"Hindi ako sasabay sa iyo pauwi dahil may gagawin pa ako sa library e. Okay lang ba? O ipapasundo nalang kita?" 'di na talaga ako magtataka kung bakit super busy niya dahil siya ang pambato ng school namin sa isang contest.
"Sus, kaya ko na 'to." Ngiting sabi ko.
"Sure ka?" tanong niya pa.
"Oo naman, 'wag mo lang akong ma-mi-miss." at tumawa ako. "Joke lang."
"Hindi naman siguro,"
"Joke nga lang di ba, sige una na'ko." tinalikuran ko na siya pero bago pa'ko makahakbang ay hinawakan niya ang braso ko. Parang tumigil yata ang mundo?
Hinarap ko siya."Ang bilis mong magtampo." at pinisil niya ang dalawa kong pisngi.
"Masakit!" reklamo ko sa ginawa niya.
Pisilin mo na ang lahat, 'wag lang ang pisngi ko. Ano bang iniisip niyo? Hay.
"Nagtatampo ka pa kase e."
Tampo na ba 'yun.
"Hindi naman ako nagtatampo ha." hawak ko pa rin ang pisngi ko na pinisil niya kanina.
"Hindi daw."
"Hindi naman talaga e. Kaya una na'ko at pumunta ka na rin sa library."
"Okay, ili-libre nalang kita." pagkasabi niya non ay bigla akong nabuhayan.
Mukhang libre is me na ba.
"Yes!"
"Kapag nanalo ako." at tumawa siya.
"Sure na 'yan." tinaas-taas ko pa ang dalawa kong kilay.
"Sana nga, punta na'ko sa lib... ingat ka!" at pinisil niya ang tungki ng ilong ko.
Hilig niya ba ang mamisil. Hindi na nakakatuwa ha.
"Okay!" sabi ko nalang.
***
Naglalaro ako sa phone ko habang palabas ako sa school nang biglang..."Boo!" muntik ko nang mahulog ang phone ko sa gulat.
"Lerry!!" inis na sigaw ko, habang siya naman ay tumatawa sa sobrang saya niya ay parang mawawalan na siya ng hininga.
Buti nga.
Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil sinsasayang lang niya ang oras ko. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko habang naglalaro ako ng Candy Crush.
Nang nasa labas na'ko nang school ay tinigil ko na ang paglalaro."'Di mo kasama si ken?" napairap ako sa kawalan. Nang marinig ko ang boses niya.
"Wala kang kasama?"
Sa susunod talaga magdadala na'ko ng earphone.
"Obvious na nga tinatanong mo pa!" sigaw ko at mabilis na naglakad.
"Hintay!" mas binilisan ko pa ang paglakad ko.
Hanggang sa pag-uwi ko talaga, hindi niya ako tatantanan.
Nang masiguro kong wala na siya ay huminto ako habang hinahabol ko ang hininga. I almost run na pala.
"Ang bilis mo naman."
What? At nasundan niya pa talaga ako. Kumaripas ulit ako ng takbo. Magiging nightmare ko na ba siya. Nakakatakot naman.
-------------------------------------------
For more updates visit my fb account: Ultimategel WP
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Novela JuvenilIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...