Part 4

2.3K 191 10
                                    


RAVEN WAS still in awe. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa wakas ay makakadaupang palad na niya hindi lamang si Alexander kundi pati na rin si Vladimir. Masaya siya. Pero hindi pa rin niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya. Na para bang may koneksiyon siya sa dalawa. Ah, marahil ay ganoon lang talaga ang pakiramdam kapag nakikilala ang hinahangaan.

"Sorry. I...I'm speechless. Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. But it's so good to finally meet you, guys," nahihiyang wika niya.

Blangko pa rin ang emosyon ng mukha ni Vladimir habang si Alexander ay animo hindi na mapalagay. Pagkuwa'y nagpalitan ng sulyap ang magkapatid.

Narinig niya ang tila ungol na nagmumula sa kasunod niyang pila. Natatagalan na nga naman siya roon. "I guess my turn is over..." aniya.

Subalit si Alexander ay tila hindi pa siya handang pakawalan. "Kuya Vlad..." wika nito na animo humihingi ng tulong sa sundalo.

Kumunot ang noo niya dahil roon. Sa pagkamangha pa niya ay nilapitan siya ni Alexander.

"Raven, kung hindi mo mamasamain, puwede ka bang mayakap?" Nagulat siya. "It's...it's so hard to explain but I think I need to do this," agad na dugtong ni Alexander. Bago pa siya makapagreact ay niyakap na siya nito. Napapikit siya. Warmth surged through her. Para siyang kinikilabutan na hindi niya mawari. Alexander held her tenderly as if he was looking for answers.

"Xander," tawag ni Vladimir sa kapatid. Tsaka lamang siya pinakawalan ng modelo. "I'm sorry about that, Raven. Raven Monteverde. Iyon ba talaga ang pangalan mo?" ani ni Vladimir.

"Oh, it's okay. Sino bang fan ang ayaw mayakap ng idolo niya? Isang malaking karangalan sa akin ang bagay na iyon." Ngumiti siya pero hindi niya maunawaan kung bakit naiipon ang mga luha sa sulok ng mga mata niya. Nagiging emosyonal siya. Ah, baka ganoon lang talaga 'pag nakikilala ang hinahangaan. "Sa pangalan ko naman, it's actually Rachel Venice Monteverde. 'Raven' is my nickname."

Tumango si Vladimir. Sa tingin niya ay masyado na talaga siyang natatagalan roon. Bago pa siya masabunutan ng mga kasunod niya sa pila ay nagpaalam na siya sa magkapatid.




"OH GOD! This is really one of the happiest moments of my life." Nakangiting wika ni Raven habang naglalakad papalayo sa lugar sa kinaroroonan ni Alexander. Meeting the Mondragon brothers was so fulfilling. Tila may puwang sa dibdib niya na unti-unting napupunan. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng ganoon pero naroon sa dibdib niya ang kakaibang pakiramdam na iyon.

Sa huling pagkakataon ay lumingon uli siya sa kinaroroonan ni Alexander. Hanggang sa bumangga siya sa isang katawan.

"Hey, watch it," anang baritonong tinig. Pumulupot ang braso nito sa baywang niya para matulungan siyang maibalik ang balanse ng katawan niya.

Nakagat niya ang labi niya. Lumingon siya. "I'm sorr— sorry." Natigilan siya. She was dumb-struck for a moment. Agad niyang napansin na guwapo ito, matangkad, at matikas. Mabuti nalang at nakontrol niya ang sarili para hindi dumaan sa mga mata o mukha niya ang paghanga. Pero hindi niya napigilan ang sarili niya para hindi pasimpleng pasadahan ng tingin ang kabuuan nito.

His hair looks soft and shiny. Perpekto yata ang hugis ng bridge ilong nito, matangos iyon pero hindi nakaka-distract sa paningin. And his lips...it looks luscious. Noon lamang siya nakakita ng ganoong labi ng lalaki na nakakaakit pagmasdan. He had the darkest set of eyes she had ever seen. Amazingly, tila may mga mumunting ilaw na nagkikislapan roon. Isa pang kapansin-pansin rito ay ang jaw line nito na na-a-adornohan ng well trimmed na balbas. It looks so manly.

Nakasuot ito ng kulay puti na sweatshirt. Tinernuhan nito iyon ng jeans na humahapit sa mga hita nito. Isang tingin pa lang at masasabi na niyang nabibilang ito sa mataas na antas ng lipunan. Hindi dahil sa pisikal nitong hitsura kundi dahil nasa aura nito ang bagay na iyon. Why, he stands so sure. Matatag ang pagkakatayo nito. Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata niya ang malapad na dibdib nito kung saan siya bumunggo. Gayundin ang mga balikat nito na na tila nagdidikta ng kapangyarihan.

Kakatwa ngunit sumisingit sa isip niya na tila pamilyar ito sa kanya. Na para bang kilala niya ito o kaya naman ay minsan nang nagsalubong ang mga landas nila.

Tumikhim siya. "Again I'm sorry. Kasalanan ko dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko." Napansin niya na nasa kanang bahagi siya ng aisle at sumusunod lamang sa agos ng mga tao. "But then, come to think of it, nasa right side ako. Meaning nasa tamang linya ako. Kumbaga sa traffic, ikaw ang nag-counter flow."

The man chuckled. At hindi niya maiwasang punahin ang timbre ng boses nito. Sexy iyon. Masarap sa pandinig. "Smart girl. Applying the 'keep right' rule, huh? Kaya lang nasa Pilipinas tayo at wala sa ibang bansa."

Sasagot pa sana siya pero tumuon ang mga mata niya sa nunal na nasa dulo ng kanang kilay nito. Napasinghap siya ng tila may litratong nag-flash sa isip niya. Iyon nga lang, sa sobrang bilis niyon ay hindi rin naman iyon rumihistro sa kanyang isipan.

"Hey, okay ka lang ba?"

"A-ahm, ah...yes, yes, im fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Sige mauuna na ako. Sorry uli ha?" sabi niya bago dali-daling tumalilis. 



--------------------------------

:)

Pahingi naman ng Vote, comment, at share diyan, o. Thanks!

Valencia Brood Series Book 6 : RoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon