"Ingrid!" sigaw ni kendrix.
Nasa kwarto ako at nag-aayos pa para pumasok sa school.
"Wait lang!" sigaw ko rin.
Patapos na ako sa pag-aayos nang biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Ingrid nasa sala na si kendrix, nakakahiya naman sa bata at pinaghihintay mo," sabi ni Mama.
"Ma, naman. Saglit nalang atsaka anong nakakahiya kay ken na 'yon, e matagal ko na siyang kaibigan." Sagot ko at kinuha ko na ang bag ko.
"Kahit na, alam mo namang—"
"Oo na po, Ma. Alis na po kami." Sabay kiss kay Mama.
Nasa labas na kami ng kwarto, nang makita kong nakaupo si kendrix. Tiningnan niya ako habang magkasalubong ang kilay niya.
"Ingat kayo ha."
"Opo," sabi ko at lumapit kay ken na ngayon ay nakatayo na.
Sabay na kaming lumabas nang bahay.
"Tagal mo," sabi niya.
"Ngayon lang naman."
"Tss, tara na nga." aniya at pinagbuksan ako nang pintuan ng kanilang kotse.
Tiningnan ko siya. "Lakad na--" hindi pa ako tapos sa sasabihin ko, nang magsalita siya.
"FYI, ma-li-late na po tayo." aniya at tiningnan niya pa ang kanyang relo.
"Okay." sabi ko at sumakay na.
Umaandar na ang kotse. Nang mapansin kong panay ang tingin ni ken sa kanyang relo.
"Alam mo ken," biglang sabi ko.
"What?"
"Pakiramdam ko hindi tayo late. Ang late niyan yung teacher." bahagya pa akong natawa sa sinabi ko.
"Tingnan lang natin." seryoso niyang sabi, kaya napatahimik ako.
Pagkababa namin sa school ay mabilis na naglakad si ken. Habang ako naman ay nakisabay nalang sa kanya.
"Waittttt!" bahagyang sigaw ko. Dahil may mga room kaming nadadaanan na nagka-klase na.
Halos tumakbo nako para lang maabutan siya.
"Bautista, Kendrix." rinig kong sabi ng teacher namin.
Natigil naman ako sa likuran ni ken, na medyo humihingal pa. Pinunasan ko rin ang kaunting pawis sa noo ko.
"Present." agad namang sabi ni ken.
"Why are you late?"
"Excuse me po, Ma'am." sabi ko at nauna na akong pumasok kay ken.
Nasa akin ngayon ang tingin ni Ma'am.
"Sakto lang po kami, sa time." ngiting sabi ko."Oo nga po, Ma'am. Sakto lang po." singit ni Eya, ang president namin.
Tiningnan naman ni Ma'am si Eya at pagkatapos sa amin naman.
"Okay, sit down."
Nakaupo na kami, habang nag-che-check pa ng attendance si Ma'am.
Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya pasimple ko itong tiningnan. Magkahiwalay kase ng upuan ang babae at ang lalaki.
May nagtext lang pala at si ken 'yun.
Ken:
Instinct huh?
Text niya. Tiningnan ko siya pero nakatingin siya sa harapan.
Mag-ta-type na sana ako para mag-reply sa kanya. Nang sikuan ako ng katabi ko.
Tiningnan ko siya at agad na ibinulsa ko ang phone ko.
Narinig ko naman ang boses ni Ma'am na ibig sabihin ay mag-i-start na siya sa discussion niya.
Kinuha ko ang notes ko at ang ballpen ko na nasa bag at nakinig na lang.
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Fiksi RemajaIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...