Magdamag kong inisip ang mga pangyayari at ang aking nararamdaman kaya kinabukasa hindi na ako magtataka kung mali-late ako.
"Ingrid!" boses ni Mama habang niyuyug-yog ako.
"Hmmm.."
"Gising na."
"Five minutes pa, Ma." sabi ko ng nakapikit pa ang mata ko.
"Hindi pwede bumangon ka na." rinig kong sabi ni Mama.
Hinigit niya ang kumot ko kaya kahit ayoko pa talangang bumangon ay napagbangon ako.
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko.
"Bilisan mong gumalaw late ka na!" sermon sa akin ni Mama.
Napatingin ako sa wall clock at nakita kong pasado alas siete na. Walang sabi-sabi akong pumunta sa banyo.
"Mama! Si Ken po?" sigaw ko mula sa loob ng banyo.
"Nasa sala."
"Ha? Dapat pinauna niyo na po siya."
"Hihintayin ka raw niya."
Ano ba ang naisip non? Alam ko naman na ayaw niya ang nali-late siya tapos para sakin magpapa-late siya. Napailing na lamang ako sa naisip bilisan ko nalang ang pagkilos.
Nang natapos ako ay agad na akong lumabas.
"Let's go!" nagmamadaling sabi ko habang palabas nang bahay.
Hindi ko na tiningnan pa si Ken, naramdaman ko rin naman na sumunod siya sa akin.
"Alis na po kami, Tita." rinig kong sabi ni Ken kay Mama.
"Ingat kayo at bilisan niyo na." sabi pa ni Mama.
Dahil late na kami ay nakaabang na ang maghahatid sa amin, yung kotse nila. Kaya dumiretso na ako at si Ken na ang nagsara ng pinto.
"Bakit hinintay mo pa ako?" tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan.
"Lagi naman kitang hinihintay ha." aniya.
"Pero super late na tayo."
"Okay lang, basta kasama kita." napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
What is the meaning of this? Wait it just a bestfriends thing right. Hoping.
"Sweet mo namang kaibigan." ginulo ko ang buhok niya.
"Hey! Stop it!" natawa lang ako.
Pagkababa namin sa school, as usual patakbo na sana siya nang hinigit ko ang braso niya.
"Not now." aniya.
"Hindi ako sasabay mamaya sayo ha."
"Bakit?" magkasalubong ang kilay na sabi niya.
"Pupunta kase ako sa sementeryo, kay Papa."
Umayos ang mga kilay niya na kanina lang ay magkasalubong. "Sama ako."
"Hindi na."
"Hindi tayo pwedeng magtalo ngayon dahil late na tayo." aniya at ako naman ngayon ang hinigit niya. Nagpatianod nalang ako.
Napahinto kami nang imbis na katahimikan ang datnan namin ay maii-ingay at may sara-sariling mundo sila sa ingay ang nadatnan namin.
"Vacant natin ngayon hanggang 9." sabi ng isa naming kaklase na nakita kaming napahinto.
Naramdaman kong bumuntong hininga si Ken.
"Pumunta muna tayo sa Cafeteria." tumango lang ako. Dahil kanina pa nagpaparamdam ang tiyan ko.
Pagkarating namin sa cafeteria ay si Ken na ang nagorder nang pagkain namin.
Nilalaro-laro ko lang ang mga daliri ko sa lamesa nang makita kong paparating na si Ken.
"Hintayin mo nalang ulit ako, saka pupuntahan ko na rin si Dad." sabi niya habag nilalapag ang mga pagkain.
"Okay."
"Kumusta na pala yung usapan niyo ni Lerry?"
"Ayun, nagsorry na." sabi ko at kumagat sa sandwich ko.
"That's good."
"Oo nga e. Wala na rin mangiinis sa akin." nakangiting sabi ko.
"So, bakit ka nga pala na late ng gising?" tanong niya.
Kinuha ko ang isang bottled water at uminom.
"Medyo napuyat lang." nakita ko naman na parang sumang-ayon lang siya sa explanation ko.
Nang natapos kaming kumain ay bumalik ulit kami sa room dahil may klase pa kami.
Nauna ng umupo si Ken.Bago naman akong umupo ay may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Parang may something sa inyo ha." sabi ni Claire, isa sa mga kaklase ko.
"Oo nga!" na sinang-ayunan naman ng kaibigan niyang si Suzy.
Imbis na makipagsayang pa ako ng laway sa kanila ay hindi ko nalang sila pinansin. Mga kulang sa pansin.
Natapos na ang lahat ng klase at di-deretso na sana ako sa dating tambayan ko nang tinawag ako ako ni Ken.
"Alis na tayo."
"Ha? 'Di ba magre-review ka pa?" tanong ko.
"Naisip ko kase na kailangan ko rin palang kausapin si Dad." nakangiting sabi niya.
Bahagya kong hinampas ang braso niya.
"Hindi naman siguro tayo magtatagal 'di ba?" tanong niya.
"Hindi naman, may sasabihin lang ako kay Papa." tumango lang siya.
"Let's go." at sumunod na ako sa kanya.
---------------
YOU ARE READING
Instinct Gone Wrong (Completed)
Teen FictionIngrid was a believer when it comes to her instinct. But her instinct are opposite to the reality. When it comes in love, Ingrid was trying to depend to her instinct. But deep inside she wanna know the truth. Truth about her feelings. Not just an In...