Chapter 6

6 6 5
                                    

"Excuse me lang." sabi ko kay Ken.

Hindi ko na siya hinintay oang sumagot at agad na akong lumabas.

Sino ba itong istorbo na 'to. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong unknown ang number.

Sino naman kaya 'to?

Para malaman ko kung sino 'to ay sinagot ko ang tawag.

"Hello? Sino 'to?" sabi ko habang papunta sa balcony nila.

"Hey." pagkarinig ko palang sa boses niya ay agad ko ng pinatay ang tawag.

Wala talagang araw na hindi ako iniinis nito.

Pabalik na sana ako sa study room nang pagharap ko ay nasa harap ko na si Ken.

"Sino 'yung tumawag?" marahan niyang sabi.

"Ha, wala." sabi ko at biglang tumunog na naman ang phone ko.

Nakita kong napatingin si Ken sa phone ko.

"Wait lang." sabi ko.

Tumango lang siya. "Sa baba lang ako."
Tumalikod ako at sinagot ang tawag.

"Bat mo pinatay?" ani lerry sa kabilang linya.

"Pake mo? Atsaka saan mo nakuha ang number ko? At 'di ba may klase ka?" sunod-sunod na tanong ko.

Actually dapat talaga hindi ko na siya kinakausap e. Waste of time.

"Woah, woah. Dahan-dahan lang." narinig ko pa ang tawa niya.

"Wala akong panahon para sayo." sabi ko.

"Alam ko naman 'yun e."

"Alam mo naman pala, sige bye!" agad kong in-end ang tawag at pin-a-wer off ko na rin ang phone ko.

Nang dahil lang sa tawag na iyon ay nasira na ang araw ko.

Bumuntong hininga muna ako at bumaba na.

Pagkababa ko ay wala akong nakitang Ken kaya naman tinanong ko kay Ate Delia na kakapasok lang.

"Nasaan po si Ken?"

"Nasa garden siya."

"Salamat po."

Hindi na talaga yata mawawala ang inis ko sa Lerry na 'yon. Ang sarap niyang itapon, ewan ko lang kung saan.

"So, sino ba talaga 'yung tumawag?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Ken. Na sumusulpot nalang kung saan.

"Bakit ba bigla ka nalang nagsasalita diyan?"

"Sino nga 'yun?" tanong niya ulit.

Umupo siya sa isang bench, kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

"Si Lerry." sabi ko habang tiningnan ang mga bulaklak sa paligid.

"Bakit daw?" nakita ko sa gilid ng mata ko na tiningnan niya ako. "Nakita ko rin pala siya nu'ng isang araw na lumabas siya sa gate niyo."

"Yun na nga e. 'Di ko rin alam basta ang alam ko lang iniinis ako ng loko."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" humarap ako sa kanya.

"Busy ka, kaya ayokong makaistorbo sayo." binalik ko ulit ang tingin ko sa mga bulaklak dito sa garden nila.

"Hay naku, kausapin kaya natin siya?"

"Hindi na, ako nalang." sabi ko at tumingin ulit ako sa kanya.

Napakunot ang noo ko nang hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa'kin.

Ano 'to? Eyes to eyes?

"Hoy! May gusto ka talaga sa'kin no?" at pinitik ko ang noo niya.

"Asa."

"Sus, halata naman. Hindi ka pa umamin." sabi ko at tinukso-tukso ko pa siya.

Nainis na ata siya kaya pinatulan na niya ako.

"Ikaw talaga!"

Kiniliti niya ako kaya napatayo ako habang tumatawa.

Hindi ko alam kung nasayang ba ang oras namin ngayon dahil hindi naman siya nakapagreview ng maayos.

Pero sa tingin ito na yata ang masayang araw ko dahil sa mga oras na 'yun ay wala kaming ibang inisip kung hindi ang magpakasaya.

Dahil baka sa mga susunod na araw ay hindi na namin magawa ito sa sobrang busy sa school.


-------------------------------------------------------

You're still here! Thank youuu!!!

Instinct Gone Wrong (Completed)Where stories live. Discover now