala na rin ito gaya ko, tanging ina na lamang ang meron kami.
Bubuksan ko na sana ang pintuan sa study room nang bigla akong ginulat ni Ken.
"Booo!!!" pero gaya pa rin ng dati walang epekto.
"Wala bang bago?" natatawa kong sabi.
"Makisabay ka nalang."
"Kala ko ba magre-review ka?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"Oo nga." sabi niya at kumuha ng mga libro.
Ang ganda talaga dito, ang lalaki ng mga bookshelf samantalang sa'min maliit lang kokonti pa ang mga libro.
"At ano naman ang gagawin ko?"
"Kuha ka nalang ng libro na gusto mo at magbasa." aniya at nagsuot nang reading glass.
Mariin ko siyang tinitigan.
Napakunot ang noo niya. "Why are you looking at?"
"Wala, bagay mo pala ang nakasalamin." napailing siya at ngumisi.
Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Naghanap ako ng libro.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito." mahinang sabi ko habang tumitingin ng libro.
"Hindi kase ako makapagreview ng maayos, kakaisip na mag-isa kalang pumasok at umuwi sa school."
What?mahina na nga ang boses ko narinig pa niya.
Tiningnan ko siya. Habang siya naman ay nasa libro ang tingin. "Grabe naman, na-touch ako my friend." nakangiti kong sabi.
Napahawak pa siya sa sintido niya at ngumiti."Alam mo, konti nalang talaga iisipin kong may gusto ka na sa'kin." sabi ko at kumuha nang libro ng hindi ko man lang alam kung ano ang kinuha ko. Makapal kase.
"Tsk. Edi isipin mo."
Lumapit ako sa table niya. "Gusto mo ako no?" tinitigan ko siya.
"Instinct?" aniya. Habang nasa libro pa rin ang tingin niya.
"Oo, gusto mo ako no?" ulit kong sabi.
"Oo naman, bakit hindi?"
This time, nag-angat na siya ng tingin kaya medyo nailang ako at bigla ko nalang tiningnan ang hawak kong libro.
'A Walk To Remember' written by Nicholas Sparks.
"Oh my!!!!" malakas na sabi ko at niyakap ang libro.
Sobrang fun talaga ako ni Nicholas Sparks, kaya hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Nakikita ko lang kase ang mga book niya sa mga bookstores. Hanggang tingin lang ako no'n pero ngayon hawak ko na.
"What are you doing?" hindi na namalayan na inaamoy-amoy ko na ang pahina nito.
Pero agad ko rin itong itinigil nang napagtanto ko na nandito pala si Ken.
"Don't mind me, mag-review ka nalang diyan." nakangiting sabi ko na parang walang awkward na nangyari kanina.
Tinalikuran ko siya para san umupo sa sofa nila dito nang magsalita na naman siya.
"Where are you going?" naiinis na hinarap ko siya.
Sinabi ko na nga na 'Don't mind me' tapos ano na naman.
"Uupo lang ako."
"Okay, basta sabihin mo kung ano ang gagawin mo." aniya. Habang ang tingin ay nasa libro niya.
"Possessive?" mahinang-mahina kong sabi, mahirap na baka marinig niya pa.
Umupo ako sa sofa nila at nagsimula na akong basahin ang libro.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang tumunog ang phone ko.
-----------------------------------------------------
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Novela JuvenilIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...