Sa kakatakbo ko ay napabilis ang pag-uwi ko. Sakto naman na nakita ko si Mama na pauwi na rin.Nang malapit na'ko sa kanya ay hinawakan ko ang braso niya.
"Ma,"
"Oh, Ingrid ba't hinihingal ka?"
Hindi agad ako makapagsalita dahil hinahabol ko pa ang hininga ko.
"Bakit ka ba kase tumatakbo?" nang umayos na ang paghinga ko ay inayos ko ang uniform ko.
"Uwi na po ta--" naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Lerry na nakakainis.
Itsura palang. Katawan palang. Nakakagigil ng laman.
"Tita!" malakas niya pang sigaw at papunta pa sa kinatatayuan namin.
Ang lakas ng loob tawagin si Mama ng Tita, kamag-anak ba namin siya.
At paano niya ako nahabol? Ang bilis ko na kaya.
"Kilala mo ba 'yan?" tanong ni Mama.
"Hindi po."
"Opo!" magkasabay pa naming sabi.
Nakita ko sa itsura ni Mama na parang nagtataka siya o naguguluhan.
"Mag-usap tayo sa bahay, Ingrid. Isama mo na rin 'yang kasama mo." sabi ni Mama at nagsimula na siyang maglakad ganon din kami.
Napapabuntong-hininga nalang ako. Nakita ko pang ngumisi ang loko.
***
"Isara mo ang gate, Ingrid." sabi ni Mama, pagkapasok namin sa bahay."Opo." sinara ko naman ang gate.
Ano kaya ang naisip ng loko na 'to at sumama pa talaga siya dito sa'min. Wala bang kahit konti man lang kahihiyan?
"Sino nga ba itong kasama mo ha?" tanong ni Mama.
Sasagot na sana ako kaso inunahan niya ako.
"Ah, Ako po si John Lerry." pakilala niya sa sarili.
"At? Kaibigan mo ba 'tong anak ko?" napakamot nang ulo si lerry. Ako naman ay napapairap nalang sa kawalan.
Tiningnan ako ni Mama kaya naman wala akong magawa kung hindi sabihin ang totoo.
"Ma, frenemy ko po talaga siya. Diba?" pinanlakihan ko pa siya ng mata para sumang-ayon nalang siya.
Tiningnan naman ngayon ni Mama si Lerry.
"Opo.""Anong frenemy?" tanong niya sa amin.
"Kaibigan na kaaway." ngiting sabi ko kaya Mama para naman kahit konti ay maniwala siya.
"Ganon ba?" kunot noo niyang sabi. "May ganon pala ngayon." dagdag pa na sabi ni Mama.
"Oo naman po."
"Sige, punta lang ako sa kusina. Ingrid ikaw na ang bahala sa frenemy mo."
"Opo."
Nang nakaalis na si Mama ay siniko ko si lerry.
"Ouch! Inaano ba kita?" giit niya.
"Alam mo naiinis na talaga ako sayo!" sa hindi sinasadya ay napalakas ang boses ko.
"Ingrid, anong meron?" ani Mama mula sa kusina.
"Ha, wala po!" masama ang tingin ko kay lerry.
Hinigit ko ang kamay niya palabas nang bahay.
"Umuwi ka na." mahinahon kong sabi, baka kase marinig pa ni Mama.
"Ayoko." mapang-asar pa na sabi niya.
Loko-loko talaga siya. Nakakagigil.
"At bakit? Feeling close ka na ata ngayon ha?" nakapamewang na sabi ko.
"Bakit? Bawal ba?"
"Oo, kaya umalis kana!"
"Ingrid, nasaan na 'yung frenemy mo?" tanong ni Mama mula sa loob ng bahay.
"Ma, uuwi na daw po siya kase po hinahanap na siya sa kanila!"
Tiningnan ko si Lerry na nakangisi. Akala mo naman bagay niya.
"Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan? Alis na!" iritado kong sabi.
"Oo na, pero umalis ka muna sa harapan ko. Nakaharang ka kase." umalis naman ako sa harapan niya. To give a way.
"Kainis ka talaga. Ayaw na kitang makita!" sabi ko, nang makalabas na siya ng gate.
"See you!" sabi niya at kumindat pa.
Kakasabi ko lang e. Sakit talaga ng ulo.
"Bwisit ka!" agad ko ng sinara ang gate narinig ko pa ang tawa niya.
Ako pa talaga ang pinag-trip-an.
Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sala.
Umupo rin ako sa tabi ni Mama.
"Ingrid, ano mo ba talaga 'yon? Manliligaw mo?" napa-ubo ako sa sinabi ni Mama.
"Ma, hindi po!" agaran kong sabi.
"Ano nga kase? Ramdam ko na hindi talaga kayo magkaibigan o kung ano pang tawag do'n."
"Magkaaway po talaga kami non, i mean may atraso po talaga siya sakin." kumunot ang noo ni Mama kaya kin-wento ko sa kanya ang nangyari noon.
Hindi ko kase sinabi kay Mama kung sino ang umapak sakin.
"Alam mo, anak kaya siguro nilalapitan ka non ay dahil may unfinish business siya sayo." sabi ni Mama.
Unfinish business? Talaga lang ha.
"Ano naman kaya yun, Ma."
"Baka gusto niya mag-sorry pero ayaw niya lang ibaba ang pride niya. Baka lang."
"Ngee, hayaan na nga natin siya. Bahala na." sabi ko nalang.
Ilang minuto kaming natahimik. Hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang masayang family picture.
"Nakakamiss si Papa." biglang sabi ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Mama ang kamay ko.
I was just seven years old back when my Papa left us. Namatay si Papa sa isang Car accident, no'ng mga oras na 'yun ay dapat susunduin ako ni Papa pero hindi siya dumating kaya naman malungkot akong umuwi sa bahay. Pero may mas nakakalungkot pa pala dahil pag-uwi ko ay nakita ko si Mama na magisang umiiyak habag hawak ang picture frame ni Papa.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero ang tanging ginawa ko nalang ay ang yakapin ang Mama ko.Iniisip ko pa nga kung bakit wala si Papa at kung bakit hinahayaan niyang umiyak si Mama. Pero sa bandang huli ay nalaman ko rin ang totoo, na wala na pala ang Papa ko.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.Hinagod ni Mama ang likod ko. "Tahan na anak, sigurado ako na nami-miss din tayo ng Papa mo. And I'm sure that he will guide us forever."
"Ingrid, 'wag ka munang mag-a-asawa ha." napatigil ako sa pag-iyak at tiningnan si Mama.
"Si Mama naman oh, wala pa po sa isipan ko 'yan." sabi ko.
"Siguraduhin mo lang ha." pinitik niya pa ang noo ko. "At dapat magtapos ka muna ng pag-aaral mo."
"Oo naman po! Heto na nga at patapos na." pagmamalaki ko pa.
Sinundut-sundot niya ang tagiliran ko kaya napahiyaw ako at siya naman ay natawa.
"Oo, kaya matulog ka na. Maaga ka pa bukas."
"Goodnight po! I love you, Mama." kiniss ko siya sa kanyang pisngi.
----------------------------------------------------
:)
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Novela JuvenilIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...